Chapter 16

358 12 1
                                    

Mansion

Kell's Pov

Papunta na kami ni Cass sa Mansion. Bat ako pa kasi yung inutusan pwde namang si Nathan na lang yung kukuha ng gift.

Cass: oh? Kinakabahan ka?
Me: Hindi naman. Nakakairita lang. Tsk.
: Haha nagseselos ka parin ba?
: what? H-hindi na noh antagal na may anak na sila. Mag asawa na tayo.
: ahhh. Pero mahal mo pa?

Hindi ko alam ano isasagot ko. Mahal ko pa nga ba? Haha nakakatawa tong sarili ko.

:antagal mo makasagot. Silence means yes.
:  tsk ewan ko sayo cass.
: Kailan kaya tayo sasaya?

Out of nowhere na naman yung sinsabi niya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.

: andito na tayo.

Bago pa siya nagsalita bumaba na ako. Syempre gentleman parin ako so binuksan ko pinto niya. Di namab to pilit ee o pakitang tao pero wala kusa ko lang binuksan.

Aling Nena: oh kell !
Me: Hello po aling nena. Andyan po ba si Nathan? May ipapabigay po sana si mommy. Para po sa baby.
: ayy naku! Bago lang sya umalis. Si Miss Isabela lang andito puntahan mo na lang sa Nursery room. Oh cassandra gusto mo ba ako tulungan?
Cass: sige po. Saan po ba?
: sa kusina naghanda tayo ng meryenda niyo.
: naku sige po aling nena. Gustong gusto ko po yan.

Gusto kong hilain si cass kasi naman pupunta ako dun? Kami labg dalawa actually meron yung baby pero---- ugh wala akong choice.

Bawat hakbang ko sa hagdan eh ganun ka lakas ang tibok ng puso ko. Malapit na ako. Nasa harap na ng pintuan. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas at bumungad sa akin ang napakagandang babae.

: Oh kell
hindi ako makapagsalita ang ganda ganda niya. Hindi siya mawala sa isip ko ngayon. Bumalik ako sa sarili ko ng hawakan niya ang mukha ko.

:kellllll!! Anyare sayo?
: ahhh-- ehhh ano ahmm ano--
Sht bat ako nauutal puteks.
:ano yang hawak mo?
: ahh oo nga pala. Ito oh bigay ni mommy kay baby. Ako na naghatid dahil wala si mommy.
:naku! Salamat kell ha? Naiispoil na yung anak ko ng mga lola niya
:kumusta ang baby?
: mabuti naman ang lusog lusog.

Bigla naman umiyak yung baby sa loob kaya pumasok kami ni Isabela. Agad naman tong binuhat ni Ic. Bagay na bagay niya ang ginagawa niya. Napakaganda pagmasdan. Hindi tumitigil sa pag iyak Si baby kaya naman parang nag aalala na si Ic.

:Ic okay lang ba sya?
:ayaw niyang tumigil hindi naman sya nagugutom. Di naman siya ganito ee.
:can I carry him? Subukan ko baka tumigil.
:Sigesige.

Lumapit sya sakin at dahan dahang ibinigay sakin si baby. Hindi ko alam anong mararamdaman ko pero bakit parang ang ganda sa pakiramdam makahawak ng baby. And out of nowhere tumigil si baby sa pag iyak. Ngayon hawak hawak niya ang isa kong daliri habang natutulog.

Nakatitig lang si Ic. Hindi ko alam pero kita sa mga mukha niya ang pagkagulat sa nangyari. Ibababa ko na sana kaso magsisimula na namn ang pag iyak kaya naman dinala namin si baby sa sala.

:Hindi kaba nangangalay?
:Hindi naman. Okay lang hehe napakacute niya. Kuhang kuha niya ang mukha ni Nathan haha.

Hindi ko alam pero napakaplastic ng tawang yun. Nasa tabi ko lang si Ic Hinahaplos niya ang ulo ni baby. Nakatitig lang ako sa knya habang ginagawa yun.

:Ansaya siguro kung nabuhay yung anak natin.
Eto na naman tong bibig ko bigla nlng magsasalita.
:sobrang pogi din nun. Kasing pogi ng tatay niya. *ngiti*

Gusto ko siyang yakapin. Pero hindi pwde mali din to. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko.

Aling Nena: Hay naku! Ang cute niyo naman pagmasdan. Bat andito si baby?

Napatitig kami kay aling nena. Nakita ko rin sa tabi niya si cass may dalang pagkain. Hindi ko alam kung ano ang expression sa mukha niya.

:naku! Si baby kasi ayaw umalis kay kell umiiyak kapag binababa siya. Pasensya na cass ha?
:Naku okay lang yun Ic. Pamangkin naman ni kell si baby.
: kumain muna kayo. Baka napagud na si kell ako na muna ang hahawak kay baby.
: sure ka Ic?
:oo naman di na siguro to iiyak.

Agad ko namang binigay si Baby. Ewan parang ayokong mawala ung bata gusto ko nasa tabi ko lang si Ic pero hindi pwde.

: Kumusta naman kayo mag asawa?
: Okay naman po. Busy po sa trabaho.
: naku! Bigyan niyo naman ng oras ang isa't isa. Wala pa kayong anak.
Cass: Haha! Pagplaplanuhan pa po namin Aling Nena.
: Talaga? Mabuti naman para naman may kalaro si Baby.

Pinagmasdan kong muli si Ic hindi siya nakatingin sakin. Nakatitig lang sya kay baby. Hindi ko alam kung ano expression ng mukha niya. Tsk bakit kell? Umaasa ka na may ibang expression? Sht ano tong iniisip ko.

Umakyat si Ic sa nursery sinundan ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero bago muna ako nakaalis hinawakan ako ni cass.

:saan ka pupunta?
:Magpapaalam lang ako kay baby. At uuwi na tayo.

Alam ko hindi siya maniniwala. Pero hinayaan niya lang ako. Susubukan ko kahit mali susubukan ko kapag walang nangyari. Kailangan ko ng itigil.

:Oh kell. Bakit? Ilalagay ko na si baby himbing na ng tulog.

Wala ng salita bigla ko na syang niyakap. 30 seconds lang please wag moko itulak.

:Kell? Bakit? Anong ginagawa mo?
:Ic 30 seconds lang please. Ngayon lang to. Di ko na kayang pigilan. Hindi ko alam pero ikaw parin ang tinitibok ng letcheng puso ko.
:Kell, Mali to mali yan kell. Di to pwde.
: Alam ko alam ko pero kahit ngayon lang. Ansakit na araw araw kong naiisip na si Nathan ang kasama mo. Ansakit na hindi ako ang ama ng anak mo. Ansakit Ic na hindi tayong dalawa. Paano kung hindi ako umalis sa tabi mo? Paano kung diko pinili to? Magiging okay ba?
:Kell kasi ----

Hindi ko na siya pinatapos. Bigla ko siyang hinalikan. Hindi siya umatras hindi niya ako pinigilan. Ic bakit? Bakit?

Tumigil ang paghalik ko yumuko ako. Hindi ko maintindigan nararamdaman ko.

:Ic. Alam kong mali tong nangyari. Pero ngayon ramdam kong mahal mo pa ako. Hihintayin kita Ic. Kung saan man umabot to.

Pagkatpos kong sinabi yun umalis ako.

:Aling nena asan po si Cass?
:Lumabas na Kell. Sa kotse na raw sya maghihintay sayo.

Lumabas ako ng bahay. Papunta na ako sa kotse ng bigla kong nakita si Nathan kausap si Cass. Anong ibig sabihin nito? Umiiyak si cass? Bakit?

Mas ikinagulat ko ng yakapinsiya ni nathan. Ano to? Bakit?

●○●○●○●○●○
Mga babies, ito na inaabangan niyong update. Mamayang tanghalu ay mag aupdate akong muli. Madami ng mangyayari. Nagpapasalamat ako sa mga comments at votes niyo na nagustuhan niyo ang aking estorya. Kaya namab ginanahan akong mag update. Sana ay ituloy niyo ang pagbabasa hanggang sa huli. Salamat.

Miss A

My Husband is a Stranger Book 2Where stories live. Discover now