01

138 80 5
                                    

"Axeia the ring looks good right?"

Tanong ni mommy habang kumakain kami ng dinner. She's pertaining to the engagement ring that Im wearing right now. It's a real stone surrounded by small diamond in its sides. I admit it looks beautiful but I know that Im really not ready for this.

It's pretty but I don't want this.

Kasalukuyang kumakain ang pamilya namin kasama ang pamilyang Altazar. Pinaguusapan at pinaghahandaan ang magaganap na kasal namin ng kababata kong si Aizen. Bata palang ako ay magkasundo na tlga ang pamilya namin at ang pamilyang Altazar. We are both family of lawyers. My dad and Tito Raymond, Aizen's dad are bestfriends since highschool. Halos sa lahat ng bagay ay magkasundo sila.

Ang daming handa. Samu't saring seafoods, iba't ibang putahe at dessert na talagang masarap, pero wala akong gana. Alam ko sa sarili kong may parte saakin na hindi nagugustuhan ang mga nangyayari. I dont like this. Ang bata bata ko pa. Im just a grade 12 student, ni hindi pa nga ako 18. At isa pa, I dont like Aizen. Right from the start when we are just kids, I dont like him and his attitude.

"Excuse me sa garden lang ako magpapahangin"

I saw Aizen's eyes staring at me after I said that. Nakatingin sya sakin sabay lipat sa plato kong cupcake lang ang laman at di pa naubos. Kumunot ang noo nya.

"Go ahead iha, Aizen anak pakisamahan nga si Axeia" sabi ni tita Stella ang mother ni Aizen

Wtf? I can do it on my own. Parte parin naman ng bahay namin ang garden wala naman mangyayari saking masama. Besides, Aizen and I are not close at all. We barely talk. Maybe once or twice a month I guess? At wala akong balak na mas maging close sya.

"Tita Aksi, Tito Samuel excuse me lang ho samahan ko lang po si Axeia"

Napairap ako nang marinig yon. Di ko na pinakinggan pa ang sasabihin nila mommy sakanya naglakad na ko palabas sa garden namin. Ito ang pinakapaborito kong parte ng aming bahay. I like the ambiance, the fresh air and lightings in there.

May fairy lights doon kaya kahit gabi ay maliwanag pa din. Umupo lang ako sa bench na nakaharap sa magagandang bulaklak na nakatanim sa garden namin. Sa gilid non ay may pool din. Tumingala ako sa langit at hinangaan ang ganda ng buwan. Hugis crescent sya at marami ring bituin.

"Ang ganda talaga ng buwan" sabi ko habang nakatingin padin doon. Bata palang ako ay mahilig na ako sa buwan. Pakiramdam ko ay inlove na ako sa kahit anong hugis nito. Pero ang pinaka paborito kong hugis ay crescent.

"Yeah, it is beautiful"

Ni hindi manlang ako nagulat na nandyan na pala sya dahil ineexpect ko din naman na susunod sya. Nilingon ko sya at nakita kong deretso ang tingin nya sakin. He is wearing a white long sleeved polo na bukas ang tatlong butones pababa. Paired with a black jeans and a pair of white rubber shoes. His eyes are so deep na deretsong nakatingin sa mga mata ko. Parang andaming gustong sabihin ng mga mata nya habang nakatingin sakin. Agad kong iniwas ang tingin ko takot na malunod sa tingin galing sa mata nya.

"Nagsasalita ka pala" I laugh sarcasticlly habang nakatingin sa pool.

"Axeia I am not in favor of this arrangement too" malamig na sabi nya. Sa pagkakataong iyon ay muli akong natawa ng sarkastiko.

"Eh kung ganon naman pala ay bakit wala kang ginawa Aizen? Bakit di ka manlang tumutol?"

"Believe me sinubukan ko. I tried to talk to dad. But he didn't understand. Kahit ano atang paliwanag ko ay hindi nya maiintindihan" kita ko ang galit at lungkot sakanyang mga mata habang sinasabi iyon.

"I dont know what to believe anymore..." sbi ko sabay tingin sa mga mata nya. Naalala ko pa nung mga bata kami ay hindi ko na talaga sya kasundo. Hindi kami madalas magkausap o magkalaro man lang. Ang kasundo ko lang ay ang ate nyang si Ate Everett.

Hindi gaanong namamansin si Aizen, subukan ko mang makipag kaibigan sakanya ay ayaw ko din dahil para sakin kung ayaw sakin edi ayaw ko din sakanya. Kahit naman ganoon sya ay hindi nya parin ako pinapabayaan. Madalas ko syang nakikitang nakamasid saakin tuwing naglalaro kami ni Ate Eve sa kalsada. One time nga ay iniligtas nya ko sa bike na muntik na kong masagasaan but after that hindi parin kami naging close.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan ko syang pakasalan. Maayos naman at mayaman parin naman ang pamilya namin kahit hindi ko pakasalan ang anak ng pamilyang Altazar. Hindi ko alam kung anong purpose ng kasal na toh. Ang tanging iniisip ko lang na dahilan ay si daddy at ang matalik nyang kaibigan na si Tito Raymond na daddy ni Aizen. Gusto lang ata nilang gawin ito dahil sa kagustuhan nila.

Iniwas ko ang tingin sakanya at tinignan ang malaking bato na napapaligiran ng diamonds sa singsing na suot ko. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko na lumalapit sya sakin at umupo sa tabi ng inuupuan kong bench.

"Do you like it?" sabi nya habang nakatingin sa singsing. Yes it is beautiful, pero kada naiisip ko kung para saan ang singsing na toh ay feeling ko hindi na ako nagagandahan dito.

"Its beautiful but I dont like it's purpose" sabi ko habang nakatingin sakanya. Nag angat sya ng tingin saakin at bakas ang pagkalungkot sakanyang mga mata. Agad syang nag iwas ng tingin at bumuntong hininga nalamang.

"Do u like me?" deretso kong tanong kay Aizen ng walang pag aalinlangan.
Gusto ko lang din malaman, sana naman ay wala syang gusto saakin. Nagbabakasakaling kapag parehong ayaw namin ay baka makumbinsi pa namin ang mga magulang namin na itigil nalang ang kasal.

Sandali syang tumitig sakin at umiwas ng tingin. Tumingin nalamang ako ulit sa buwan habang iniintay ang sagot nya. Narinig ko ang mga yapak ng high heels ni Ate Eve habang naglalakad papunta samin.

"Axeia, Aizen lets go. Pinapatawag na kayo may pag uusapan daw importante"

Sandali pa kong tumingin kay Aizen na nakatingin na din sa buwan ngayon at mukang malalim ang iniisip. Agad na kong tumayo at humakbang palayo ng bench ng marinig ko ang sinabi nya...

"Believe me or not It's not my plan to like you Axeia.."

Nang makapante ako sa sagot nya ay sinumulan ko ng maglakad papalayo. Yun lang naman ang gusto kong marinig. Malayo layo nako sa bench at paalis na sa garden ay muli ko syang narinig na nag salita.

"Its not my plan to like you... But I already did"














Chasing Ezcalar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon