Chapter X

2.4K 245 82
                                    

Bumabaybay ang Hi-Ace sa kahabaan ng provincial highway patungo ng Manila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumabaybay ang Hi-Ace sa kahabaan ng provincial highway patungo ng Manila.

Habang nagmamaneho, inabot ni Hannah ang pack ng Marlboro Lights sa dashboard at nagsindi ng stick. Narinig niyang umubo ang katabi niya.

"Maselan lang?" sabi ni Hannah.

"Second-hand smoke kaya," ubo ni Jules at binuksan ang kanyang bintana't pinaypay ang usok palabas.

Tumingin si Hannah sa rear-view mirror.

"Yosi?" alok niya at tinaas ang pakete ng sigarilyo.

Saglit na nag-isip si Greg bago inabot ang kaha ng yosi mula kay Hannah. Kumuha siya ng stick at sinindihan ito ng lighter na nakasuot sa plastik ng kaha, bago binalik iyon kay Hannah. Nagbukas din siya ng bintana.

Lumingon si Jules kay Greg.

"Okay ka lang?" tanong niya. "Kanina ka pa tahimik."

"Okay lang," may pilit na ngiti si Greg.

Maya-maya'y nakita nila na may tumirik na sasakyan sa gilid ng daan. Isang kulay puti na van at nakita ni Hannah na mga madre ang sakay nito.

Nag-minor si Hannah at tinabi ang Hi-Ace sa likuran ng van.

"Anong ginagawa mo?" pagtataka ni Jules.

"Hindi mo ba nakikita? Mga madre," turo ni Hannah. "Baka kailangan nila ng tulong."

"Ng ano? Divine Intervention?"

"Ang cute mo talaga, Jules," irap ni Hannah habang itinaas ang handbrake. "Magpagupit ka nga."

Napataas-kilay si Jules at inayos ang semi-Afro niyang buhok. Na-conscious lang.

Pinitik ni Hannah ang yosi palabas ng bintana at bumaba ng Hi-Ace. Lumakad siya tungo sa mga madre na sa kanyang bilang ay pito na nagkumpulan sa isang tabi.

"Sisters, may maitutulong ba ako?" tanong ni Hannah.

"Ah, okay na kami!" ngiti ng madre na naka-salamin.

Na-flat pala ang gulong ng van at pinapanood ng mga madre ang isang lalaki na nagtatanggal ng gulong gamit ang tire wrench. Nang makita iyon ay napatango si Hannah. Ah, okay, aniya, may Good Samaritan naman na pala. Pabalik na si Hannah sa Hi-Ace nang tawagin siyang muli nung nakausap na madre.

"Miss! Miss!"

Huminto si Hannah.

"Pa-Maynila ba kayo?"

"Ah, yes, sister," sagot ni Hannah.

"Kung ganon, dadaan kayo ng Tarlac!"

Mabagal na tumango si Hannah.

"Baka puwedeng siyang makisabay," turo ng madre sa lalaking tumulong sa kanila na ngayon ay nagpapalit na ng gulong. "Nasiraan kasi 'yung sinasakyan niyang bus."

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon