[ Four ]

12.8K 96 3
                                    

SEXUAL UNDERSTANDING FOUR

Butterflies

 

xxx

“San mo ko dadalhin?” tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

“Natanggap mo ba yung flowers at chocolate?” hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay iniba niya pa ang usapan. So sa kanya nga talaga galing ang mga iyon.

“So sa’yo pala talaga galing iyon. Bakit? Para san ang mga iyon?”

“Kung natanggap mo yun, malamang ay nabasa mo rin yung card?”

“Malamang?”

“So don’t ask me kung saan kita dadalhin dahil alam mong may lakad tayo ngayon.”

“Hmp. Whatever.” I said then rolled my eyes.

Nanahimik na lang ako habang tinitingnan ang pamilyar na daan. Bigla kong naisip yung babaeng pumunta sa akin kahapon. Parang gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila at bakit tila sa akin nagagalit yung babae niya. Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang ihinto niya ang makina.

“Tara.” Aniya at pinagbuksan ako ng pintuan.

Hindi ko alintana ang kanyang kamay na nakaagapay sa aking bewang habang papasok ng Grandiya. Alas otso y medya pa lang pero marami na rin ang mga taong naririto ngayon. Kadalasan kasi’y alas nuebe o alas dyes nagsisidatingan ang mga mahilig magbar. Dumiretso kami sa private room.

Umorder agad  siya ng beer at saka ilang finger foods. Gusto ko sanang mag-request sa kanya ng isang meal na may kanin subalit nahihiya ako. Pwede na rin siguro ako sa pizza, fries at sisig na inorder niya. Tahimik lang kami habang nakatingin sa may stage.

Kulob sa pwesto namin kaya hindi masyadong malakas ang dating ng ingay. Mabuti naman at marunong siyang pumili ng pwesto. Nakakatulilig kasi sa tenga ang mga tugtugin mamaya kapag yung isang set ng banda na ang isinalang.

Dumating ang order namin at agad kong nilantakan yung pizza at fries. Alam kong nakatingin lang siya sa akin pero wala akong pakialam at hindi na nahiya. Gutom ako at kailangan kong lamnam ang tiyan ko. Lumabas siya sandali kaya mas lalo akong naging kumportable sa pagkain. Nakatatlong slice na ako ng pizza nang bumalik siya.

“Anong oras pasok mo bukas?” he suddenly ask.

Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong iyon subalit makatotohanan ko pa ring sinagot iyon. “Wala kaming pasok bukas. Absent yung teacher namin dahil umattend ng seminar. Bakit mo tinatanong?”

“Good.” Yung lang yung naging tugon niya sa lahat ng sinabi ko. Wow! Bakit ang tipid niyang magsalita ngayon?

Nagsimula nang sumalang ang isang set ng banda ng bar na ito na talagang rakrakan ang mga kinakanta. Feel na feel naman iyon ng mga katulad kong kabataang nasa ibaba. Masaya silang nakikipagsayawan, tumatalon-talon at naghe-headbang sa saliw ng musika. Samantalang kami rito’y tahimik na nagpapakiramdaman sa isa’t-isa.

STATUS: S.U. SEXual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon