[ One ]

22.3K 155 6
                                    

SEXual Understanding One

 

Warning: Read at your own risk.

 

~ ~ ~

 

“Sandy, tama na yan. Lasing ka na girl. Hindi mo na kaya.”

Kanina pa ako pinatitigil sa pag-inum ng kaibigan kong si Micah. Pero kanina pa din ako hindi nagpapaawat. Kung pwede lang nga sana iwan na niya akong kasama ang tequila.

“Kaya ko pa girl. Hik. Sinong nagsabing lasing na ako? Hik.”

Kahit pakiramdam kong nahihilo na ako dahil sa dami ng nainom ko kaya ko pa namang kontrolin ang sarili ko. Pero hindi ko maiwasan ang pagpungay ng mga mata kong pugto at maga sa maghapong pag-iyak. Naghihina ako.

“Hi Miss. Mukhang may tama na itong kasama mo ah?” pilit kong sinisipat ang lalaking nagsalita.

“Lasing? Ako lasing? Kuuh, baka ikaw ang lasing hihihi.”

“Mabuti pa sumama na lang kayo sa amin.”

Napakislot ako nang maramdaman kong may kamay na humawak sa bewang ko. Marahan ko itong tinabig ngunit hindi sapat ang aking lakas para tuluyang maialis ito.

“Umalis na nga kayo. Hindi kami sasama kasi hindi namin kayo kilala.” Ani Micah at inilayo ako mula sa mga lalaki.

“Naku mga Miss. Huwag na kayong pakipot. Masisiyahan kayo sa pupuntahan natin.” Bulong sa akin ng isa pang lalaki nang makalapit muli sa pwesto ko.

Nagpupumiglas si Micah mula sa pagkakahawak nung isang mama samantalang ako’y naghihina pa din. Ipinaloob niya ako sa kanyang katawan at inakay sa paglalakad.

“Bitiwan nyo nga kami. Anu ba? Ang papangit nyo!” sigaw ni Micah sabay sipa sa lalaking may hawak sa kanya.

“Sama ng tabas ng dila mo ah!” ani nung lalaking nasipa niya at sinampal si Micah. Walang nakakapansin sa amin dahil malakas ang sounds ng bandang tumutugtog.

“Hayaan mo nang isang yan, pare! Lasing eh.” Sabat naman nung kasama niya.

“Mas okay nang lasing atleast bukas normal na uli. Hik. Eh kayo bukas, panget pa din hahaha.” Utas ko kaya mas naramdaman ko ang paghigpit ng lalaki sa braso ko.

“Isa ka pa ha!” singhal sa akin nung isa.

Aktong sasampalin din ako ngunit may pumigil na mangyari ito. Masyadong naging mabilis yung mga pangyayari dahil nakahandusay na yung mga lalaking manyakis kasabay ng pagdating ng mga bouncer ng bar.

Pagkatapos ng ilang sandali ay balik na uli sa normal ang kaninang mga nakikiusyosong naroroon. Naramdaman ko ang paglapat ng aking katawan sa malambot na foamed chair sa VIP room ng bar.

STATUS: S.U. SEXual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon