Kabanata 4

113 5 1
                                    

Louise POV

THANK GOD ITS FRIDAY!! At dahil friday ngayon maaga ang uwian!!! YEHEY!! maaga ko ding makikita si France ngayon! ^__^

Isang linggo na din pala buhat nung nagsimula akong manggulo kay France, I know... Nawiwirduhan na kayo sakin dahil sa pinag-gagagawa ko lately, at yung iba siguro natatakot na kasi para akong stalker na bigla na lang susulpot kung nasaan si France, pero anong magagawa ko? Ganung paraan lang kasi ang nakikita ko para mafall din sya sakin. Mas okay na siguro yung ganitong binubwiset ko sya atlest alam nyang nageexist ang isang tulad ko sa mundo, kesa naman nakatanaw lang ako sa malayo at nangangarap na mapansin nya.

At alam ko ding nagtataka kayo kung bakit ako ganito kabaliw sa kanya e, isang linggo ko pa lang naman syang kilala? Sa totoo lang nagtataka din ako sa sarili ko, sa maniwala kayo o hindi habulin din naman ako ng mga boys nung hs.. kakahanap ko sa Prince Charming ko e, ang dami ko na din naging BF at lahat ng naging crush ko ay naging BF ko ng walang kahirap hirap, (di naman sa pagyayabang! XD) pero iba talaga ang tama ko kay France! Ito na siguro ang tinatawag nilang true love. Corny man pero yun talaga ang nararamdaman ko! sa 17 yrs na exsistence ko sa earth ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Okay class.. that's all for today. Ipopost ko na lang sa fb yung activities and requirements nyo.. You may go." 

Pagkarinig ko ng salitang 'you may go' niligpit ko na agad yung mga gamit ko! excited na akong makita si France. :">

Oo nga pala, nagresearch ako ng konti, tungkol sa kanya! XD

wag mag-isip ng kung ano! KONTI lang naman ang niresearch ko.. mga basic informations lang naman ang kinuha ko, gaya nito; ang full name pala ni France ay Francisco Andrew dela Vega, 21 yrs old na sya at kasalukuyang nasa 3rd year college at kumukuha ng kursong Nursing.

Bukod doon -- nalaman ko ding dati syang LALAKI! I mean isang tunay at straight na lalaki. Heartthrob  pa nga DAW sya nung high school e. ^____^/

Almost 4 years pa lang daw buhat nung naging beki sya, ang dahilan ay ---- hindi ko alam.. (ayaw sabihin ni source ko) hindi din sya masyadong nagsasalita ng Gay Lingo. Pagtrip nya lang daw.. Magaling syang maglaro ng tennis at baskeball pero hindi na sya naglalaro ng kahit anong sports ngayon, (ayon sa source ko) buhat daw kasi nung naging bakla si France nawalan na sya ng gana sa sports. (ayaw nya na daw kasing napapawisan)

Nalaman ko din pala ang schedule nya sa school, kaya alam ko kung saan sya hahanapin palagi. xD hindi naman masyadong private yung mga info na nakuha ko di ba? sabi ko naman sa inyo KONTI lang yung info na nakuha ko. ^__^v

So... dahil wala na akong klase, hahanapin ko na si France! at ayon sa schedule nya, wala syang klase ngayon at sya ay nasa garden ng school pag ganitong oras. Dun daw kasi ang tambayan nya pag vacant time nya.

Pagdating ko sa garden nakita ko agad sya. :">

OH DI BA?? LUPET NG SOURCE KO!! HAHAHAHA

Nakita ko si France na nagbabasa ng libro sa ilalim ng isang malaking puno, nakaupo sya sa damuhan at parang anghel sa malayuan! Ang cool nya talagang tignan! hayyy~ Malapitan na nga!

Bekii Boyfriend!! ❤Where stories live. Discover now