Chapter 2: First Encounter With Him

8.5K 320 512
                                    

A/N: Huwag sana kayong maguguluhan kung may pagbabagong magaganap sa story kong ito. Don't worry guys ganoon pa rin ang takbo ng istorya inayos ko lang para mas malinawan kayo sa pagbabasa.

______________________________________________________________________________________________________

Chapter 2

First Encounter With Him

Unang araw pa lang ng pasukan pero mapapansin mo na na tila hindi magkanda-ugaga ang mga babae. May naglalagay ng face powder, mayroon naman na kinakapalan ang lipstick sa labi at ang pinaka-malala ay iyong, ilang babae na sinadyang buksan ang tatlong butones ng uniporme nila.

Hanggang sa nakarinig sila ng tunog ng mga sasakyan na tila paparating na. Ganoon na lamang ang lakas ng sigawan ng mga babae ng makita nila na isa-isang bumababa ang mga gwapong lalaki. Tila ba pinagpala ito ng Panginoon sa taglay na kagwapuhan ng mga ito.

"Waaaaahhhh! Ang pogi ninyo talaga."

"OMG! Blake, take me, take me I'm all yours."

"Argh! You're so hot, Blake."

Dahil sa lakas ng sigawan ng mga babae hindi maiwasan ni Blake na maiyamot. Sapagkat naririndi ang binata sa malakas na sigawan ng mga babae na tila ba walang bukas kung makasigaw.

Samantalang kaagad naman na hinawakan ni Vince si Blake upang makumpira kung mainit nga ito, ngunit ganoon na lang ang pagkalito niya ng malaman na hindi naman mainit si Blake.

Kaya hindi maiwasan ni Vince na napanguso sapagkat tila ba niloloko lang naman siya ng babae at kung ano-ano ang sinasabi. Ang kinainis pa ni Vince ay ng isigaw ng mga babae na kunin na raw sila ni Blake.

Tila ba daig pa ni Vince ang bata kung makanguso dahil hindi niya matanggap na tila pinalalabas ng mga babaeng sumisigaw, na isang kidnapper si Blake dahil sa sinasabi ng mga ito na kunin na raw sila ni Blake.

Kaunting-kaunti na lamang ay tila sasabog na sa sobrang inis si Blake dahil sa mga babaeng kulang na lamang ay sambahin sila. Bukod sa pagiging cold ni Blake, hindi nito gusto ang mga babaeng naghahabol sa mga lalaki na tila ba isang aso.

Hindi rin maitatanggi na may angking kagwapuhan ang isang Blake Christian Monteverde, bukod sa pagiging matangkad nito.

Kapansin-pansin din ang matangos nitong ilong at ang labi nitong mamula-mula na tila kay sarap halikan, isama mo pa ang makinis nitong mukha na tila mahihiyang tumubo ang tagihawat sa sobrang kinis nito.

Isa pa sa kinaayawan ni Blake ay ang mga babaeng maiingay na daig pa ang manok kung tumalak nang tumalak. Ayaw din nito sa mga babaeng kulang na lang ay maghubad sa harapan sa sobrang iksi ng mga suot ng mga ito. 

Kung kaya't hindi na kataka-taka para kay Blake na may ibang mga babaeng nababastos, sapagkat sarili nga nila hindi magawang irespeto iyong ibang tao pa kaya.

Samantalang tila isang bata na nag-iisip si Vince kung ano ba ang dapat gawin sa mga babaeng daig pa ang nakakita ng mga artista kung makasigaw. Hanggang sa naalala niya ang sinabi ni Blake noong nakaraang linggo sa kanilang Panjama Party.

"Mga prinsesa kayo kaya huwag kayong maghabol sa amin na parang aso. Dahil ang naghahabol lang ay mga aso at hindi kayo aso dahil PRINSESA kayo," malamig na turan ni Blake.

Tila ba sariwa pa rin sa isip ni Vince ang binitawang salita ng pinsan niyang si Blake. Sapagkat hindi maalis sa isip ni Vince ang narinig at nakita niya ng mga araw na 'yon kung saan palihim niyang sinundan si Blake.

The Childish King of Gangsters (Revising) #KidlatAwards2018 #TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon