Chapter 3: Danger

7.9K 285 470
                                    

A/N: Kaway-kaway sa mga fans ng BTS. Sinong bias ninyo sa kanila?

_________________________________________________________________________________________

Chapter 3 

Danger

Sa isang tahimik at liblib na lugar may isang misteryosong tao na tila ba naninibugho ang damdamin para sa isang tao na labis na may malaking kasalanan sa kaniya.

Tila ba kahit matagal na ang lumipas ay sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang atraso sa kaniya ng taong labis niyang kinasusuklaman.

Bagamat hindi siya nakakasigurado na kung kilala ba siya ng taong kinasusuklaman niya ay wala na siyang pakialaman. Sapagkat para sa kaniya, ang mahalaga ay makapaghiganti siya sa taong may kasalanan sa kaniya.

Kaagad namang sumilay ang kakaibang ngisi na nakapaskil sa kaniyang mga labi ng maisip niya ang isasagawa niyang plano para sa kaniyang paghihiganti.

Kaagad namang napahalakhak ang misteryosong tao sapagkat hindi niya lubos na maisip na magiging isang gangster ang isang isip-bata. Naputol lamang ang malalim niyang iniisip ng dumating ang tauhan niyang labis niyang pinagkakatiwalaan.

"Handa na po kami para sa plano natin ngayon," saad ng tauhan niya na kaagad na lumuhod sa kaniyang harapan.

"Magaling siguraduhin ninyo na mapapatay ninyo ang kinababaliwan niyang babae."

"Masusunod po boss."

Nang makaalis ang inutusan niyang tao para patayin ang kinababaliwang babae ng taong kinasusuklaman niya, kaagad niyang dinampot ang gintong lalagyan ng alak na binili pa niya sa ibang bansa. 

Nang mga oras na iyon tila ba kating-kati na siya na makita kung ano ang magiging reaksyon ng taong kinasusuklaman niya.

"You're DEAD Childish King! You're DEAD!" piping saad ng misteryosong lalaki sa sarili na kaagad na inubos ang alak na kaniyang iniinom.

Samantalang sa kabilang dako naman ay tila isang bulkan si Sofia na gusto nang sumabog dahil sa inis na nararamdaman. Sapagkat hindi niya lubos maisip na palaging bubuntot sa kaniya si Vince na daig pa ang isang bata sa pagiging childish nito.

Ayos lamang sana kung si Vince lamang ang nakasunod sa kaniya, ngunit hindi lubos maisip ni Sofia kung bakit pati ang mga kaibigan nito ay nakasunod din sa kanilang dalawa ni Sapphire. 

Kung kaya't kaagad na nakaramdam ng pagkainis si Sofia sa mga babaeng tila masamang tingin ang ipinupukol sa kaniya dahil sa kasama niya si Vince.

"Sofia, tanong ko lang bakit parang wala ka yata sa mood?" lakas loob na tanong ni Kynn kay Sofia na hindi mo man lang mababakasan ng kahit anong emosyon sa maganda niyang mukha.

Bukod kay Blake, si Kynn Andrei Saavedra ay isa rin sa mga kaibigan ni Vince. Batay pa lamang sa pananamit nito mapapansin mo na ang nagsusumigaw na karangyaan.

Bukod sa pagiging matangkad nito, tila ba mahihiya kang makipagtitigan sa isang Kynn Andrei sapagkat tila ba may kung anong mahika ang humihila sa iyo kapag natitigan mo na siya. 

Hindi rin maitatanggi ang pagiging gwapo ng binata na tila ba hindi nahuhuli sa kanilang magkakaibigan ang hitsura nito.

"Tsk! Iniisip ko lang kung paano ko dudukutin ang mata ng mga impokritang babae na ang sama makatingin sa 'kin."

Sa halip na sagutin ni Kynn ang sinasabi ni Sofia kaagad itong napatawa dahil sa naging reaksyon ng dalaga. 

Bagamat may kaunting kaba na nararamdaman si Kynn sa sarili dahil sa malamig at seryosong reaksyon ni Sofia, pinili na lamang nitong kalimutan ang kaunting kaba na nararamdaman para sa sarili. 

The Childish King of Gangsters (Revising) #KidlatAwards2018 #TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon