Chapter 19

4.8K 108 0
                                    

"HOY!!!! TEH!!! Tulaley ka na naman dyn! Iniisip mo na naman siguro si kuya no!" Napaayos ako ng upo dahil kay Tricia. Bwisit talaga ang baklang to konti nalang may paglalagyan na to sakin.

"Wag ka ngang sumigaw! Di ako bingi!"

"Eh kasi naman kanina pa ako nagsasalita dito nasayang lang pala ang laway ko sa wala dahil disconnected ang utak mo sa earth." Di ako sumagot at sinimangutan lang sya. Ang tagal ata matuyo ng nail polish nya at hanggang ngayon di parin sya tumitigil sa pag ihip.

"Sa palagay mo ba makaka get over ka sa kanya?" Biglang seryosong tanong nito sakin.

"Mapapatay kita ng wala sa oras. Wag mo na nga syang pinapaalala sakin."

"Di ka nga makapatay ng ipis papatayin mo pa ako? Sige na sagutin mo na tanong ko. Ako pa ang eechosen mo e tuwing lutangers ka sureness akong sya ang iniisip mo."

"I guess I will never really get over him, because in the back of my mind I still hope that someday, we'll get another chance." Alam ko namang sobrang tanga ko na kung iniisip ko parin to. Kaso di ko talaga mapigilan na di umaasa.

"Pano kung wala na? Pano kung di na kayo magkita? Hay... Mahirap ba talaga mag move on teh? Masakit?"

"Everyday it gets harder. Everyday it's like a nightmare progressing on. Habang tumatagal lalong nagiging imposible, para akong unti unting pinapatay. I've never felt so much pain." Nahihirapang sabi ko. Tumayo ito at lumipat sa katabing upuan ko. Inakbayan nya ako at sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya.

"May isang bagay lang akong di kinakalimutan pag dating sa ganyan gurl."

"Ano naman yun?"

"Letting go is like pulling a tooth. When it was pulled out, you were relieved, but how many time does your tongue run itself over the spot where the tooth once was? Just beause it's not hurting you now doesn't mean you don't notice it. It leaves a gap, and it will take time to get used to the empty space. Does that mean you should have kept the tooth? No, because it was causing so much pain. Therefore, move on and let go." Iniangat ko ang ulo ko at nginisian sya.

"From the top please." Pagbibiro ko.

"Day naman english yun ipapaulit mo pa? Baka wala ng matira na dugo sakin."

"San mo ba kasi nakuha yun?"

"Nabasa ko lang dati sa tabloyd."

"Wow! Tabloyd ha?my ganun dun? Infairness naalala mo yun lahat."

"Ganun talaga... Brainy aketch! Hahahahaha."

"Maging lalake ka nalang kaya tapos tayo nalang?" Kumapit ako sa braso nya at muling sumandal sa kanya.

"Ewness ka naman teh! Kung sampalin kaya kita nitong may orange nail polish kong kamay ng matauhan ka sa sinabi mo? Hindi ako tomboy no!" Pilit ako nitong inaalis sa pagkakakapit ko sa kanya. Tawa lang ako ng tawa.

"Sige na kasi." Pagmumumilit ko.

"Let go na nga Sav. Nakakadiri ka na talaga malapit na akong masuka sa sinasabi mo! wag ka na mag move on kay Kuya Stephen. Ituloy mo lang yang pag eemo mo."

"Hi guys! What's happening?" Bigla nalang sumulpot si Valerie sa tabi namin.

"Buti naman nandito ka Val, kausapin mo nga itong si Sav! Lumuluwag na ata ang turnilyo sa utak at gusto akong jowain."

"Like ew Sav! Seriously? Nakakadiri yun." Sabi ni Val at naupo sa tapat ko.

"Yan din ang sabi ko. Bumitaw ka na nga Sav at maliligo muna aketch tutal nandito naman na ang bff mo." Hinayaan ko na syang umalis.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon