Last Chapter - And it ends here... </3

1.5K 42 38
                                    

318 My Second Attempt to Love Final Chapter.

Author: Nyeniel

Wattpad account: Nyeniel

Facebook: nielisyours@yahoo.com.ph

Authors Note:

Hello guys! Kamusta ang lahat? Grabeehh, ang tagal kong walang update dito sa 318(My Second Attempt to Love) sorryyy poohh.. Sobrang kinareer ko lang talaga ang aking course. Kaya almost half a year yata ako walang update. Anyways, before reading this chapter I want you to read first Chapter 12 para naman mabalikan nyo yung mga events bago mangyari tong Chapter na to, but kung natatandaan nyo pa naman po proceed na po kayo.

Hmmm, at oo nga pala. This is the last Chapter of 318(My Second Attempt to Love), actually hindi pa dapat pero inedit ko kasi sya at gumawa ako ng isang special chapter ng 318 na mababasa nyo rin kapag na-approve na ng author ng MNB yung pagamit ko sa character ni Ryan at Andre sa aking akda.

Maraming salamat Sir Kenji for allowing me to include Ryan and Andre’s character in my story.

Sa lahat po ng mga readers ko sa blog, I’m very sorry po dahil nawala ako sa blog as RA. Kasalanan ko rin naman po yun for being inactive. Kaya for now sa wattpad muna po ako mag-uupdate. Susubukan ko po ang aking makakaya upang makabalik muli sa blog as RA. 

Maraming maraming maraming maraming salamat po sa pagtangkilik ng aking mga akda simula pa noong 318 (Ang textmate ko), Ang Valedictorian ng Puso ko, 318(My Second Attempt to Love) at hanggang sa mga susunod pang mga gagawin ko. Maraming salamat po dahil kahit na nakakaasar ang tagal ng updates ko andyan pa rin kayo upang tumangkilik sa akda ko.

Again, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo..

No words can express how thankful I’am =)

Chapter 13

Xander’s Point of View:

Umuwi ako ng wala sa sarili, hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang nangyari pagkatapos sabihin ni Trina ang kanyang rebelasyon. Shit! Totoo ba to?! Bakit?! Bakit kung kalian masaya na ako sa piling ni bes? Bakit pa kailangang mangyari to! Bakit?

Umuwi ako ng bahay ng palihim na lumuluha. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Magkahalong sakit at pagkakonsensya ang nararamdaman ko. Tang ina! Siguro kung may pinakatangang tao sa mundong to panigurado  ako na yun! Bakit ba kasi kailangang mangyari to? Bakit ba ang tanga tanga ko at hinayaan kong paikutin ako ng Trina? Bakit ba kailangang madamay ang taong pinakamamahal ko rito? Bakit?!

Nasa-ilang oras na rin ako ng pagiyak sa loob ng kwarto ko ng biglang may kumatok sa aking pintuan. “S-sino yan?” Pagtatanong ko sabay pahid ng luha na patuloy na dumadaloy sa aking mga mata.

“Ako to anak, pagbuksan mo ako..” Mahinahon na sabi sa akin ni mama. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pintuan. Alam ko na sa mga nangyayari ngayon, malaki ang maitutulong sa akin ni mama. Hindi man ako gaanong  nakakapag-open sa kanya ng mga problema alam ko na sa mga panahon ngayon sya lang ang masasandalan ko.

“Oh anak bakit namumula yang mata mo? May nangyari ba?” Gulat na pagtatanong ni mama noong pumasok sya sa kwarto ko. 

Hindi na ako sumagot pa, yumakap na lang ako kay mama ng parang isang batang iyak ng iyak. Humagulgol ako sa balikat ni mama habang yakap yakap ko sya. Taena kasi! Ang sakit e, ang sakit isipin na may nangyaring ganun! Na any time pwede na kami maghiwalay ni bes, dahil kay Trina! Dahil sa dinadala ni Trina na anak ko. At dahil sa tanginang katangahan ko.

My Second Attempt To LoveWhere stories live. Discover now