Prologue

876 29 0
                                    

Tahimik akong nakikinig at nanonood kay ate Heidi‚ habang nagluluto ito. Isang successful business woman at isa siya sa sikat na owner ng isang restaurant na patok sa bansa. Meron naring iba’t ibang branches sa ibang bansa. Sikat ito bilang isang magaling na chef at kilala bilang maimpluwensya, mayaman, strikta, nakakatakot, pero may pusong mamon.

“If you follow this cooking principles, for sure you’ll win the competition,” aniya at busy sa paghihiwa. Seryoso naman akong nanonood at manghang-mangha sa kaniya.

“You should train more‚ okay? paghusayan mo,” dagdag pa nito sa’kin. Agad naman itong lumingon at nilapag na ang mga hinanda niyang mga pagkain.

“Wow! ang sarap naman ate!” sabay ngiti ko ng malapad habang tinitikman ang mga niluto niya. Sana kagaya ko rin siyang mahusay at masarap magluto.

“This is the--” kaagad na naputol ang sasabihin nito nang may biglang tumawag sa telepono niya.

“Hello? ah yes, okay i’ll be there.”

Nangunot naman ang noo ko. Sino kaya ang tumawag? mukhang emergency dahil bakas sa mukha ni ate ang pag-aalala.

“Celes‚ aalis muna ako. Ikaw na muna ang bahala dito, if you need anything just call me or my brother okay?” sabay ngiti nito at dali-daling umalis.

Napangiwi naman ako, siguro kung hindi ko lang kinakailangan ng pera hindi rin ako sasali sa competition. Pero mabuti na lang at mabait sa’kin si ate Heidi, kahit sobrang busy niyang tao nagagawa niya pa rin akong tulungan hindi katulad ng iba diyan.

“Iniisip mo ba ako?” nagulat ako nang biglang lumitaw ang asungot na unggoy na ‘to.

“Luh! felingero ka teh?” sabay irap ko rito.

“Where's my ate?” bored na tanong nito sa’kin.

“Umalis eh, ka-aalis lang, bakit?” naningkit naman ang mga nito sa’kin. Problema nitong unggoy na ‘to?

“Wala, nagugutom kasi ako. Tara saluhan mo ako.”

Tumabi ito sa pwesto ko at dahil mabait ako ay sinamahan ko siyang kumain, panigurado mag aaway nanaman kami ng immature na ‘to.

“Adleriuz Paul Costañuez!” galit na sigaw ko nang agawin niya ang kinakain ko.

“Celes Alkina Valuer!” pang-gagaya nito sa’kin.

“Ang kulit mo talaga‚ Adleriuz Paul!” inis na sigaw ko sa harapan nito. Nakaka-imbyerna ang lalaking ‘to.

“Kamusta naman paghahanda mo sa competition?” tinitigan ko naman ito at nag isip.

“Maayos naman, marami akong natutunan kay ate Heidi, the best siya!” masayang kwento ko sa kanya. Napatigil naman ako sa pag ngiti nang nakatitig lang pala ito sa’kin at walang imik.

“Galingan mo‚ Celes. I’m always here for you,” sabay ngiti niya at pinagpatuloy na ang pagkain. Minsan mabait rin pala ang isang ‘to, akala ko puno ng kayabangan ang pagkatao.

“Aba syempre!” mayabang na sagot ko sa kaniya, pero ang totoo kabado talaga ako, hindi ako ganoon kahusay sa pagluluto. Mayroon din kaming hindi kalakihang restaurant noon, pero hindi ko alam kung anong nangyare at bigla itong nawala. Hindi ko rin naman maalala dahil siguro nasa pitong taon lang ako noon.

“Libre mo ako kapag nanalo ka, bayaran mo na rin mga utang mo sa’kin,” tinignan ko naman ito ng masama. May kalakihan rin pala ang utang ko sa kaniya, pero sabi naman niya huwag ko masyadong isipin. Tapos ngayon?!

“Oo na! wala pa nga pero naniningil ka na.”

Natapos kaming kumain na puro asaran at sama ng loob ang ibinigay sa’kin.

“Uuwi ka na? dito ka na magpalipas ng gabi,” wika nito.

“Hindi na, tsaka isa pa baka kung anong gawin mo sa’kin,” sabay cross arms ko.

“Hindi kita type, kaya itigil mo ‘yang pagiging delusional mo.”

Konti na lang at masasapak ko na ‘tong lalaki na ‘to. Hindi ko rin naman siya type kahit isa pa siyang anak ng pinakamayaman dito sa pilipinas. Kahit sikat sa school at pinagkakaguluhan ng mga babae, hinahabol, mayaman, gwapo, matangkad, hindi ko siya type! teka sinabi ko bang gwapo? hindi, hindi siya gwapo dahil mukha siyang unggoy.

“Aray!” nagulat ako nang bigla itong humiyaw.

“Anong problema mo, Celes? bakit ka naman nangungurot ng braso?!” inis na saad nito sa’kin.

“Ah eh sorry na! akala ko kase pamunas,” palusot ko at sabay peace.

Makalipas ang ilang oras hindi pa rin bumabalik si ate Heidi, gusto ko sana siyang pasalamatan bago ako umuwi sa bahay. Kaya sa text ko na lang siya pasasalamatan.

me:

ate, bago ako umuwi gusto ko po sana mag thankyou sa’yo at lalo na sa time and effort mo. kitakits next time, ate!

Napangiti naman ako, ang saya pala kapag may ate.

“Anong nginingiti mo d‘yan?” ang epal talaga ng unggoy na ‘to.

“Wala! tinext ko lang si ate Heidi, tsaka uuwi na ako,” agad kong sagot rito.

“Hatid na kita‚” umiling ako.

“Hindi na, tsaka hindi naman gaanong kalayo bahay namin.”

Inis naman itong tumango at balak pa yatang makipagtalo sa’kin.

“Okay fine‚ just take care okay? mag text ka if nasa bahay ka na ha! wag mong kakalimutan kung hindi lagot kang pandak ka.”

Inirapan ko naman ito, grabe sa pandak? mukha bang pandak ang 4’11.

“Ano kita tatay?” sarkastikong sagot ko sa kaniya.

“Ay ewan ko sa’yo! lumayas ka na nga, pinaiinit mo ang ulo ko, layas! bawal ang pandak dito.”

Habang tinutulak pa ako nito palabas sa mala palasyong gate nila.

“Oh teka! a-aray! oo na, aalis na ako! walanghiya kang kapre ka! child abuse ka na ah.”

Sabay tingin ko nang masama sa kaniya, ngumisi lang ito at tumalikod na.

May pagkabastos talaga ang unggoy na ‘yun! minsan hindi ko alam kung mabait ba talaga siya o plinaplastik lang ako. Alas dyes y media akong naka-uwi saamin, medyo natagalan dahil traffic sa kalsada kanina. Mayroon kaming 2 weeks break dahil malapit nanaman ang panibagong semester na kahaharapin namin.

pangit na unggoy:

did you arrived home safe?

Hindi ko na ito na i-text pabalik dahil humilata na ako kaagad sa higaan ko, bukas na lang. May narinig pa akong may nag text pero hindi ko na pinansin at ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makatulog ako kaagad.

Bago ako tuluyang nakatulog narinig kong nag ring ang phone ko.

Your Smile Was Mineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें