Chapter 2

382 27 0
                                    

Habang nasa biyahe puro tawanan, kwentuhan, at biruan lang kami ni Cholo. Maaga kaming umalis at halos hapon na rin nang makarating dahil may kalayuan rin ang beach resort ng family nila.

“Wahh! ang ganda!” Hindi ko akalain na ganito pala kalawak ang naipatayo nung pamilya nila.

“Welcome to Latienzo’s Beach Resort!” Malakas na sigaw ni Cholo at naka-angat pa ang mga kamay.

Mula sa labas ay kita na ang ganda nito, paano pa kaya sa loob? excited na ako.

“Tara pumasok na tayo, don’t worry mag chi-chill na lang tayo,” natawa naman ako.

“Tara!” At kahit mabigat ang mga dala kong bag at kung ano-ano, nagawa ko paring makakilos nang mabilis.

Nang makapasok kami bumungad sa’kin ang mala luxurious style nito. Kulay light blue with light yellow and black. Halos manganga ako habang inililibot ang mata at dahan-dahang naglalakad para magbusisi. Mayroong tatlong swimming pool na modern style at iba’t ibang disenyo ang nakalagay rito. Sobrang elegante tignan dahil na rin sa modern style ng bawat sulok sa loob. Kasama na rito ang mga kwarto dahil mayroon ditong limang modern elegants room gaya nung na i-kwento ni Cholo.

Ang una kong napansin ay ang malapit lang sa dagat at katapat rin nito ang isa sa pinaka-malawak na swimming pool. Mayroon itong mahabang slide kasama na rin ang fountain at underwater lights. Sa kabilang swimming pool naman naroon ang pang batang pool at mayroon ring slide pero maliit lang na good for kids. May kasama rin itong underwater lights. Sa pangatlong swimming pool isa itong hot spring na circle style may dalawa itong bahagi at tiyak makakapag-relax ka talaga.

“Hoy! Celes, kanina pa kita tinatawag,” napangiti naman ako. ‘Di ko inaakala na sa ganitong lugar pala ako isasama ni Cholo, ang swerte ko naman.

“Let me help you,” aniya at kinuha mga dala kong kagamitan.

Hinatid niya ako sa magiging kwarto ko na nasa second floor at mas lalo akong namangha dahil isa ito sa modern elegant rooms.

“Pinili ko ‘tong room for you, para kita mo view nung dagat," wika ni Cholo.

“Wow, thank you! ang ganda ganda,” wika ko rito at patakbong nagtungo sa malalaking kurtina at hinawi ito para tanawin ang palubog na araw. Ang ganda talaga ng sunset, pakiramdam ko may naaalala akong isang bagay na hindi ko alam kung papaano ko mapapalinaw.

“Magpahinga ka muna r’yan, may aasikasuhin ako sa baba dahil may mga bisitang papunta rin dito mamaya.” Pagkasabi nito ay kaagad ring umalis.

Kabubukas lang nitong resort kaya panigurado sa mga susunod na araw o buwan maraming dadagsa sa lugar na ‘to. Naglibot muna ako sa kwartong pamamalagian ko sa apat na araw.

Malawak ang kama at sobrang lambot, kakasiya ang tatlong tao rito. Mayroon ring table sa katabi nito. May aircon at mini ref, mayroon ring flat screen TV na fifty-five inches. May CR rin ito sa katabing bahagi ng pinto. Gawa sa light blue marble ang style nito at may malaking salamin.

Dapat i-enjoy ko ‘tong apat na araw para bago ako sumabak sa isang cooking competition next month, kahit papaano nakapag-relax ako at tsaka 2 weeks rin ang bakasyon namin kaya medyo sulit na rin.

“Sino ‘yan?” sagot ko nang marinig kong may kumatok mula sa labas ng kwarto ko.

“Celes? si Cholo ‘to,” mahina ko itong narinig mula sa loob kaya agad ko namang binuksan ang pintuan.

“Sorry natagalan,” bungad nito sa’kin. Halos mag alas syete na pala pagtingin ko sa wall clock na malapit sa TV.

“Ayos lang! tsaka feel na feel ko rito sa loob eh,” napatawa naman ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Smile Was MineWhere stories live. Discover now