Password: MayHoverboardAko!

11 0 0
                                    

Gusto kong matutong mag-drive~ ♪♫♪ 

Pero sa lahat ng kamalasan, umuulan ngayong gabi. Trapik sa EDSA. At tila walang bus. Maya-maya, babaha na. Peste, wala kang dalang sasakyan. Yung may apat na gulong, katulad ng mga middle class na naghahari-harian sa kalye. 

Pero may isa kang maliit na lego piece. Kulay black and yellow. "Bakit pa kasi dinami pang ide-design, yung may tingkad pa?" Usal mo sa sarili. Kating-kati ka nang gamitin ito. Kaya lang, bawal pang buksan. Kasi ang daming tao. EDSA. Kailangan mong maghintay para mawala ang mga tao. 

Umuulan pa, so natural, maraming stranded. 

Panalo talaga ang trapik sa EDSA, nakamamatay. Naisip mong gumawa ng ibang ruta. Baka pwede ka sa mabuhay lanes, o sa mga tagong subdivision o bara-barangay sa tabi. Mayamaya'y hindi ka na mapakali, nilabas mo rin ang phone mo. Sinubukan mo ang Grab. Tae, 600 mula PHILCOA to Boni. Sinubukan mo ang Angkas. Tae, 350, same pins. 

Wala kang choice. 

Aantayin mo talaga hanggang alas-onse ng gabi para konti na lang ang tao. Konting mga saksi, konting mga utak na buburahin. Lesser hassle to delete each and every person's short-term memory.

Naiplano mo na, medyo madilim sa Maginhawa, doon ka dadaan. Lalabas ka ng Tandang Sora, tapos saka mo liliparin ang C5 bago kumanan sa may gawing Pineda at Kapitolyo. After nun, konting pitik lang sa mga side street eh asa Condo ka na. Siguro, kung wala talagang choice, paiilawin mo ang Amnesia Flicker na bigay sa iyo ng tito mo sa Texas. Ninakaw daw mula sa NASA.

10:30PM. Tumigil ang ulan. Finally! Konti pa.

10:55PM. Atat ka na. Hawak-hawak mo na ang lego piece. Tamang hanap ng Munimuni sa Spotify. Pampatay ng konting minuto. Tapos, nagsimula ka nang mag-log in. 

Tawang-tawa ka sa sarili mo sa bawat log-in mo sa app na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tawang-tawa ka sa sarili mo sa bawat log-in mo sa app na ito. Ang tamad mo gumawa ng username at ng password, ginawa mo pang visible para sigurado ka sa pagta-type ng exclamation point. Hindi ka naman bulag, tuleg lang. 

"Hahahahahanep ka talaga, kahit kailan!!!" Palahaw mo sa iyong sarili.

11:00 PM na. Sakto, live na ang Longboard access. Naggenerate ito ng passcode. Sa hawak mong lego piece, binulong mo ang mga numbers. Bigla-bigla, nag-click ito. 

Lumapad nang konti, pero humaba. 
Kulay black, pero ang air thrust by-line nya, yellow.
Isa siyang longboard.
Panis, ang tingkad ng dilaw. Nairita kang ewan. 

Hinanda mo ang fully-charged mong Amnesia flicker. Mabulag na ang mabulag, hindi naman sila mao-ospital dahil sa short-term memory loss. Ang mahalaga, walang magnakaw ng technology na ito. Mahirap na, gagatasan na ng mga tech companies ang intel nito, gagatasan pa ng gobyerno ang magiging tax kapag may mass production nito. Kaya minabuti mong ikaw lang ang may-ari ng prototype. 

Tamang hanap ng kanta sa Spotify.
Overdrive by Eraserheads.

Sinimulan mo na ang pagsakay, at paglipad. 
Konti lang ang mga sasakyan sa Tandang Sora. Nice. Walang tao masyado. 
Kumaripas ang longboard. Medyo maingay, tunog-Lamborghini. May isang gwardya sa UPTown Center, naghanap ng sosyal na sasakyan, takang-taka saan galing ang ingay. Pero hindi ka nya napansin. Ang bilis mo kasi, medyo nakakatakot. 

Sinubukan mong bumagal. Yung saks lang, tamang pagtupad ng road rules. Hawak-hawak mo ang Amnesia filter para lang masigurado mo ang pagtawid sa Katipunan Ave... Okay naman na ang takbo mo, kaya lang, bigla kang may nakita. 

Isang babae. At imbis na pindutin mo ang amnesia flicker, eh napatingin ka sa kanya. Nagkatitigan kayo. Nabulong mo na lang, "Hiwaga, ang ganda. Chix, kawawa."

Gusto mo siyang tulungan. Gabi na kasi. Mag-isa na lang sya sa daan. Nagawa mo pang magkaroon ng internal debate kung bakit mo siyang tutulungan. "Let's say, she's also a stranded being," kabig mo sa sarili mo. 

Nilakasan mo ang loob mo. Pero nakakapit ka sa Amnesia flicker mo, just in case. Tumawag ka sa kanya– "Ate, saan way mo?"
"Boni po, kuya!" Sigaw niya pabalik.
Sakto. Pagkakataon nga naman. 

"Gusto mo, sabay na tayo?"
"Diyan? Naku, thanks na lang po. Makakahanap siguro ako ng Grab."
"Ate, gabi na kasi, hindi na safe. At kagagaling lang ng ulan. Mahihirapan kang maghanap ng sasakyan."
Katahimikan. Sinubukan mo pang mag-offer.
"Hindi ako masamang tao, ate. Pareho tayong stranded pauwi. Kaya lang hindi ko na mapigilang ilabas ito. Takte kasi ang mass commute natin, suicidal. Kung okay lang sa iyo –"

"Kuya, gustuhin ko man, pero... hindi ako marunong magbalanse!"

Binigyan mo sya ng assurance. Dagdag kumpyansa. "Ano, ate. Ganito. Tatayo ka lang, at kakapit saken, okay lang ba yun?"
"Luh!"
"Pramis ate, uwing-uwi na rin ako katulad mo. Andami ko nang pagod."
"Sige. Sana hindi tayo ma-disgrasya."
"Konti na lang ang mga tao at sasakyan. Kaya yan. Babagalan ko rin. Plano ko kasing dumaan ng side street para hindi takaw tingin."
"Seryoso yan, ha?"
"Oo pramis." Nasagot mo. Na-excite ka, kasi lumapit na siya sa iyo. 

Shet. Kumapit sya sa likod mo. Ang laki ng ngiti mo. Ngiting ginagago ng pag-ibig. Nagawa mo pang mag-internal monologue sa C-5:

"For the first time in the longest while, I learned to appreciate the stillness; the sound of the hum cruising that second lane, albeit a little bit slower than the other roaring cars past us."

PUCHA.
CARS. 

Ang binulsa mong Amnesia flicker, wala na sa iyo. 

Na kay Ate.
At nagulat kang sa biglang pagsuot nya ng shades.
Pinindot nya ang flicker. Nabulag ka sa puting ilaw. 

At ang huli mong naaalala:

"All senses are engaged, ingesting the moment, and seizing all those details -- hums, roars, honks, beating hearts, and uncontrollable smiles."

LOGOS |  | MYTHOSWhere stories live. Discover now