XXIV. The Letter

Começar do início
                                    

Lumingon ito sa amin nang tumikhim ang babaeng nagpatuloy sa amin. Tumayo siya at kalmadong lumapit sa amin na tila ba hindi na nagulat sa pagdating ng mga dayo.

"Ano ang ngalan ng maharlikang binibini?"

"Ee-- Victoria. Princess Victoria of Winzellia," pakilala ko.

"Winzellia? Hmm, interesting... Sumunod ka sa akin, kamahalan." naglakad na ako kasama ng mga kawal nang huminto ang mayor.

"Ikaw lang, prinsesa"

Sinenyasam ko ang mga kasama kong kawal at agad naman silang tumango. Pero pagdating kay Nickolas, hindi pa man ako nakakapagsalita ay sumagot na ito.

"Hindi."

"Saglit lang naman," saad ko na para bang nagpapaalam sa tatay na makikipaglaro lang sa labas.

Hindi siya kumibo at mariin lang akong tinitigan. Napairap naman ako bago bumaling sa mayor with a can-he-go-with-me look.

"Mukhang mapilit ang binata. Sige, isama mo na rin siya."

Pumasok kami sa isang malawak na kwarto. May mga litratong nakakabit sa mga dingding. I guess, they are the previous mayors of Aspel. Mayroon ding mga sertipiko at mga medalya at trophies.

"Take a seat."

Naupo kami sa isnag mahabang lamesa kung saan nila ginaganap ang meetings. Nasa tabi ko si Nickolas habang nasa harap namin ang mayor ng Aspel.

"Ano naman ang ihahandog mo upang makuha ang katapatan ng bayan ko?" Diretsong tanong nito. He's like a calm sea that can deliver raging waves anytime.

"Mga kagamitan, gamot, at pagkain." Diretso ko ring tugon. Kalmado lang habang ikinukubli ang kaba. Baka mamaya ay may itinatago siyang punyal sa ilalim ng mesa at bigla nalang akong saksakin. Pero 'di bale, nandito naman si Nickolas sa tabi ko.

"Kamangha-mangha. Karaniwang handog ng mga maharlika sa amin ay mga ginto," saad niya na tila ba nagulat sa tinuran ko.

"Hindi kalakalan ang ipinunta namin rito kung kaya't walang silbi ang mga ginto."

"Kakaiba ang stratehiya mo, prinsesa." He said and laughed with amusement.

Huminto siya sa pagtawa at sumandal sa upuan. Mariin niya akong tinitigan. "Wala bang nakapagsabi sa iyo na baka masayang lang ang oras mo sa pagpunta rito?"

Napalingon naman ako kay Nickolas dahil sinabi nga niya sa akin iyon. "Mayroon ngang nagsabi sa akin. Ngunit nagbabaka-sakali akong mali iyon."

"Nagsasayang lang talaga kayo ng oras. Alam ko na ang ibig ninyong mangyari. Kukuhanin niyo ang tiwala namin at pagkatapos ay sasakupin at aalipinin sa monarkiya't sistema niyong bulok!" Halos magpantig ang tainga ko sa pagsigaw niya. I can feel anger beneath his words. I wonder why it is.

"Ang nais namin ay isang sistemang malaya kaming makapagpapahayag ng damdamin at opinyon. Kung saan lahat ay pantay pantay," dagdag pa niya.

"Hindi ko kayo pipiliting magpasakop sa Winzellia. Ang nais ko lang naman ay--"

"Wala akong tiwala sa mga maharlilang tulad mo. Pare-parehas lang kayo ng nais." Mariin niyang sambit. "Hindi kami tatanggap ng kahit ano mula sa mga maharlika." tumayo siya at aalis na sana nang magsalita ako.

"Bakit ikaw ang magdedesisyon para sa bayan mo? You're full of pride, Mr. Mayor. You don't even know that your people are suffering because of your pride! Ang akala nila ay walang tumutulong sa kanila. But they didn't know how you rejected all of those help!" sigaw ko at mariing hinampas ang lamesa. Kanina pa ako nagtitimpi sa isang 'to.

Lumingon siya sa akin na may halo-halong ekspresyon. Tumayo ako at naglakad patungo sa kanya.

"Iiwanan namin dito ang mga dala namin. I don't care if you'll take all the credits. I just want to make sure that it will be given to the people." Saad ko habang mariin siyang tinititigan. "Lalo na ang pamilya ng lalaking nagngangalang Rameses na mula sa timog na bahagi ng Aspel."

After I said those words, I walked away. I don't know why the mayor is like that.

Maybe, he really wants Aspel to be free from the slavery of any kingdom. Or maybe, he wants Aspel to become his own kingdom.

But who knows? I don't want to judge a book just because I read one of its chapters.

* * *

Pagkauwi sa Winzellia ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Victoria. Grabe, naistress ako sa mayor ng Aspel. Hope he will really give the donations to his people.

Humiga ako at tumitig sa kisame. May mga pigura ito ng buwan, araw, mga planeta, at mga bituin. Itinaas ko ang kanan kong kamay at pinagmasdan ang guhit 4 rito.

Apat na misyon nalang at makakauwi na ako.

"Saglit lang," saad ko at bumangon nang may kumatok sa pintuan.

"Bakit?" tanong ko nang makitang nakatayo sa harap si Nickolas. Gulo-gulo ang buhok niya na tila ba kakaalis lang ng gintong armor helmet.

Inilahad niya sa akin ang isang sobre. "Mula raw sa personal na tagapag-silbi ni prinsesa Rina."

Tumango-tango naman ako at kinuha ito. Oo nga pala, nakalimutan kong puntahan ang personal na tagapagsilbi ni Rina pagkatapos kong pumunta sa burol niya.

Binuksan ko ang sobre para basahin ang isang sulat. Lumapit naman ng kaunti sa akin si Nickolas para basahin din. Chismoso tsk.

Princess Victoria Velloire,

Kung mababasa mo man ito, marahil ay wala na ako. Nais kong humingi ng tawad kung mauuwi lamang sa wala ang pagliligtas mo sa akin. Alam kong kahit si Marco ay hindi matutuwa sa gagawin ko.

Ngunit kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ng marami.

Nais akong ipakasal ng aking mga magulang sa panganay na anak ng mga pinuno ng kaharian ng Avales na si Prinsipe Primo. Kung kaya't sa araw noon na may pagdiriwang sa kaharian ninyo ay pinili naming tumakas ni Marco. Ang iniisip ng lahat ay itatanan ako ni Marco noon upang hindi patuloy ang kasal.

Ngunit hindi iyon ang totoo.

Mahal ko si Primo. Mahal na mahal. Pero mas pinili kong lumayo. Pinakiusapan ko si Marco upang itakas ako. Hindi kami maaaring ikasal ng prinsipe. Hindi maaaring magkaroon ng ugnayan ang Kasem at Avales.

Isinusulat ko para sa'yo ito sapagkat nais kong tulungan mo ako. Ayokong makitang sinasakop ng kadiliman ang mundong kinalakhan ko.

Alam mo ba ang tungkol sa 'dark kingdom'? Isa itong organisasyong ang layunin ay mapabagsak ang lahat ng kahariang hindi sakop nito. At Victoria, dalawa sa mga kahariang kasama rito ang Kasem at Avales. Ngunit hindi ko na nalaman kung ano pa ang mga kahariang kabilang rito. Ang natitiyak ko lamang ay limang kaharian ang kasama rito.

Nais kong tulungan mo akong iligtas ang mundo ng mahika. Huwag mong hayaang manaig ang kadiliman.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal,

Prinsesa Rina ng Kasem.

~ ~ ~

Ever AfterOnde histórias criam vida. Descubra agora