Chapter 1

845 33 1
                                    


Trigger warning: violence and vulgar words.

Nagising ako sa isang madilim na sulok, nasaan ako? bakit hindi ko maimulat ang mga mata ko? bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? bakit sobrang dilim ng paligid ko.

“Wala kang kwenta!”

“Mamatay ka na!”

“Wala kang silbi!”

“Sana namatay ka na lang!”

Isang batang babae at batang lalaki na puro galos at pasa ang katawan pati na rin ang kanilang mga mukha. Malakas na umiiyak ang batang lalaki at pilit itong inaalo ng batang babae.

“T-Tahan n-na, m-magiging a-ayos r-rin a-ang l-lahat.”

Hirap nitong saad habang akap-akap ang batang lalaki. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili dahil katulad ng batang lalaki sobrang kaba at takot ang kaniyang nararamdaman.

“Kayo! mga salot talaga kayo!” bakas ang takot at panginginig nang biglang dumating ang isang lalaki na nasa trenta otso ang edad. May hawak itong dalawang alak at tinutungga ito na parang wala nang bukas.

“Hoy ikaw! halika nga ditong babae ka!” hinila nito ang buhok ng batang babae at kahit nasasaktan, pilit itong kumakawala dahil sa labis na sakit sa katawan na nararamdam.

“Ikaw! isa kang salot at walang kwentang nilalang! ang dapat sa’yo ay mamatay na! mamatay ka na! wala kang kwenta!” sabay sampal nito sa batang babae at malakas na itinulak. Tumama ang likod nito sa pader at malakas na napa-igak ang bata.

“Tahma nah!” buong lakas na sigaw ng batang lalaki na pilit na lumalapit sa kapatid niyang babae.

“Isa ka pang walang kwenta!” agad itong lumapit sa batang lalaki at hinila ito mula sa paa upang hindi makalapit sa kapatid.

“Ang dapat sa’yo ay mawala! dahil parehas kayong mga walang kwenta!” hinatak nito ang batang lalaki at dinala sa labas ng bahay malapit sa isang poso. Mayroong tatlong balde na may lamang tubig at pilit na inilulubog ang ulo ng bata rito.

Agad akong napabalikwas dahil sa tunog ng alarm clock ko. Alas syete y media na at kailangan kong mag ayos kaagad dahil gusto kong agahan ang pag pasok sa trabaho ko sa isang coffee shop. Hindi mawala sa isipan ko ang mga panaginip na hindi ko alam kung saan nang galing, parang totoong-totoo ang mga pangyayari.

unggoy na pangit:

where are you?

why you didn’t text me?

i’m worried about you.

Hindi ko na binasa lahat ng texts niya at may 7 missed call pa. Halos abutin ako ng bente minutos sa pag aayos, may kabagalan ang pagkilos ko ngayong araw ng martes.

“Good morning, Celes!”

Agad na bumungad ang kaibigan kong si Cholo.

“Good morning, bakit nandito ka sa bahay?” takang tanong ko rito.

“Umalis pala sila tita mo punta raw mall, gusto sana kitang bisitahin at i-invite,” aniya nito at ngumiti.

“May work ako ngayon‚ nga pala si Yrine? 2 weeks rin kase school break natin kaya need kumayod para mabuhay.”

“Gusto sana kitang ayain papunta sa new beach resort ng fam ko bukas na, tayong tatlo sana kaso si Yrine hindi raw siya available dahil siya ang nakatuka para bantayan si Lola Morie sa ospital. Ikaw ba? para naman makapag-unwind ka, sagot ko na.” Agad akong napangiti sa sinabe nito, tama siya kailangan ko ngang mag unwind.

“Pag pray muna natin si Lola Morie, para gumaling kaagad!”

“Gagaling kaagad si Lola M. malakas pa sa kalabaw eh,” sabay kaming tumawa ng mahina. Kilala namin si Lola Morie, 75 years old pero ang lakas lakas pa rin kaya nga lang na ospital dahil nahagip ng motor pero buti na lang at naging stable kaagad ito.

“Oh ano? sasama ka ba?” sabay taas baba nito ng kilay.

“Ready na ako!” nag apir pa kami at sabay na lumabas.

Alas otso trenta ang pasok ko sa coffee shop, buti na lang at hindi naman ganoon kaaga ang bukas nito dahil hindi rin naman gaanong kadalas ang mga customer dito marahil na rin sa init ng panahon.

“Celes, halika dito hija,” rinig kong tawag ng boss ko.

“Bakit po?” kaagad kong sagot habang tumutungo sa kaniyang pwesto.

“Matumal na ang coffee shop, hindi ko alam kung kailan ulit dadami ang customer natin. Baka sa mga susunod na araw at buwan mapipilitan na akong ipasara ito.”

“Po? pero ma’am, grabe po ang hardwork niyo para lang po maitayo lang ang coffee shop na ‘to,” malungkot kong aniya rito.

“Alam ko hija, hindi na rin sapat ang pagpapasahod ko sainyong mga nagtatrabaho rito. Kaya naman ibibigay ko na ang huli niyong sahod ngayon,” may inabot itong sobre sa’kin. Ngumiti ako dito at nagpasalamat, kailangan ko rin ng pera ngayon.

“Maraming salamat po, Ma’am! hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo saamin, lalo na sa’kin.” Niyakap naman ako nito at nagpaalam na. Sabi nito pwede na rin kaming umuwi nang maaga. Nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung saan pa ako pwe-pwedeng mamasukan pangdagdag ipon at budget sa pag-aaral ko.

Narinig kong nag ring ang phone ko at nakita kong si Cholo ito.

“Hello? oh, napatawag ka?” bungad ko rito.

“Bukas na kasi alis natin papuntang tagaytay eh, sunduin kita bukas around 4 am,” sagot nito sa kabilang linya, agad naman akong napangiti matapos ang tawag.

Namiss ko na rin gumala, aba sosyal! tagaytay na, libre pa! ang bait talaga ng high school best friend ko na si Cholo. Nag ring ulit ang phone ko kaya agad ko itong sinagot at akala ko si Cholo.

“Finally, why did you not respond to any messages that i sent to you?!” singhal ng lalaki sa kabilang linya‚ si Adleriuz Paul.

“Sino ka ba para i-text ko?” asar na sagot ko rito.

“Tumawag ako kasi hindi mo naman sinabi kagabi na naka-uwi ka na at tsaka aalis ako,” mahinahong aniya nito.

“Eh ano naman pake ko kung aalis ka? edi umalis ka.”

“Aalis kami ng friends ko at kasama si Elezara, hindi mo ako makikita ng tatlong araw, oh baka mamiss mo ako ah,” may bahid na pang aasar sa boses nito.

“Aalis din ako! kaya buti nga hindi ko makikita pagmumukha mo!” sabay irap ko sa hangin at pinatay ang call.

Saktong alas onse trentaa ng umaga ako naka uwi sa bahay para mag impake at ayusin ang mga gamit na dadalhin ko papuntang tagaytay, mabuti na lang at maaga rin kaming pina-uwi ni Ma’am Judy‚ tsaka ko na lang din siguro iisipin ang trabaho ko after ko makabalik. May sariling resort ang pamilya nila Cholo sa tagaytay, kaya libre na rin ang pag stay namin duon ng apat na araw.

“Celes! may poging naghahanap sa’yo!” rinig kong sigaw mula sa labas ng kwarto ko, nandito na pala sila tita.

“Sino raw po?” agad ko naman binuksan ang pinto ng kwarto at lumabas. Habang pababa nang hagdan nakita ko ang isang matangkad na lalaki, si Adleriuz Paul, ano naman ang ginagawa ng isang ‘to rito?!

“Saan punta niyo ni Cholo?” walang emosyong tanong nito. Nang tuluyan na akong makababa ay kaagad ko itong sinungitan.

“Kanino mo naman narinig ‘yan?” inis na tanong ko.

“Kay tita Alara, sinabi niyang nag iimpake ka. Saan punta niyo?” nangunot naman ang noo ko. Oo nga pala, tinext ko kanina si tita na aalis ako.

“Wala ka na ro’n!” inis na singhal ko rito at tinalikuran ito.

Akmang ihahakbang ko na ang paa ko nang bigla itong magsalita.

“Tell me or else.”

Napalunok naman ako sa tono ng boses nito, ang lalim pero ang soothing pakinggan. Inis ko itong hinarap at buong lakas na hinarap ito.

“Edi hulaan mo, unggoy!” sabay takbo sa hagdan at kamuntikan pa akong masubsob. Aba, mukhang abusado na yata ang lalaki na ‘yun! feeling close ang peg.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nag impake na nang mga gamit na dadalhin ko para bukas.

Your Smile Was MineWhere stories live. Discover now