Kabanata 5

118 6 1
                                    

Louise POV

(Monday morning)

ITS MONDAY!!!! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako natuwang MONDAY NA! Nung highschool ako at kahit ngayong college e, ang pinaka-aayawan kong araw ay monday. Para kasi sakin ang monday ay simula ng bagong linggo.. meaning simula din ng araw ng PAGPASOK, PAG-GISING NG MAAGA, at simula ng isang mahabang linggo! PERO iba ang monday ko ngayon!! IT'S A VERY SPECIAL DAY! kasi, simula ngayon.. MONDAY means DATE WITH FRANCE! WHAAAA! Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong ito! T__T *tears of joy*

Anyways.. Since monday na nga ngayon at date namin ni France (i know pauli-ulit, pagbigyan nyo na ko.. :>) maaga akong gumising para paghandaan ang araw na to! Nagprepare ako ng lunch namin at syempre nilabhan at plinancha ko ang pinakamaganda kong uniform para sa araw na to! ginagamit ko lang kasi tong uniform ko kapag may teaching demonstration kami, para presentable tignan pero gagamitin ko to ngayon para sa date namin ni France ko, para naman gumanda ako sa paningin nya! ^__^

"Oh Louise, ang aga mo atang nagising ngayon? Nauna ka pa sakin." 

"Excited kasi ako ma.. First date namin ngayon ni France!!"

"Masyado ka naman atang excited anak, 5am pa lang bihis ka na.. 7am pa pasok mo!"

"Hayaan mo na ako ma! Hindi din naman ako makakatulog kahit pilitin ko e, kaya bumangon na lang ako.. maaga din akong aalis ngayon."

"Sige, bahala ka.. basta wag mo lang kakalimutan ang mga bilin ko sayo.. Hindi kita pinagbabawalang makipagrelasyon pero alalahanin mo palagi ang mga sinasabi ko sayo."

"OPO MA.. Alam ko naman po ang limitasyon ko.. hehe sige na ma, kumain ka na! Ako naghanda ng breakfast.. Ang tagal mo kasing bumangon e!"

"Hindi ako matagal bumangon! Sadyang napakaaga mo lang!"

After naming kumain ni mama, umalis na agad ako ng bahay.. Actually 6am pa lang, may isang oras pa ako pero feeling ko sandaling oras na lang ang hihintayin ko! EXCITED NA TALAGA AKO! :">

---

Pagdating ko sa school kakabukas pa lang ni kuya guard ng gate. =__=

Ang aga ko nga masyado.. >.>)

Binati ko na lang yung guard tapos dumiretcho na agad ako sa room namin.. 

haaaayyy~ bat ba nag tagal ng oras? 6:20 pa lang!! 7am pa dating ni France.. T__T 

Hindi din ako masyadong nakatulog kagabi, kaya medyo inaantok pa ako. Masyado kasi akong excited para sa araw na to, sa totoo lang buong week end ako hindi nakatulog ng maayos kakaisip sa araw na to.

*Hikab* hindi naman siguro masama kung iidlip ako sandali.. Inaantok talaga ako.. 20 minutes lang.. 20 minutes!!

Bekii Boyfriend!! ❤Where stories live. Discover now