[ Three ]

15.5K 113 1
                                    

SEXUAL UNDERSTANDING THREE

Paranoid

xxx

Inisip kong panaginip lang ang lahat. Na hindi totoong may nangyari sa amin. Na hindi ko siya nakilala. Hindi ko rin alam kung ikatutuwa ko bang isipin na hindi niya ako kinulit nitong nakaraang linggo. Damang-dama ko ang sakit sa parting yun pagkalipas ng ilang araw kaya hindi ako nakapasok.

Walang tigil rin ang tanong ni Mama kung saan ako natulog nung gabi. Mabuti na lang nasa travel si Auntie Shy at ang asawa nito. Ipinaliwanag ko kay Mama kung bakit hindi ako nakauwi nung gabi at hindi man lang nagpasabi. Syempre ay gumawa ako ng kwento hanggang sa huli ay nakumbinsi ko rin namang maniwala sa akin.

Panay ang sulyap ko sa aking cellphone at sa tuwing tumutunog ito’y para akong sinisilihan sa pwet. Pero malulungkot din naman ako kapag iba ang nagtext sa akin. Kainis! Bakit ba iniisip kong magpaparamdam pa sa akin yung lalaking yon? Para kang timang Sandy! Iniwasan mo kaya yung tao nung gabing susunduin ka tapos ngayon mukha ka namang naghahabol? What should I expect? Maghahabol siya sa akin katulad ng nababasa ko sa wattpad? F shit lungs!

Hay, pasalamat na lang siguro ako kasi hindi niya ako hinuthutan o kaya pinatay pagkatapos niyang makuha ang lahat sa akin. Oh shit! Ano ka ba naman, Sandy? Ayoko na sabing alalahanin yung bagay na yun eh!

 

Halos mabingi ako sa tili ni Micah pagkapasok ko araw ng Lunes. Hinila niya ako ng mabilis para magtago sa isang tabi. Nagtataka man ay nagpatianod na lang ako.

“Sandali lang Micah. Bakit ba tayo nagtatago?”

“Ssshh, shut up muna girl.” Aniya at luminga-linga sa mga taong lumalagpas sa amin. “Ganito kasi yun. May naghahanap sa’yo nung Biyernes.” Sa panimula pa lang niya ay kinabahan na agad ako. Iisang tao lang ang naisip ko.

“Aria Catheri Villar.”

“Ha?”

“Kilala mo ba siya?”

Inisip kong mabuti kung sino yung babaeng sinasabi niya. San ko ba yun narinig? Nagkibit balikat ako sabay sabing, “Hindi. Bakit?”

“Siya ang naghahanap sa’yo. At nandito siya ngayon. Binalikan ka talaga niya. Baka may atraso ka sa kanya dahil kay Klause?”

“K-klause?” kumalabog ang dibdib ko. Bakit iba ang dating sa akin ng pangalan niya?

“Oo. Yung naghatid sa atin dati sa bar, Remember?” napalunok ako bago tumungo sa sinabi niya. “Girlfriend siya ni Klause pero narinig kong break na sila last week.”

“Paano mo nalaman yan?”

“Pinsan ko si Klause. Nililigawan ka ba niya? Panay kasi ang tanong niya sa akin nitong nakaraan kung saan ang bahay niyo eh. Pero hindi ko sinabi. Anong nangyari nung hinatid ka niya?”

STATUS: S.U. SEXual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon