19: Aqcuaintance Party 04

29 13 0
                                    

"Our next game is called agawang base. Syempre magkalaban parin ang old and new. There will be 2 bases. Team oldies and newbies. Assign a member to guard your base. Other members may run outside their base to capture the opponents or to steal the opponent’s base. To capture the opponents, you must drag them and put them in your base. The captured opponent will be the other team’s prisoner. He or she must stand in the captor’s base until his or her teammates tagged him or her to be saved. And lasty to steal the base of the opponent and win, you must touch their base"

Katulad ng last game ay pinaghiwalay uli ang old and new, kaya napunta ako uli sa team nila Aizen. Hindi ko pa nakakausap si Jaxxe pero panay na ang pag iling nya saakin.

Nasa magkabilang dulo ng event hall ang dalawang team. Lahat ay nakahawak sa pader ng base nila. Ang napag usapan ay mga lalaki ang susugod upang manghuli ng kalaban habang ang mga babae naman ay patuloy na nakahawak lang sa base at hihilahin ang papalapit na mga kalaban.

Nagsimula nang sumugod ng paunti unti ang mga lalaki. Nangunguna si Aizen sa team namin at si Jaxxe naman sa kabila. Habang ang mga babae ay nakahawak parin sa base at wla pang ginagawa.

"Lamang ang newbies!"

Sabi ni ate Eve sa mic nang makahila sila Jaxxe ng dalawang players galing sa team namin. Ang mga nahila ay magkakapit kamay sa gilid ng team nila at pwede namin silang irescue ulit kapag tuluyan na kaming nakalapit.

Maya maya ay nakahila na din ang team namin ng tatlong players at ang kabilang team ay nakahila ng isa.

"Ganto ang plano. Susugod kaming lahat ng boys tapos pag nakalapit ang kalaban bigla namang susugod ang girls para hilahin sila. Gets?"

Bulong saamin ng isang member ng team na lalaki. Lahat ay tumango bilang pagsang ayon sa plano nya.

"Lahat na susugod in 3..2..1!"

Nang magsitakbo ang mga lalaki ay sumugod din ang mga lalaki sa kabilang team kaya kaming mga girls ay sumugod din. Nakahila ang ibang girls ng tatlong players galing sa team ng newbies. Habang ako ay walang nahila.

Patakbo na sana ako pabalik sa base namin ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Gotcha"

Shit! Hila hila na ang kamay ko ni Jaxxe papunta sa base nila.

"Fuck! Axeia!"

Rinig kong sigaw ni Aizen galing sa kabilang base. Nandito na ako ngayon sa base nila Jaxxe. Dinala nya ako sa gilid ng base kung nasaan ang iba kong kateam na nahuli din. Hindi ko inaasahang andun din si Less. Ni hindi ko napansin na nahuli din pala sya.

Nagkapit kapit kaming kamay ng mga kateam kong nahuli din. Lima kami kaya medyo mahaba ang line na nagawa namin. Ginagawa ito para mas lalo kami makalapit sa team namin sa kabilang base at madali kami mahila.

Kinunutan ko ng noo si Jaxxe na nasa harapan ko at magkakrus ang braso. Nakangisi na sya saakin ngayon.

"What are you looking at?" tanong ko.

"Whatever you do Cole they won't get you. You're in my territory now"

Sinabi nya iyon ng nakangisi at parang siguradong sigurado sa sinasabi nya. Napailing nalang ako.

Ang dami nyang alam

Nagsimula na ulit sumugod ang team namin na nasa kabila. Kapansin pansin na laging dito papunta ang direksyon ni Aizen, kung saan magkakapit kamay kaming mga nahuli. Pero hindi sya matuloy tuloy dahil gusto din syang hilahin ng ilang mga newbies kaya bumabalik ulit sya sa base.

Chasing Ezcalar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon