So, buhay pa ako?

Diko alam kong magiging masaya ba ako or hindi. Lahat nalang talaga ng plano ko palpak. Buhaay.

Tinignan ko muna ang paligid. Di sya kalakihan ang kwarto pero okay lang. May mga drawing na nakadikit sa mga dingding. Nahagilap naman agad ng aking mga mata ang malaking salamin. Tumayo ako at tinignan ang sariling reflection.

Ang laki ng pinayat ko.
Iba nadin ang suot kong damit.
Nakauniform ako kahapon ah. May nangyari kaya?. Hmmm. Okay nadin. Para di nako virgin pagmamamatay ako.

Natigilan ako sa pag-iisip ng may pumasok.

"Okay kana?"

Tinitigan nya ako.
Okay nga ba ako?

Imbis na sumagot ay bumalik ako sa kama at humiga.

"Sino ka?" Tanong ko.

Lumapit sya sakin. May dala pala syang pagkain. Nagutom tuloy ako.

"Ba't mo yun ginawa?" Siya.

Tinitigan ko sya. Messy-black hair.  Thick eyebrows. Reddish lips. Nice Nose. Brown eyes.

Handsome...., and Hot.

"Ginawa ang ano?" Pagdedeny ko.

"Alam mo bang maraming tao ang gustong mabuhay. Pinipilit nilang lumaban. Pero ikaw? Sinasayang mo lang ang nag-iisang buhay na binigay sayo." Siya

Natigilan ako. Ano bang pake nito? Tinitigan ko sya ng matagal tsaka nagsalita.

"Pwes," Huminga muna ako ng malalim. "Di ako tulad nila. If you're in my shoes. Dying is the best answer. Dying is the best solution."Di pa niya binibigay ang pagkain kaya kinuha ko na. Dami pang sinasabi. Gutom nako.

"Dying?". Nag-iba ang reaksyon niya. "I don't think so." Umaayos sya ng upo at humarap sakin.

Di ko nalang sya pinansin at kumain nalang. Alam kong tinitignan niya ako pero hinayaan ko nalang siya.

"A person like you wants to live."

Sumubo muna ako ng kanin tsaka sumagot.

"Live?" Tumawa ako ng mapakla. "My life is not worth living. Kung alam mo lang." Ako

Kitang-kita ko kung pano kumurba ang mga labi nito. May nasabi ba akong nasama?

"Akala ko ba gusto mong mamatay? Bat ka kumakain?"

Napahinto ako sa sinabi nya.

Oo nga no?

Nagkunot noo ako sa kanya. "Malamang, gutom ako." Taas-noo kung sagot. "Kung mamamatay man ako, gusto ko yung physical pain."

"Bakit?" Tanong niya.

"Dami mong tanong. Kumakain pa nga ako ohh." Reklamo ko

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Nasa harapan ko padin sya at tinititigan ako na para bang binabasa ang bawat galaw ko.

Nang matapos akong kumain ay kinuha niya ang pinggan at nilagay sa lamesang katabi ng kama.

"Bakit ganto na suot ko? Ginalaw moko no?" Naka tshirt kasi ako at walang bra. Ang pambaba naman ay naka boxer short.

Nag smirk naman sya. "Oo." Pinagdilatan niya ko sya ng mata. Matakot ka! Please matakot ka! "Joke! Oo, nakita ko lahat. Pero di kita ginalaw. Di kita type." Wow ha?! "Yung uniform mo nasa banyo. Pinapatuyo ko pa. No choice ako kaya binihisan kita." Walang emosyong sabi niya.

Tinitigan ko sya saglit. Gwapo niya talaga.

Humiga ako at tinakpan ang mukha ng unan para di niya ako makitang namumula. Di pa gumagalaw ang kama kaya siguradong nasa harapan ko pa sya.

Hinintay kong sya ang bumasag ng katahimikang nasa loob ng kwarto.

"Suicide is a sin." pinutol ko ang sasabihin niya.

"You call it suicide?, " huminga muna ako bago dugtungan ang sasabihin ko. " For me it's not suicide, We're just sad. Sad and lonely."

Natahimik naman sya. Kaya bumangon nalang ako at magpasalamat sa ginawa niya kahit di ko naman kailangan ng tulong niya.

"By the way, Thank you for helping me. Salamat sa foods. Salamat sa damit. Chaka salamat sa pag gamot sa sugat ko" kahit ginusto ko naman . . . "Salamat , Mr?" Nilahad ko ang aking kamay.

Napangiti naman sya ng walang dahilan. Baliw.

"Mr. De Castro." Nagsmile naman sya sakin. "Malco De Castro. Ikaw naman ay si ?"

"Irah. " naghandshake naman kami agad. "Nga pala? Pwede ko na bang kunin damit ko?"

Tumango sya at tinuro kong nasan ang banyo. Agad naman akong pumunta para magbihis.

Pagkatapos kung magbihis ay nakita ko sya sa sala na nagchechess mag isa. Matalino.

Nakita ko naman agad ang bag ko at aalis na sana ng walang paalam ng nagsalita sya.

"San ka pupunta?" Tanong niya

Commonsense nasan ka.~

"Malamang, uuwi." Ako habang sinusuot ang medjas ko. Medyo basa-basa pa. Ano bayan.

"Hatid na kita." Tumayo sya at lumapit sakin. Tinititigan na naman niya ako.

"Huwag na. Kaya ko nang sarili ko." Kukunin ko na sana ang sapatos ko ng naunahan niya ako.

Lumuhod sya sa harapan ko at inayos ang medjas ko.

"Hatid na kita. Baka magpakamatay ka ulit.."

Esinuot niya na ang sapatos sa paa ko.

"Ano ngayon kong magpapakamatay ako?" Tanong ko sa kanya.

Imbis na sagutin ay kinuha nya ang bag ko at tumayo.

"Tara na."

Ano ba tong ginagawa niya?

___

Red StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora