Mabilis akong bumaba sa may kama para lapitan siya. "Kenzo gising late na tayo!" sabi ko pa sa kanya. Nang makabawi ay kaagad din siyang napatayo.

"May exam ako" pamomorblema niya habang pareho kaming aligaga para makaalis na. Mabilis kong isinuot ang aking uniform. Halos hindi na kami nakapagayos pa at patakbong lumabas sa dorm. Hingal na hingal kaming pumasok ng university.

"Saan ang room mo?" tanong niya sa akin. Alam ko na ang balak niyang gawin pero kaagad akong umiling.

"Ikaw muna, mas importante ang exam mo" sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nakatanggi pa ng kaagad ko siyang hinila papunta sa AMS building kung nasaan ang room nila. Tumakbo kaming dalawa para makahabol siya. Tahimik na ang buong 3rd floor dahil nagsisimula na ang exam. Bago tuluyang kumatok si Kenzo ay inayos ko pa muna ang medyo nagulo niyang buhok dahil sa pagtakbo namin.

"Good luck, galingan mo" nakangiting sabi ko sa kanya kahit pa hinihingal pa din ako at ganuon din siya.

Tipid niya din akong nginitian. Kumatok si Kenzo at pumasok sa room. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaabot siya. Tatalikod na sana ako para umalis na ng marinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang kanyang paglabas, bigong bigo siya.

"Anong nangyari?" nagaalalang tanong ko sa kanya.

Marahan lamang siyang umiling. "Hindi na ako pinayagang magtake, masyado ng late" sagot niya sa akin kaya naman ako ay nalungkot. Kagaya ni Kenzo ay bumagsak din ang aking balikat.

Pagod siyang umupo sa may hagdanan. Tumabi ako sa kanya para damayan siya. "Sorry Kenzo" nahihiyang sambit ko.

"Baby hindi mo kasalanan iyon. Ako nga ang nagsabi na ako ang gigising sayo pero nakatulog din ako" malumanay na paliwanag niya pa sa akin pero sinisisi ko pa din ang aking sarili.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "Ihahatid kita sa room niyo, baka makahabol ka pa Lecture lang naman" yaya niya sa akin pero marahan akong umiling.

"Gusto ko dito kasama mo. Please wag mo na muna ako piliting pumasok gusto kitang samahan dito please..." pakiusap ko pa sa kanya. Kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata.

Marahang tumango si Kenzo kaya naman kaagad akong napangiti. "Next time papasok na tayo...bawal na ang tambay" nakangising sabi pa niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

Napahikab ako sa kalagitnaan ng paghihintay namin. "Palagi ka bang nagpupuyat?" tanong niya sa akin na inilingan ko lang.

Imbes ba umalis duon ay hihintayin muna namin ang ilan niyang mga kaklase para makakuha siya ng notes. Kita kong masyadong seryoso si Kenzo sa pagaaral. Kaya naman naisip kong kailangan ko ding ipakita sa kanya na siya ang nagiging inspirasyon ko kaya naman mas lalo kong gagalingan.

Matapos ang halos isa't kalahating paghihintay ay narinig na namin ang paglabas ng kanyang mga kaklase. Napatayo si Kenzo kaya naman napatayo din ako. Napayuko ito ng unang dumaan sa aming harapan ang Doctor na nagtuturo sa kanya. Napatingin siya sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay si Kenzo. Marahan itong napailing na para bang nadismaya. Bayolente akong napalunok dahil duon.

"Kenzo what the hell..." hindi na naituloy ni Fidez ang kanyang sasabihin ng makita niya ako. Mukhang magaling na siya.

Kagaya ng doctor ay tiningnan din niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman mas lalo akong napayuko. Naramdaman ko ang pagtago ni Kenzo sa akin sa kanyang likuran. Mukhang nakita ang kakaibang tingin nito sa akin.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now