1 - Forgetting him </3

3K 46 6
                                    

May isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami ni Tristan. Sa tingin ko ay iyon na ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Hanggang ngayon kasi ay nasa moving-on stage pa ako at aaminin ko, nahihirapan ako, dahil.. mahal ko pa siya, at napakahirap kalimutan ng halos limang buwan naming pinagsamahan lalong lalo na ang mga masasayang alala.

Pagkatapos ng paguusap at hiwalayan namin ni Tristan ay hindi na rin ako nagtagal kila tita at umuwi na rin ako kinabukasan sa maynila.

Alam niyo ba yung pakiramdam? Yung sa tuwing umaga nagigising ako at nag-eexpect na may text si Tristan sa akin upang mag-greet ng ‘good morning’ o kaya sabihin na ‘I love you’ ngunit pagkatingin ko ng cellphone ko, walang text? Aaminin ko, bawat umaga at gabi na iniisip ko na wala na si Tristan at hindi na ako pwede mabuhay ng tulad ng dati kung saan ay nandyaan siya lagi at mistulang heaven na heaven ako piling niya, ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at magmukmok. Ganung kasakit! Iyan ang hirap e, sasanayin ka sa mga bagay bagay tapos babawiin din pala! Tsk.

May mga pagkakataon din na mag-isa ako at kapag dumadating ang pagkakataon na yon? Mistulang nagpa-flashback ang lahat ng alaala namin ni Tristan, ang lahat - masaya man at malungkot.  

Ngunit, kung may dapat akong ipagpasalamat, ayan ay ang pagdating ng isang bestfriend sa buhay ko na laging nandyaan upang pasayahin at makalimutan ko ang lahat ng masasakit na alala ni Tristan sa akin – si Xander.

Halos araw-araw kasi ay pumupunta si Xander sa bahay at niyaya ako na maglaro ng play station o computer, kung minsan naman ay niyayaya niya ako na mamasyal sa mall o sa plaza upang maglibang-libang. Inintindi ko na lang si Xander dahil syempre, bestfriend ko siya at tinutulungan niya lang ako na makalimot sa nakaraan namin ni Tristan. Ngunit, parang may nase-sense akong mali. Hindi ko alam kung ano pero parang may nararamdaman akong hindi tama sa bestfriend ko.  Minsan kasi ay napapansin ko na hindi siya makatingin sa akin ng diretso sa akin at minsan ay parang may malalim itong iniisip at lagi na lang itong nakatingin sa kawalan.

At bukas, pasukan na naman pala namin..

Napakabilis ng sembreak at tila napakabilis din ng mga pangyayari. Parang kailan lang ay nangako sa akin si Tristan na hindi niya ako iiwan, pero ngayon ay wala na siya sa tabi ko at masaya na siya sa piling ng iba. Syempre, masakit pero wala na akong magagawa pa. Ako na mismo ang nagpalaya sa kanya, para sa ikaliligaya niya.

Araw ng pasukan. Maaga akong nagising ngunit tila wala ako sa sarili. Ganito pala ang feeling ng broken hearted! Iyon bang wala kang inspirasyon na gawin ang lahat ng bagay. Iyon bang tinatamad kang gawin ang mga bagay bagay dahil wala ka ng pagaalayan tulad ng dati. Ngunit hindi pwede, mahirap man sa ngayon ay kailangan kong kayanin. May mga taong nagmamahal pa sa akin at hindi ako dapat magpatalo sa lungkot na nararamdaman ko sa ngayon.

Sigh!

Ngiti Colby, ngiti!

My Second Attempt To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon