kabanata 21

285 28 15
                                    

"NAG PROPOSE SAYO!?"

gusto kong magtakip ng tainga nang sabay sabay na sumigaw ang Burgurls. Napanguso ako bago tignan sila Khaning at Shiela na nasa screen.

I sigh. "kahit ako nagulat, ng sobra." Nakangusong saad ko habang naka harap sa salamin.

Bahagya kong binuhol ang scarf ko. Hindi ko maiwasang mapailing nang maalala ko nanaman ang kulay ng mata nya sa mga dots na design ng scarf na 'yon.

"Anong sagot mo?" Tanong ni Risimei.

Napatakip ako ng mukha nang marinig ko nanaman 'yon. Hindi ko maiwasang mahiya sa ginawa ko.

"Gurls. Ganto kasi 'yun..." I walk near them. "Sobrang Hindi ko alam na mangyayare yun. As in wala akong ideya-"

"Kinakabahan ako sa sinagot mo sa kanya, Me." I heard kyl laugh. Sapo-sapo nya ang noo nya habang nakatingin saakin.

"Diba wala akong ideya. Hindi ko akalain na luluhod sya sa harap ko." Binagsak ko ang sarili sa sofa.

"Biglang nag blanko ang sistema ko ih. Hindi ako makapagisip ng tama. Lahat ba naman ng atensyon ng mga crew and staff nasa amin-" I added.

"Ano ngang sinagot mo?" Rinig kong tanong ni Tresha.

I pout. "Hindi ko kasi alam na ganon pala..." hinawakan ko ang kinalalagyan ng puso ko. "Dapat pala nanood muna ako ng mga YouTube videos tungkol doon—"

"Ano ngang sinagot mo!?"

Napanguso nalang ako nang sabay-sabay ulit silang nagsalita. Kahit ang dalawang babae na nasa screen ay kasabay din nila.

Inabot ko ang unan malapit saakin. Kinuha ko 'yon at tinabon sa mukha ko.

"Kailangan kong mag CR." I almost whisper.

"Huh?"

"The heck Esha. The comfort room is so freaking near. Ngayon pa talaga na nasa gitna tayo ng tsismisan-" Reklamo ni Risimei.

"Yun 'yung sinagot ko!"

Mabilis kong inalis ang unan sa mukha ko. Alam kong bakas ang pag pula ng mga pisnge ko.

Shit...

Natigilan naman silang lahat. Sinandal ko ang likod ko sa sofa ng wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Nagkatinginan pa sila na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Fuck that answer!" Napaismid ako nang marinig ko ang malutong na mura ni Shiela mula sa screen.

"Edi anong sabi ni Hans?" KC Sat beside me. "Its Hans..." she nervously smile.

I pout. "Hindi ko na inantay ang sagot nya. Tumakbo na ako paalis-"

"W-what the hell?" Natatawang saad ni kyl. "Wait! Me, don't tell me. Hindi Ka na pumasok?"

Hinilot ko ang sintido ko nang maramdaman ko ang pag kirot niyon.

"Sobra akong nahiya ih." I sigh. "Feeling ko kasi na corner ako."

"Mas napahiya mo si Hans." saad ni Jannilyn.

I look down. Pinagtugma ko ang dalawa kong hintuturo. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa tatoo sa paanan ko.

"Gurls. Friendship over lovelife." I nervously smile. "That's our rule way back high school-"

"Wala namang kaso saamin. Ngayon pa ba kung kailan lumagay na sa tahimik 'yung dalawa?" Risimei laugh.

Saglit ko syang binalingan ng tingin.

"Hindi naman 'yon ih. Kung nakita nyo kung gaano kalamig ang trato saakin ni Ivy noong nasa bus palang kami. Nalulungkot na ako, kasi naging kaibigan ko 'yon at alam kong gusto nya si Hans-"

Morii: Shield Of Anger (BS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon