Chapter 4: Oh No! She's Sick!

Start from the beginning
                                    

Sa halip na pansinin niya ang pagdurugo ng sugat niya mas pinili na lamang niyang manahimik, sapagkat alam na niya ang magiging reaksyon ni Vince.

"Sofia are you okay, bakit parang namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Vince kay Sofia na halata na ang pamumutla sa maganda nitong mukha.

Sandaling natahimik si Sofia dahil sa tinanong sa kaniya ni Vince, sapagkat kahit sabihin niyang ayos lang siya ay hindi maniniwala sa kaniya ang binata.

"Ano bang sinasabi mo? Ayos lang ako no need to worry," seryosong sagot ng dalaga na tila ba walang pakialam sa nagdurugo nitong sugat.

"Anong ayos ka lang, bakit may dugo ka sa kanang balikat?" natatarantang tanong ni Vince kay Sofia na tila ba kaunti na lamang ay mapapaiyak na ang binata sa sinapit ng dalaga.

Akmang magsasalita pa sana si Sofia ng bigla na lang siyang nakaramdam ng panghihina, hanggang sa unti-unti ng nilalamon ng kadiliman ang kaniyang ulirat.

"Blakeeeeee... S-Si S-Sofia nahimatay, anong gagawin ko sa kaniya?" paiyak na tanong ni Vince sa kaniyang pinsan at hindi malaman ang gagawin sa dalagang nahimatay.

"Tsk. Such a childish! Let's bring her to the Clinic," malamig na saad ni Blake sa pinsan nito na tila ba naiyamot sa pasinghot-singhot na ginagawa ni Vince.

Bagamat sisinghot-singhot ang binatang si Vince kaagad nitong binuhat ang walang malay na dalaga upang madala sa Clinic ng School nila.

Tila ba hindi maalis sa isip ng binata ang sinabi ng mommy nito na kapag nagkasugat ka ay hindi malabong may lumabas na puting kabayo sa sugat mo.

Mabilis pa sa kidlat ang ginawang kilos ni Vince sapagkat hindi man nito itanggi ay nag-aalala ang binata sa kalagayan ng dalaga.

Lalo pa't medyo malalim ang natamong sugat ni Sofia, ang labis din na kinatatakot ni Vince ay baka bigla na lamang lumabas ang puting kabayo sa sugat ni Sofia habang buhat-buhat pa ang dalaga.

Nang makarating sila ng Clinic mabilis namang inasikaso ng nurse ang dalagang walang malay at kaagad na nilinisan ang sugat ni Sofia.

Isa-isa rin namang nagsidating ang mga kaibigan ni Vince na sumunod pala sa kanila sa Clinic. Bagamat hindi gaanong malapit ang mga ito sa dalaga, mababakas pa rin sa mga gwapong mukha nila ang pag-aalala sa kalagayan ng dalaga.

"Dude, anong nangyari sa kaniya at bigla na lang nahimatay?" tila naguguluhang tanong ni Nathan sa kaibigan nitong si Vince na daig pa ang bata na sisinghot-singhot sa isang tabi, habang nakatitig sa walang malay na dalaga.

Isa rin si Nathan Lee Ittrualde sa mga kaibigan ni Vince, kagaya ng binata ay parehas lamang din sila ng edad. Bukod sa pagiging gwapo nito, kilala rin si Nathan bilang commoner ng kanilang grupo.

Ngunit ang bansag na 'yon ay dati lamang sapagkat ngayon ay may sarili na itong negosyo dahil sa ginawa nitong pagsusumikap.

"Hindi ko rin alam natatakot na nga ako baka mamaya may lumabas na puting kabayo sa sugat niya," pasinghot-singhot na saad ni Vince na tila ba ay kaunting-kaunti na lamang ay malapit ng umiyak.

Kaagad namang nagtawanan ang mga kaibigan ni Vince, dahilan para mainis ang binata sa mga kaibigan nito. Sapagkat tila ba hindi man lang ang mga ito nag-aalala sa kalagayan ng dalaga.

"Isip-bata ka talaga kahit kailan Vince, hindi na ako magtataka kapag umiinom ka pa ng gatas," natatawang saad ni Nathan kay Vince na ngayon ay nakanguso na naman.

Kaagad namang naguluhan si Vince sa sinabi ni Nathan sapagkat talaga namang umiinom pa siya ng gatas. Sapagkat para sa kaniya, kailangan niyang uminom ng gatas para madali siyang makatulog.

"Paano ka makaka-home run kung umiinom ka pa rin ng gatas?" nakangisi namang tanong ni Jonathan na tila ba nakakaloko.

Mas lalo lamang naguluhan si Vince sapagkat sa isip-isip niya, anong koneksyon ng pag-inom ng gatas sa paglalaro ng baseball?

Kung kaya't hindi mapigilan ni Vince na maasar sa kaibigan sapagkat alam nitong nangtri-trip na naman si Jonathan. Makalipas pa ang ilang oras ng nagpaalam ang kaibigan ni Vince kaya ito na lamang ang naiwan na magbantay sa dalaga. Kaagad naman nitong napansin na unti-unting iminumulat ni Sofia ang magagandang niyang mata.

"Gising ka na pala, ayos ka na ba?" malambing na tanong ni Vince sa dalaga habang tinitingnan ang balikat nito kung nagdurugo pa.

"Ayos na ako, nasaan nga pala ako?" Sofia said while checking the room.

"Nasa Clinic ka ng School dinala kita dito kasi bigla ka na lang nahimatay."

Dahil sa sinabi ng binata kaagad na nabigla si Sofia sa narinig, sapagkat hindi niya lubos maisip na muli siyang babalik sa lugar na ito.

"Anong ginagawa ko rito? Bakit nandito ako sa lugar na 'to? Salamat sa pagtulong sa akin pero kailanagn kong umalis sa lugar na 'to," malamig na saad ng dalaga ngunit hindi nakatakas sa paningin ni Vince ang luhang dumadaloy sa mata ni Sofia.

Kaagad namang nataranta si Vince sapagkat nakita nitong lumuluha ang dalaga sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa naisip ng binata na baka kaya umiiyak ang dalaga dahil naisip ni Sofia na may lumabas na puting kabayo sa sugat niya.

"Hoy! Ano ba bakit ka umiiyak may nagawa ba akong mali?" saad ni Vince na tila ba maiiyak na rin.

"Umalis na tayo rito. Ayoko sa lugar na 'to. Natatakot ako!"

Dahil sa sinabi ng dalaga kaagad na napakunot ang noo ni Vince. Sapagkat nagtataka ito kung bakit natatakot sa ganitong lugar si Sofia.

Hanggang sa bigla na lamang nanlaki ang mata ni Vince sa naisip na baka may multo sa Clinic at bigla na lamang silang kaining dalawa.

"Tahan na huwag ka ng matakot nandito lang ako hindi kita iiwan, sige aalis na tayo rito huwag ka lang umiyak."

Dahil hindi malaman ni Vince kung paano papagaanin ang loob ng dalaga ay pinili na lamang nito na yakapin ang dalaga. Sapagkat wala alam ang binata kung bakit ayaw na ayaw ni Sofia ang pumunta sa Clinic.

Tila ba napansin ng binata na mayroong mapait na karanasan si Sofia kaya naisip na rin nito na mas nakakabuti kung umalis na sila sa Clinic.

Naisip din ni Vince na mas maganda siguro kung kakalimutan na lang ni Sofia ang nakaraan sapagkat, walang magandang maidudulot kung patuloy lamang tayong mabubuhay sa nakaraan.

Dahil kung patuloy tayong mabubuhay sa nakaraan hindi natin namamalayan na napag-iiwanan na pala tayo ng panahon. 

Kumbaga marami na tayong natutunan sa ating nakaraan, sabi nga nila hanggang may buhay sige lang ng sige dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lamang tayo mabubuhay sa mundong ibabaw.

____________________________________________________________________________________

A/N: Nagustuhan ninyo ba ang chapters na ito? Ano masasabi ninyo?

READ. VOTE. COMMENT.

The Childish King of Gangsters (Revising) #KidlatAwards2018 #TLA2018Where stories live. Discover now