Prologus

37 5 0
                                    

How to fall in love?

Matagal na simula ng masagot ko ang mga katagang 'yan. I know how to fall in love, but I don't know how to end up with the person I loved.

Napakakomplikado ng mundo at maraming problema na nakapalibot dito. Kahit gaano ka pa katalino na tao sa buong mundo, sa bandang dulo ay hindi mo rin naman masasagutan ang lahat ng katanungan na may nagbabago-bagong sagot kada-minuto.

"Mommy, p'wede po ba akong tumabi sa inyo?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon ay nakita ko ang nag-iisa kong anak na babae. Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya na agad naman niyang sinuklian ng kanyang matamis na ngiti. Naglakad siya patungo sa aking tabi at humarap sa mga bituin at buwan na nagpapaliwanag sa kadiliman ng gabi.

"Mom, may I ask you a certain question?" tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa mga bituin. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa relis ng terris.

"Sure. What is it?"

"Ms Terezza told us about the story of Romeo and Juliet. I am just wondering, how did you too, my father end up with each other? Who is your first love, mom?"

Natigilan at napalingon ako sa aking anak dahil sa naging tanong niya, pero pagkalaan ng ilang segundo ay isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Humarap akong muli at tumingala sa malawak na langit.

"Actually, your father is not my first love and until now, that someone always fill my empty heart." Humarap ako sa anak ko na may ngiti sa aking labi. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha, pero isang malungkot na ngiti lamang ang binigay ko sa kanya.

"It was all happen on summer days. . ."

How to fall in love?

Matagal na simula ng masagot ko ang mga katagang 'yan. I know how to fall in love, but I don't know how to end up with the person I loved.

✓ETCIUWhere stories live. Discover now