Chapter 4: Oh No! She's Sick!

6.7K 276 425
                                    

A/N: Hello readers please support and votes my story. Thank you in advance.

____________________________________________________________________________________

Chapter 4

Oh No! She's Sick!

Kay ganda ng sikat ng araw ngunit tila ba daig pa ni Sofia ang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa tindi ng pagkunot ng noo niya.

Bukod dito, nag-aalala rin siya na baka bigla na lang dumugo ang sugat niya. Bagamat may kaunting kirot na nararamdaman pinagsawalang bahala na lamang niya ito at mabilis na kumilos upang umalis patungo sa kanilang paaralan.

Kapapasok pa lang niya ng classroom nila ay kaagad na siyang sinalubong ni Vince na tila ba isang bata kung makangiti sa harapan niya.

"Good morning, Sofia," masayang bati sa kaniya ni Vince na may malapad na ngiti na nababakas sa mamula-mula nitong labi.

Sa pinapakitang kilos ni Vince daig pa niya ang nakalaklak ng isang kahon ng Enervon dahil sa pagiging hyper ng kilos nito. Isama pa pagiging malakas ng boses nito na tila ba nakakita ng bagong makakalaro.

"Pwede ba huwag kang sumigaw nakakarindi ka alam mo ba 'yon, daig mo pa ang bakla kung makasigaw!" saad ni Sofia habang may nanlilisik na mata na ipinukol sa lalaking kaharap niya.

"Sofia naman ang bad mo talaga pagdating sa 'kin," sagot ni Vince kay Sofia habang naka-pout at sabay akbay niya sa dalaga.

Dahil sa ginawang pagnguso ni Vince mas lalo lamang nairita si Sofia dahil tila ba nagmumukhang aso sa paningin niya ang binatang si Vince. Kasabay pa nito ang pag-akbay sa kaniya dahilan para matamaan nito ang sugat niya.

"Aray! Tatanggalin mo 'yang pag-akbay mo sa akin o babalian kita ng buto?" malamig na saad ni Sofia kay Vince na hanggang ngayon ay naka-pout pa rin.

Dahil sa ginawang pag-akbay ni Vince kay Sofia kaagad nakaramdam ng hapdi ang dalaga sa natamo niyang sugat. Kaagad namang nakaramdam ng hilo ang dalaga dala nang sakit na idinudulot ng sugat niya na tila ba may kalaliman.

"Sofia are you okay?" nag-aalalang tanong ni Angelo kay Sofia.

Isa rin si Angelo Spade Uy sa mga kaibigan ni Vince na may edad na labing-walong taong gulang, nagmamay-ari rin ang pamilya nila ng 'The Most Luxury Cars' here in the Philippines.

Bukod sa pagiging tagapayo sa buhay pag-ibig ng mga kaibigan nito, hindi rin maitatanggi ang angking kagwapuhan nito, na siyang dahilan kung bakit patay na patay sa kanila ang mga babaeng pumapasok sa paaralang pagmamay-ari ng pamilya ni Blake.

"I'm fine," malamig na tugon ni Sofia kay Angelo na tila ba may ilang pa rin sa dalaga.

Oras na ng pananghalian ng mapasyahang kumain ni Sofia sapagkat kahit anong hanap niya kay Sapphire ay hindi niya ito makita.

Kaya wala siyang ibang pagpipilian kung 'di kumain na lamang mag-isa. Akmang lalabas na sana si Sofia ng Classroom nila ng harangin siya ni Vince.

"Sofia sabay ka na sa amin mag-lunch tutal wala ka rin naman kasama," alok ni Vince kay Sofia habang kinakaway-kaway ang mga kamay na tila ba isang bata.

Kaagad namang lihim na sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga, sapagkat may makakasama na siya sa pagkain ng lunch. Tila ba ngayon lamang siya natuwa kay Vince kahit na palagi itong tila isang bata kung kumilos. Kaagad namang siyang tumango sa harapan ni Vince na tila ba kunyareng napipilitan lang.

Habang naglalakad sila kagaya ng dati nakatingin pa rin kay Sofia ang ilang kababaihan na lubos na humahanga sa grupo nina Vince.

Hanggang sa tila nakaramdaman si Sofia ng panlalabo ng kaniyang mata at kaunti na lang ay bibigay na ang katawan niya. Napansin din ng dalaga na dumudugo na pala ang sugat niya sa kaniyang balikat.

The Childish King of Gangsters (Revising) #KidlatAwards2018 #TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon