Hindi ko kasi talaga alam kung gaano ba katagal akong tulog.

"Anong days?! Years. 3 years kang tulog." Sagot ni ate Dyann habang nagbabalat ng oranges.

What the fudge? Seryoso ba?

"Oo nga, sa sobrang tagal mong tulog, nagka-anak na kami. Si Ady nga lima na yung anak. Yung kuya mo, may dalawang panganay na. Tapos may bunso ka ng kapatid..." Masayang balita ni ate Aila.

Kung ganoon katagal akong nakatulog, kamusta na kaya si...

"...Ay tapos yung company nyo bonggang bongga na. Tapos yung ini-stalk mong facebook profile gamit yung account ko? Si Jana ba yun, love?" Putol nitong kwento at nagtanong kay ate Dyann.

Tumango lang si ate Dyann dahil busy sa pagkain ng orange. Akala ko para sa akin 'yon kaya binalatan, minsan talaga ang kapal ng mukha nilang dalawa.

Hindi ko na yon pinansin at nabalik ang focus kay ate Aila dahil sa ibabalita niya about Jana.

"Oh ayun, si Jana! Nako may asawa na! Pati mga kaibigan mo nagsipag-asawa na. Nako, napag iwanan ka na riyan. Tanga ka, tulog ka pa ng tatlong taon ah." Tumatawang sabi nito.

Okay lang naman sakin magsipag-asawa na mga kaibigan ko. Pero si Jana? Hindi pwedeng may asawa siya tapos ako wala. Kasi girl, ako dapat asawa niya. Chour.

Di ko alam kung seryoso ba mga pinagsasabi nitong mag-asawang to. 'Di sila katiwa-tiwala.

Naputol ang tawa nila nung may kumatok.

"Hello, check ko lang vitals, BP at dextrose mo. Dala ko na rin set ng medicine na iinumin mo this time, at list ng dosage at schedule ng pag take ng iba pang medicine para alam niyo, i-press niyo lang yung intercom kapag hindi ako nakapag rounds dito sa oras ng pag-inom mo ng meds." Masayang sabi ng nurse ko.

Si Celestine Krystellar Lim, o CK kung tawagin nila. Tine kasi or Stella ang tawag ko sa kanya, para kasing lalaki 'pag CK. Siya ang private nurse ko. Kapatid siya ni kuya Chandler na browther-in-law naman namin. Close naman kami, lalo pagdating kay Charlotte na pamangkin namin. At tuwing may gatherings, kaming dalawa yung sanggang dikit.

"Tine, ilang days na nga kasi akong hindi gumising?" Nakangiting tanong ko sa kaniya habang chinecheck niya ang dextrose.

"One week, girl. Yumaman ng bonnga 'tong hospital for one week dahil sa pag stay mo sa ICU." Tumatawang sagot nito.

Ngumiti lang ako sa kaniya at hinintay matapos ang mga ginawa niya. Iniwan niya rin ang isang maliit na papel sa side table, iyon siguro yung sa gamot ko raw.

Paglabas na paglabas niya ng pinto, binato ko ng unan yung mag-asawang nakaupo sa sofa.

"Bumalik na nga kayo sa California!" Inis kong sabi sa kanila.

Tawa lang sila ng tawa. Sana sumakit tiyan nila kakatawa.

"Naniwala ka naman dyan. Yaan mo, wala pang asawa yung Jana mo." Tumatawa pa ring sabi ni ate Aila.

Napa-roll eyes na lang ako at pagtapos ay namula ng ma-realize ko ang sinabi niya.

May kumatok ulit kaya napatigil sila.

"Hello, Ada." Bati nito sa akin.

Nagulat ako sa kung sino ang bisita ko ngayon.

"PJ?!" Gulat kong sabi.

"Yes, girl! No other than PJ." Sagot naman nito.

Dali-dali siyang lumapit sa hospital bed ko, yayakapin ko na sana siya pero...

"Walang kaibi-kaibigan kapag patient-doctor relationship." Strict nitong sabi.

Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya.

"I'm Dra. Precious Jean Alcazar, your father asked me to be your psychiatrist." Seryoso nitong sabi.

"Seryoso ba? Kelan pa?" Pang iintriga ko rito.

"Mamaya na tayo mag chikahan. Kailangan kitang i-consult. Pero let's make the atmosphere lighter, sige para no pressure sa pagsagot." Sabi nito sa akin.

Pj is one of my schoolmates back in California. Ayoko sana siya tawaging PJ dahil parang panlalaki rin, pero doon na ako nasanay. I can't consider her as my friend talaga, hindi naman kasi kami naging close back then. Sa isang school event lang kami nagkasama talaga. We lost touch when I got here to take care of the company kasi nga biglaan 'yon.

Pinalabas muna namin sina ate Aila at ate Dyann dahil kailangan ng confidentiality sa consultation na ito.

"So, let's begin..." PJ sounded so serious again and took a seat beside my hospital bed.

The AntagonistWhere stories live. Discover now