Ilang buwan palang magmula nang umalis na si Chiara patungong Canada. Nandoon siya nung nasa airport ito, alam ng Diyos kung gaano niya kagustong pigilan ito pero nakapagdesisyon na siya. He has to let her go. Pilit niyang isinisiksik sa utak na ito ang mas makakabuti.


"Let him be, Michelle," sabi ni Isaac sa kapatid nila.


"Pwede namang mag-LDR sila, kuya! We have Skype, Facebook, Twitter, ang daming social networking sites diyan!" hysterical na sagot ni Michelle.


"It's not that easy, Chelle," mahinahong sabi ni Adam.


Napangisi nalang siya at ininom ang natitirang alak sa baso niya. Tingin ba nito hindi niya naisip ang LDR? Gusto niyang i-offer iyon kay Chiara pero naisip niya na hanggang kailan? Hanggang kailan sila magpapakakuntento na ipagpatuloy ang relasyon nila na tanging webcam at monitor ang pagitan nilang dalawa. Akala ba nila madali ang long distance relationship? Isa pa, ayaw niyang ikulong si Chiara sa kanya. Malaki ang Canada, maraming pwedeng magbago. Hindi niya hahayaang umasa si Chiara sa kanilang dalawa ng wala naman talagang kasiguraduhan.



"Magmumukmok ka nalang diyan?" seryosong tanong sakanya ni Calix.


Nagkibit-balikat lang siya at nagsalin ulit ng panibagong alak. Iinumin na sana niya iyon nang biglang agawin ito ni Elisha at ito mismo ang lumagok ng laman.


"Bakit hindi mo siya sundan sa Canada?" tanong nito sakanya. Her piercing eyes bore into him. Nakakatakot si Elisha lalo na kapag seryoso. She would always say things that would really make one think.


"Para saan pa? Nasaktan ko na siya. Wala naring sense kung susundan ko pa siya. Besides, I'll train for the company next week, wala na ring saysay," matabang na sagot niya.


"Pero nasasaktan ka rin naman," sabi ni Ailee na kanina pa tahimik. Not her usual self, he guess.


"It'll stop, eventually."



Limang taon. Limang taon na ang nakakalipas but the pain is still there. Konting alaala lang ni Chiara ay mabilis na bumabalik ang sakit ng paghihiwalay nila. Anim na buwan palang magmula ng umalis si Chiara, gumawa siya ng fake account at hinanap agad ang facebook nito. Kahit doon man lang, malaman niya ang nangyayari sa buhay nito doon. He saw how she was happy when she got her master's degree. Nakita niya ang pagbabago sa itsura nito. Ang unti-unti nitong pagtatagumpay. Sa mga nakita niya, doon niya napagtanto na tama lang talaga ang ginawa niya. Chiara's happy and successful. Iyon lang naman talaga ang hangad niya.



He was back from his thoughts when his phone rang. Tinignan niya ang caller at sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Belle.


"Hello?"


"Dami darling! Happy New Year!" masayang bati nito sakanya.


"Happy New Year Belle, how's London?" tanong niya.


Narinig niya itong humagikgik sa kabilang linya. "Great! Sold out nanaman ang play namin kanina."


"Congratulations, Belle." Bumuntong-hininga siya.


"Please tell me that you're not in your house again, alone, drinking." Nahimigan niya ang pagkairita sa boses nito.


Ngumisi siya. "Okay, I won't tell you."


"Dami!" suway nito. "Hanggang kailan mo gaganyanin ang sarili mo? She's happy now. Ikaw? Kailan darating iyon?"


He let out a deep sigh. Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok. Sumandal siya sa may balustre at mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita ang malaking portrait ni Chiara. He sighed again.


"How can I be happy, when she's my happiness?"


He heard Belle groaned. "Well, news alert lover boy, you chose to let that happiness go. So bear with the consequences. Anyways, tinatawag na ako ng mga kasama ko. Happy New Year Dami, I wish you the happiness that you've been waiting for."


Hindi na siya sumagot pa at hinayaan nalang na si Belle na ang magtapos ng tawag. Napapikit siya ng mariin at piniling pumasok nalang sa kwarto niya. Nagpalit lang siya ng damit at ibinagsak ang sarili sa kama niya. He just stared at Chiara's face.


Will you grant my wish? Will you please come back to me?


--------------

Nakakatuwa naman ang daming nag-comment sa last chapter! Nakakatuwa dahil maraming galit kay Dami. Well, this is his POV para naman mas lalo niyo siyang maintindihan. People have to grow mga peeps!

Advance Merry Christmas babies!

VOTE AND COMMENT :)
Follow me @kendeyss

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now