Kabanata 19

70 4 0
                                    

Louise POV

Maaga akong nagising ngayon para reviewin ulit yung mga nireview namin ni Laila kahapon. Nagtext kasi sakin kagabi ang magaling kong pinsan at sinabi nyang may long quiz daw kami, kaya kailangan kong magreview ulit =____=

Hindi kasi ako nakikinig nung i-announce yung Long quiz kasi nga di ba, nagtetext ako nun? Kaya ayun! Buti na lang nagreview kami ni Laila kahapon.

4am pa lang at 7am pa ang pasok pero dilat na dilat na ko.

"sonnet is a poem of 14 iambic pentameter lines.." basa ko dun sa libro ko.

(=______=")

Sana maalala ko to mamaya. TT o TT

Habang nagpapaka-dalubhasa ako sa English ay naramdaman kong may nagtext sakin.

*vrrrrrrrttt*

From: Andy'epal

Good Morning Lulu.. Have a nice day. :)

--

Lulu? wrong send siguro.

To: Andy'epal

Mukang wrong send ka. Antok ka pa ata! HAHA pero good morning na din. :D

--

From: Andy'epal

Nope.. Para sayo talaga yung mesg na yun. Okay lang ba kung Lulu ang itatawag ko sayo? short for Louise Laurein. XD para naman may callsign tayo.

--

Call--what? ano yun? parang endearment sa text? Hayy.. kaya hindi ako mahilig sa textmate-textmate e. Daming eklat! pero pwede na din, tutal naman text lang to. HAHA

--

To: Andy'epal

bahala ka.. kung dyan ka masaya e. Dapat ako din may tawag sayo, para naman patas di ba? kung Lulu ang tawag mo sakin tatawagin naman kitang Lala. HAHAHAHA parang teletabis lang! xD

--

From: Andy'epal

HAHAHAHA.. sure Lulu, ikaw din ang bahala. Kain ka na din pala ng b.fast. :D Maliligo muna ako. Maya na lang ulit.

--

To: Andy'epal

Sige. Enjoy! XD

--

Bekii Boyfriend!! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon