Prologue

15.5K 225 1
                                    

Ang iba pinoproblema kung pano sila yayaman. Samantalang ako ang problema e mayaman kami. Masyado ng mayaman. Kaya tuloy ang daming bawal. Di basta basta pwedeng umalis na walang bantay, kailangan piliin ang kaibigan, kailangan makipag plastikan. Nasasakal na ako.

Eh di ko nga alam kung alam pa ng parents ko ang itsura ko dahil once a year lang sila kung umuwi dito sa pilipinas. Para san ba ang pagpapayaman nila ng bongga? Masasama ba nila yan sa kabilang buhay? Hay.

Hindi naman ako maarte, nagpapanggap lang din. Yun kasi ang gusto ni mommy tsaka dapat daw prim and proper. Hello?! Hindi nga ako ganun. Kung papapiliin nga mas gugustuhin ko pa ang magkamay pag kumakain. Mas enjoy.

Kaya one time ng busy ang lahat sa pag hahanda para sa party sa mansyon, maaga palang tumakas ako. Nagpalit ako ng simpleng white t-shirt at maong pants. Iniwan ko ang lahat, pati phone at ATM card. Buti nalang may cash pa akong 5k sa wallet. Pwede na to.

Syempre nag iwan ako ng sulat sa pinakamamahal kong yaya. Sa kanya ko lang naramdaman na may nagmamahal sa akin. Para nya na akong tunay na anak kung ituring. Kaya naman mahal na mahal ko rin si Yaya Sachi.

"Yaya, wag mo na akong ipahanap please lang. Wag mo na rin muna ito banggitin kay mom at dad. Im sure naman di nila ako kakamustahin kung di ikaw mismo ang tumatawag sa kanila. Yes, I knew. Don't worry babalik din ako kailangan ko lang to gawin para sa sarili ko. I love you. I'll miss you."

I can do this. Ngayon na ang tamang pagkakataon. I'm not backing out.

I am Savannah Santillan.

            •     •     •      •     •     •

Savannah Santillan.

Rich girl. Neglected by her parents.

Gusto nyang takasan ang buhay na meron sya kaya umalis sya at napadpad sa isang probinsya at nag panggap na mahirap at walang pamilya. Gustong makahanap at maranasan ang true love. Yes may pagka hopeless romantic sya. Naniniwala syang isang araw makikilala nya ang lalaking magmamahal sa kanya ng buo. Pagmamahal na di na nakuha sa parents nya.

Stephen Garcia.

Rich guy. Nagmahal sa maling babae. A love that is impossible because she was already in mandly in love. Not just with anyone. Sa kapatid pa nya mismo. Now they are engaged. Nagpapanggap syang masaya sa harap nila pero di na nya ata kinaya kaya mas pinili nyang magpakalayo layo muna. Para makalimot at pag hilumin ang wasak nyang puso bumalik sya sa lugar kung saan madalas dun sya nagpapalipas ng panahong may pinagdadaanan sya.

Anong mangyayari pag nagkatagpo ang landas nila? Isang Broken hearted at Hopeless romantic. Matutulungan ba nila ang isat-isa para mahanap ang mga sagot sa katanungan nila?

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon