Kabanata 6

95 7 1
                                    

"Nakita nyo na ba yung lalaki sa labas?!!"

"Yung cutie ba sa labas ng room natin yung sinasabi mo?!"

"OO!! kyaaaaa!! ANG CUTE NYA NO!! sa nakita ko sa uniform nya, mukang taga med department sya!! sino kayang hinihintay nun sa department natin?!!"

"Baka girlfriend??"

"Sa tingin nyo may gf na yung cutie na yun??"

"Wala yan!!"

"E sino naman ang aabangan nya dito satin?"

"Baka ako!! kyaaaaa!!"

"ASA KA NAMAN TEH! Ako ang hinintay nun!"

"WEEEE? Sa itchura mong yan?! AKO ANG HINIHINTAY NUN!"

Napatingin ako sa tatlo kong classmate na babae, *sigh*

for sure.. si Bruce yung pinag-uusapan nilang lalaki. Pero ang aga naman ata nyang pumunta? may 30 minutes pa bago matapos ang klase ko.

Actually wala na kaming prof kaya tambay lang kami sa classroom pero ayoko pang lumabas. Feeling ko kasi pagsisisihan ko yung desisyon ko sa oras na lumabas ako at harapin si Bruce na kanina pa naghihintay sa labas ng classroom namin. =__=

Ngayon lang kasi nagsink-in sa utak ko yung mga pangyayari kanina! whaaaaaaaa!!!

"Couz. hindi mo pa ba lalabasin si Bruce dun? kanina pa sya pinapapak ng mga bubuyog sa labas! baka maubos!"

Alam na pala ni Laila yung mga nangyari kanina. At ang gaga, mas boto kay Bruce kesa kay France!

"E kasi naman couz! natatakot akong harapin si Bruce."

"Ngayon ka pa natakot?!! di ba ginusto mo naman to? kaya panindigan mo! kawawa naman yung tao, isang oras nang naghihintay dun sa labas!"

"Madaling sabihin yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!"

"SORRY HA! Ang ganda mo kasi e!! Nakakainis to! Sarap mong batukan, lam mo yun?! Ang point ko dito, pinaasa mo na yung tao.. sana naman tumupad ka sa usapan di ba? kawawa naman si Bruce sa labas! baka lusaw na yun!"

"Sige na! Lalabas na po.."

"AYAN! Bye couz!! kwento mo sakin mamaya yung date nyo ah!! ENJOY!!"

--

Paglabas ko ng classroom, nakita ko si Bruce na pinagkakaguluhan ng mga students (specially girls and GAYS) at mukang kanina pa sya nilalapastangan nung mga babaeng nakapaligid sa kanya! MY GULAY!! tama nga si Laila, kawawa naman si Bruce! Naabuso na! Lol.

Bekii Boyfriend!! ❤Where stories live. Discover now