CHAPTER SEVEN

104 3 0
                                    

CHAPTER SEVEN



“FROSTY! Have you seen Athena?” napalingon si Zephyr sa tumatawag sakanya. Si Carla iyon ay mukhang bakas ang pag-aalala nito sa mukha. “Hey! Nakita mo ba si Athena? Kanina ko pa siya hinahanap eh. She left her phone at tumatawag kasi ang mom niya.”

Naisip kasi niyang magpunta sa common area hindi upang tumambay, nagbabakasakali kasing makita niya rin doon si Athena. Hindi pa rin kasi siya mapalagay. Lalo pa at narinig niyang magkikita sina Christof at Athena. Mukhang nakipagkita nga ito sa binata.

“Hindi eh.” Kunot noo niyang sagot. Dali-dali siyang lumabas ng dorm. Kung wala doon sina Christof at Athena, baka nasa labas ng dorm ang mga ito.

Hindi niya maintindihan ang mga paa niya dahil tila kusa ang mga itong naglakad upang hanapin si Athena. Allowed pa naman ang lumabas sa dorm hanggang alas otso ng gabi. Kung saan saan siya naglibot sa buong campus. Pasuko na sana siya pero nakita niya ang gymnasium na nakabukas ang ilaw. Dali-dali siyang naglakad patungo doon.

Mula sa bungad ng gym ay dahan dahan siyang sumilip sa entrance. Agad nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakahiga si Athena sa lapag at nakapatong doon si Christof.

“Who’s gay, Athena? Baka gusto mong patunayan kong lalaki ako dito mismo sa harap ng mga kaibigan ko?” tila galit na galit ang hitsura ni Christof. At dahil nga kakaunti lang ang tao sa gym ay rinig na rinig ang sinabi ng binata.

Kaya hindi na siya nagsayang ng oras. Naglakad siya palapit at hinila ng marahas si Christof palayo kay Athena.

“Z-Zephyr. . .” ani Athena na bakas na bakas ang takot sa mukha nito. Hindi niya na control ang sarili ng sandaling iyon kaya agad dumapo ang kamao niya sa mukha ni Christof. “Zephyr!”

“Anong ginawa mo kay Athena, Christof?” galit niyang tanong sa binata at isa pang suntok ang ipinadapo niya dito. Agad namang rumesbak ang mga kaibigan ni Christof at pinagsusuntok din siya. Hindi siya sumuko. Nakipagsuntukan siya sa apat na lalaki.

Hindi niya alam kung paano niya nagawa pero nakahiga lahat ng lalaki sa lapag. Napangisi siya. Kung hindi pa siya pinigilan ni Athena ay baka kung ano n
a ang nagawa niya sa mga ito.

“Zephyr. . .” sabi ni Athena na nahintakutan din sa nangyari. May galos ang mga siko ng dalaga kaya nilingon niya ulit ang tatlo.

“Kapag naulit pa ito ay hindi lang yan ang aabutin niyo! Tara na, Athena! All of you! Don’t you dare touch Athena again!” sabi niya sabay hawak sa kamay ng dalaga at hinila na palabas ng gym. Galit siya kina Christof at hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas niyang makipagsuntukan sa mga iyon.

“Zephyr saan tayo pupunta?” tanong ni Athena.

“Sa clinic, ipapalinis natin yang sugat mo.” Sabi niya sa seryosong tono.

“No!” pigil sakanya ng dalaga kaya nahinto sila sa paglalakad at tiningnan ito. “Kapag nalaman ng mommy na may galos ako ay baka magalit iyon. Sa dorm nalang. May first aid kit naman kami ni Carla.”

Bumuntong hininga siya at tinitigan ang dalaga. Naka pajama at tshirt ito. Basang basa ng pawis. Magulo ang buhok at namumula ang mga braso.

“Are you sure?” tanong niya.

“Y-yeah.”

“Sinabi ko naman kasi sayong huwag ka nang makipagkita kina Christof.” Sabi niya. Naiinis talaga siya.

“I’m sorry. Gusto ko lang naman—” wala sa sariling niyakap niya ang dalaga kasi parang papaiyak na ito. Ano bang nangyayari sakanya? Bakit ganon nalang ang nararamdaman niya ng sandaling iyon. Tila parang gusto niyang protektahan si Athena. “Z-Zephyr. . .”

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now