“Ready na dinner natin, may mga tao sa baba nagkakasiyahan. Don’t worry mga invited rin sila mula sa fam ko, halos mga ka-edaran natin.” Pagkatapos ay sabay kaming bumaba at pagkarating namin sa baba hindi naman gaanong karami ang mga tao. Ang ganda pala lalo nung mga underwater lights kapag madilim na at kitang-kita ang mala aesthetic na tubig at ilaw.

May naka-play na slowed music hindi ko matandaan kung anong title nung kanta pero parang pamilyar sa’kin.

“Hi Celes! you’re here!” isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Nagulat ako nang may biglang lumitaw na matangkad at maputing magandang babae sa harapan ko. Bilugan ang mga mata, maliit ang kaniyang mukha, may kahabaan ang may pagka-kulot nitong buhok, elegante tignan, nakasuot ito ng pink dress na may kahabaan and she’s wearing her bunny smile‚ it was her Elezara. Pero anong ginagawa niya rito? sino kaya kasama niya.

“Are you okay?” tanong nito sa’kin kaya naman natauhan ako.

“O-Oo, eh i-ikaw? sino kasama mo?” kabadong tanong ko sa kaniya.

“I’m with Klyster, kasama rin namin sila Alderiuz, Qoeby, and Daze,” saad nito habang nakangiti. Hindi ko alam na nakabalik na pala si Klyster. Pero teka? ano raw? si Alderiuz Paul nandirito rin? diba aalis--eto rin kaya ang tinutukoy niyang pupuntahan nila? pero wala naman siyang binanggit, pero kung sakali hindi pwede ‘to.

“How about you? sino ang kasama mo?” balik tanong nito sa’kin.

“si Cholo,” sambit ko rito.

“Oo nga pala, you and Cholo are best friends, pero aunt niya kasi ang nag invite saamin rito,” aniya at ngumiti. Ang awkward naman makipag-usap sa kaniya, nasa 5’6 ang taas nito at ako 4’11 lang? ang unfair naman.

“Come with me, naroon sa kabilang bahagi ang room namin,” sabay ngiti niya, those bunny smile remind me of something.

Agad naman akong tumango dahil nasa pang tatlong room sila sa tapat ng hot spring at sumunod sa kaniya, hindi rin ako makahindi dahil mabait sa’kin si Elezara, pero bago pa man kami makalayo agad ko itong pinatigil at nagsalita.

“Ah wait! magbibihis lang muna pala ako.” Dali-dali naman akong bumalik sa kwarto ko at naghanap ng pwedeng suotin para naman magmukha akong tao lalo na’t kasama ko pa ang isang Elezara.

Nakita ko naman ang isang dress na ibinigay sa’kin ni Elezara noon, buti nalang at naidala ko pala ‘to at hindi gusot dahil secured naman ang bag na dala ko. Isang puff sleeve elegant summer dress, hindi naman gaanong ka fit sakto lang at ang simple ng kulay nito, black vintage with floral designs. Above the knee ang haba nito sa’kin.

Inayos ko naman ang hindi kahabaang buhok ko at pati na rin ang bangs ko na noon ay micro bangs, buti na lang at humaba bago ang first year ko sa kolehiyo. Naglagay naman ako ng kaunting powder sa mukha at lipstick na tint style. Hindi ko alam kung ilang minuto akong natapos, nakakahiya kay Elezara at pinaghintay ko siya.

“Sorry! nag ayos pa kasi ako ng konti,” bungad ko kay Elezara, ngumiti naman ito at nagsalita.

“You look cute and great tonight, Celes!” sabay ngiti nito at tumawa naman ako.

“Ikaw nga eh, ang ganda ganda mo,” pabalik kong sagot rito.

“Ikaw rin kaya, ang ganda at ang cute mo,” wika nito at sabay na kaming naglakad. Hindi na ako sumagot. Mga ilang lakad pa nang makarating na kami sa kung saan sila nakapwesto.

“Celes!” napalingon kaagad ako.

Nauna pa sa’kin ‘tong si Cholo! kaya pala nawala kanina eh.

“Beunas noches, Celes! erus muy guapa,” nginitian ko naman ito, it was Daze. A filipino-spanish man.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Smile Was MineWhere stories live. Discover now