“Where’s Kuya right now, Ma?”

Ngumiti lang siya.

I waited.

10...

11...

12...

Almost 15 seconds, but she didn’t respond.

“Tumatawag pa ba sila sa ‘yo?” tanong ko ulit.

“Minsan... do you really wanna see your brother?”

“Sino ba‘ng ayaw?”

Tumitig si Mama sa aking likuran kaya naman napalingon ako roon.

Gano’n na lang ang gulat ko nang nakita ang classmate ko na nakaupo na sa counter. Nakatukod pa ang siko at mariin akong tinitigan nang may maliit na ngiti sa labi.

“Good evening, Ari. I am Zirdy Ivan... Reistre.” He then extended his hand like it was just easy for me to process after years of not seeing him.

“Seryoso ba ‘to?” naibulong ko na lamang.

Natulala ako at pinagmamasdan lang siya habang nasa ere pa rin ang kamay.

Nandito na siya...

Am I dreaming?

Ibinaba niya ang kaniyang kamay dahil hindi ko ito tinanggap. Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya, at ganoon na lang ako nakonsensya nang mabasa ang panlulumo roon.

Tuluyan na akong pinangiliran ng luha.

Lumapit ako sa kaniya atsaka siya pinaghahampas sa dibdib.

“What took you... so long?”

He chuckled but in pain.

“Sorry, my princess.” He sniffed and hugged me tighter. “Kuya’s already here... I won’t leave again,” bulong niya.

“Ang tagal kitang hinintay, Kuya!”

“I know... I know, I am really sorry. I promise I’ll make it up to you... okay?”

I bursted into another batch of tears again. I couldn’t help but to wonder if this is really happening?

He’s finally here.

My older brother which had been far away from us ever since. Never ko siyang nakita ulit maliban noong mga bata pa kami. They stayed somewhere in Visayas for a long time with my father, grandfather, uncle and cousin.

And now... he’s here. Naandito na ulit siya, at hindi ko hahayaang maiwan ulit kami ni Mama nang ilang taon.

And there’s this reason I wasn’t aware of. 

“How about Papa? Where is he?”

“Susunod din siya, pinauna lang ako kasi gusto ko na rin umuwi, at para rin makapag-aral agad.”

Tumango-tango ako kay Kuya. Nakatitig lang ako sa kaniya habang kumakain baka kasi mamaya ay maglaho lang siya. At least by now... maayos na ako kahit papaano. At least, bumalik na siya.

After our dinner, I faced Kuya who was looking at me worriedly.

Humalukipkip ako. “Bakit parang ang dali lang sa ‘yo, Kuya?”

Nalaglag ang balikat niya. “Sorry, alam kong hindi ganoon kadali... pero ayaw mo ba akong makita? Sorry na, oh. Paano tayo magkakasundo niyan?”

“I was mad at you... bakit kasi kailangang nasa probinsya pa kayo?”

“Hindi ko rin alam... it was between our parents. Don’t get mad at me, please?”

I rolled my eyes. “Sige na nga, basta... huwag mo na ulit ako iwanan, ha? Stay wherever I go!”

His smile widened. “Yes, ma’am.”

I smiled and went near him. “Miss na miss kita, Kuya. Bakit nga ba nagdadalawang isip pa ako kung ikaw ba ‘yon o hindi? E, halata namang ikaw pala talaga... baka hindi lang talaga ako makapaniwala.”

He hugged me and kissed the top of my head. “I am sorry, medyo kinakabahan kasi ako baka magulat ka nang sobra. Huwag ka mag-alala simula ngayon, naandito na ako. Kuya will be here for you always, okay?”

Tumango ako.

“I love you, princess. Matulog ka na, okay? Good night.”

Huminga ako nang malalim bago kumawala sa yakap. “Good night. Please don’t vanish, ha?”

He chuckled. “I won’t. Hindi na talaga, promise.”

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now