kabanata 12

295 38 10
                                    

"Wag nyong ipapahawak kay Esha yung mga na collect na pera!" Sigaw ni Risimei sa likod ko.

Napasinghap nalang ako habang hawak ang isang lobo. Ilang ulit kong sinubukang hipan 'yon.

"Hoy unggoy!" Tinuro ko sya. "Ikaw na nga mag ihip nito."

Kinuha ni Shiela ang lobo sa kamay ko. "Hawakan mo si Kresnitte, ako na mag iihip nito."

Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya.

"Pinaka magandang sinabi mo ngayong araw Lay!" I laugh. Hinawakan ko ang kamay ni Kresnitte. Marahan ko syang inalalayan mag lakad.

"One step closer, Kres" I said. Hinawakan ko ang kamay nya. Habang dahan-dahan akong humakbang patalikod.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya. She is smiling. Lumalabas ang maliliit na ngipin nya.

"Zup gurls!" Niyakap ko si Kresnitte nang bigla syang mapatalon dahil sa sigaw ni Jannilyn.

Inirapan ko naman sya. "kalma lang. May bata tayong kasama."

Jannilyn raise her hand to do a peace sign. Nahalata doon ang ilang guhit sa palapulsuhan nya. Hindi na mukhang bago ang mga guhit doon. Buti naman hindi na nya sinasaktan ulit ang sarili nya.

"Jannilyn. Paabot nga ng tape." Kyl said. Nakapatong sya sa upuan. Habang si Risimei naman ay nagbibilang ng pera sa lamesa.

"Here!" saad ni Jannilyn.

Hindi ko na inintindi ang usapan nila. Muli kong Nilaro si Kresnitte. Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. I saw alot of Shiela's baby pictures. They look just the same.

"Lay, Kamukhang kamukha mo to no–" I laugh. "Sana lang Hindi nya mamana ang ugali mo..."

Biglang nag laho ang ngiti ni Shiela.  Lalo namang lumapad ang ngisi sa labi ko.

"Kung hindi mo lang katabi ang anak ko. Babatuhin na talaga kita." Pagbabanta nya.


"Gurls!" Tawag pansin ni KC. "Remember our guidance counselor?"

I slowly nod. "Yung Pinagalitan tayo dahil nag cut tayo ng classes dahil hindi natin trip yung teacher!"

"Tangina. Naalala ko yung pamumula ng ilong ni Khaning sa sobrang takot." Risimei laugh.

"Yung pasimuno ng kalokohan na yun. Mayor na ngayon!" Kyl Exclaimed.

Tinali ni Shiela ang lobo bago lumapit saamin. Kinarga nya na si Kresnitte.

Bahagya akong lumayo. Baka batuhin ako nito, lalo na wala na ang anak nya sa tabi ko.

"Anong meron kay Mrs. B?" Tanong ni Shiela habang karga karga ang anak nya.

Mariin akong napapikit. Muntik ko nang makalimutan ang pangalan nya.

"Co-worker pala sya ni Tresha." KC exclaim.

"Ay weh?" I react as I walk to the chair. Inabot ko ang bag ko doon.

"Kaya makikita natin sya mamaya, pag sinurpresa na natin si Tresha!" KC exclaim.

Nag angat ako sa kanya ng tingin. Gumuhit ang ngiti sa labi kom

"Alam nyo. Alam ko na kung bakit hindi sineseryoso ni Darian si Tresha—" saad ko pag katapos tignan ang kalendaryo ng phone ko.

Kyl laugh. "Stop talking about love me, I remember something."

"—kasi April fool's day 'yung birthday nya." Mabilis na saad ko. Sinigurado kong malakas 'yon para hindi nila intindihin ang sinabi ni kyl.

Morii: Shield Of Anger (BS3)Where stories live. Discover now