Special Chapter 1 - Trusting again?! I don't think so!

1.6K 43 30
                                    

Hello guys! First of all gusto ko kayong batiin ng MERRY CHRISTMAS! Anyways, nilabas ko tong special chapter na to as a christmas gift to all of you lalo na sa mga 318 series readers ko :) Ang timeline nitong chapter na to is 1 year after nung umalis si Colby papuntang canada, masasabi kong dapat nyo antabayan tong special chapters na to at yung mga upcoming special chapters dahil yung book 3 ko ng 318 ay hindi na masyadong magfofocus sa past, yeah si Colby pa rin ang bida dun pero magfofocus sa present events. Siguro may konting flashbacks pero hindi ganung karami. This special chapters ay magfofocus sa iba't ibang point of view ng mga main characters ng story.

Sa mga nagtatanong kung masusundan pa ba ang My Second Attempt to Love ang masasabi ko lang ay OO. but not now, marami pa kasi akong line ups at may thesis akong kailangang tapusin. So ibig sabihin, pwede syang tumagal, so for the 318 readers, magkasya muna tayo sa special chapters :)

Pasensya na kung maikli to pero sana mastisfy ko kayo dito. Enjoy reading! :)

COLBY's POV

It’s been a year since nagpunta ako dito sa Canada. Mahirap sa sitwasyon kong makibagay sa mga taong hindi ko naman kinalakihan at nakasalamuha pero masasabi ko namang maswerte ako dahil kahit na sa sandaling panahon ko pa lang sila nakakasama hindi nila pinaramdam sakin na iba ko sa kanila.

Dito sa lugar kung nasaan ako ngayon, better na siguro to kaysa mag-stay pa ako sa pilipinas. Oo nga’t masaya ako sa pilipinas pero ano namang silbi nung saya kung sa di katagalan ay sasaktan at iiwan din ako ng taong mahal ko. Yung bang feeling na, pinaglaro ka sa isang laro tapos kung saan nandun na sa puntong seryoso at masaya ka na sa paglalaro mo ay bigla naman yung ititigil. Kaya kahit malungkot man dahil limitado yung taong nakakausap at nakakabonding ko dito sa Canada, mas better naman dahil unti unti kong nalilimutan lahat ng masasakit na alala na nangyari sa akin sa pilipinas.

Sa unang tatlong buwan ko dito sa Canada, aaminin ko, talagang namimiss ko parin si Xander and at the same time mas nasasaktan akong isipin na wala na kami at hindi na magiging kami kailanman. Namili na sya ng taong mamahalin nya, at mas masakit isipin nung mga oras na yun na harapan nya kong tinaboy at iniwan ng basta basta. Masakit dahil pwede nya naman akong kausapin, at kung tutuusin pwede naman naming labanan ng magkasama yung problema nya, pero para saan pa? Namili na syang dalawa sa amin ni Trina, unang una sa lahat ayokong maging selfish at hindi maatim ng konsensya kong lumaki yung magiging anak nila ng walang kinikilalang ama, or should I say pamilya.

Nasa ika-apat na buwan ko nun dito sa Canada nung mabalitaan ko kay Ate na nanganak na si Trina. Cody raw ang pinangalan ni Xander sa bata, dahil umaasa pa ako nung mga oras na yun na kahit papano mahal pa ko ni Xander ay nag-assume ako na kaya nya ginamit yung pangalang Cody ay dahil malapit yun sa pangalan ko, pero sa pagdaan ng panahon, habang kumakalimot ako, tinigil ko na yung pag-asa ko sa kanila. Sino ba ako para umasa gayong ako nga tong hindi pinili?

Marami. Sobrang dami. Kung gano karami ang masasayang alala ko sa pilipinas kay Xander at Tristan ganun ding karami yung naranasan kong sakit sa kanila. Alam kong hindi yun one sided love tulad ng common na nararamdaman na ibang tao pero para sakin? Mas masakit yung naranasan ko sa one sided love kasi ang akala ko mahal na mahal na ako ng tao pero ang totoo pala sa huli, sasaktan nya lang pala ako at ipapamukhang hindi nya ko mahal, na hindi nya ko kayang ipaglaban hanggang huli.

Siguro, dala na rin ng pagiging hopeless romantic ko kaya ganun ang naging thinking ko pagdating sa love, pero hindi pala dapat ganun. May iba palang mukha ang love at hindi lang yun laging masaya at magkasama sa hirap at ginhawa tulad ng expectations ko.

Kaya naman ngayon, kahit mahirap, pinipilit kong gumawa ng mas malalim na hukay para ilibing na lahat sa limot lahat lahat ng mga masasakit na alala-ala namin ni Xander, maging yung sa amin ni Tristan.

My Second Attempt To LoveWhere stories live. Discover now