Chapter 1: Going Back To Philippines

13.1K 406 568
                                    

A/N: Ang ganda ni Sofia 'di ba?

P.S. Nais ko lang sabihin na inayos ko na po ito. Kaya h'wag po sana kayong malilito sa takbo ng istorya.

P.P.S. Don't worry guys, ganoon pa rin naman ang takbo ng story kaya wala kayong dapat ipag-alala.

My question: May nagbabasa pa ba nito? Kindly comment here kung mayroon pa.

_______________________________________________________________________________________________________

Chapter 1

Going Back To Philippines

Nag-aagaw ang dilim at ang liwanag nang dahan-dahang pumasok si Shin sa kwarto ng amo nitong si Vince, upang gisingin ito nang maaga kagaya ng bilin ni Vince sa butler na si Shin.

"Young Master gising na po mahuhuli na po kayo sa flight ninyo," saad ni Shin habang dahan-dahang niyuyugyog ang amo na si Vince.

"Aish! Butler Shin I'm still sleepy let me sleep in a few minutes," sabay taklob ni Vince ng unan sa maamo at gwapo niyang mukha.

"Ganoon po ba, sige sasabihin ko na lang sa mga kaibigan ninyo na mauna na sila pabalik sa Pilipinas," saad ni Shin na akmang lalabas ng kwarto ng amo nitong si Vince.

Mabilis pa sa kidlat na naimulat ni Vince ang kaniyang mata dahil sa sinabi ng kaniyang butler na si Shin. Kung pagmamasdang mabuti tila hindi nalalayo ang edad ni Shin sa amo na si Vince. 

Sapagkat limang taon lamang ang agwat nito kay Vince, dala nang kahirapan napilitan si Shin na tumigil sa pag-aaral upang makatulong sa nanay at tatay nito sa pagpapa-aral sa lima pa nitong kapatid.

"Shit! Butler Shin, bakit hindi mo agad sinabi? Muntik ko na tuloy makalimutan na ngayon nga pala ang balik namin sa Pilipinas," natatarantang saad ni Vince sa kaniyang butler habang nagmamadali sa pagsusuot ng damit, kagaya ng tipikal na mga lalaki tanging boxer short lamang ang suot ni Vince kapag natutulog.

Dala nang pagod ni Vince sa pamamasyal nilang magkakaibigan sa iba't ibang lugar sa Korea, muntik na niyang makalimutan na ngayong araw ang balik nilang magkakaibigan sa Pilipinas. Sa Korea rin nabuo ang grupo nilang magkakaibigan. 

Dulot ng panganib na naghihintay sa kanila kaya naisip ni Vince at ng mga kaibigan niya na bumalik na sila sa Pilipinas. Bukod dito, umaasa rin si Vince na muli niyang makikita ang taong lubos na mahalaga sa kaniya na pinangakuan niyang babalikan niya. 

Kagaya ni Ice Queen, parehas lamang na nanganganib ang buhay nila, sapagkat may mga tao na nais din na pumatay kay Ice Queen. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na ang grupo ni Vince at Ice Queen ang siyang kinatatakutan sa mundo ng mga gangsters.

"Dude, bakit malalim yata ang iniisip mo diyan?" tanong ni Jonathan kay Vince na tila ba naguguluhan sa ikinikilos ng kaibigan nito.

Siya si Jonathan Borromeo na may edad na labing-walong gulang. At mas matanda siya ng isang taon kay Vince at nagmamay-ari ang pamilya nila ng 'Biggest Shipping Line' sa iba't ibang bansa.

"Wala lang dude. Excited lang ako dahil babalik na ulit tayo sa Pilipinas," nakangiting saad ni Vince habang kumakain ng chocolate cake with cherry on top.

"Tamang-tama dude may nakilala akong babae at may date kaming dalawa," nakakalokong ngisi ni Jonathan kay Vince na nababakas sa mukha ang kalituhan dahil sa sinabi ng kaibigan.

Kaagad na umasim ang mukha ni Vince dahil sa narinig sa kaibigang si Jonathan. Hindi akalain ni Vince na hanggang ngayon ay Cassanova pa rin pala si Jonathan. 

The Childish King of Gangsters (Revising) #KidlatAwards2018 #TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon