"But I refused because you're not her. You are Eerah Eriendelle."

Nagulat siya nang bigla ko siyang yinakap. "Thank you... for believing me, Nickolas." He believes in me. He really do.

I felt his hand caressing my hair. He hugged me back.

"I will always be here for you, Eerah. Until... your last mission."

* * *

Maingay at magulo sa loob ng pamilihan. Magkakahalong amoy ng mga isda, karne, mga gulay, at kung anu-ano pa. Mainit na rin sa paligid kahit pa alas-nuwebe palang ng umaga.

"Hubarin mo nga muna 'yang helmet mo. Ang init init eh." aangal pa sana si Nickolas pero lumapit na ako at inalis iyon sa ulo niya.

His quite messy hair fell out of his forehead. Pawisan na ang mukha niya but he still looks good. I mentally shook my head. What are you thinking, Eerah?

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong niya at kinuha sa akin ang ginintuan niyang helmet.

"Oy, alam niyo ba?" baling ko sa tatlong kawal na kasama namin. Tumango naman ang isa kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Patungo kami ngayon sa bahay ng kawani ng kalakalan ng Winzellia. Sabi ng hari ay kailangan kong makahalubilo ang mga opisyol dahil raw ako ang susunod na reyna.

Gusto ko sanang umayaw. Geez, pinagsuot nila ako ng gown papuntang palengke. If I'm in the mortal world, I will be called crazy.

"Kamahalan," liningon ko ang isang lalaking nakaupo sa bangko at naghihiwa ng mga pinya na sa tingin ko ay ibinebenta niya.

"Nais niyo ho bang bumili sa mga paninda kong pinya?" magalang nitong tanong. Nginitian ko siya at lalapit na sana nang pigilan ako ni Nickolas.

"Kilala mo ba siya?" tanong nito kaya umiling naman ako. "Eh bakit pupuntahan mo? Paano kung may masama siyang balak sa'yo?" napansin kong suot niya ulit ang gintong armor helmet.

Napakurap ako habang tinititigan siya. "He doesn't look like someone who can hurt other people, Nickolas."

"Tara na nga lang. Kumain ka nalang ng pinya." saad ko at hinital siya papalapit sa lalaki.

"Magkaano 'yan?" tanong ko habang tinitingnan ang mga paninda niyang pinya.

"Tatlong pirasong pilak lang ho kada isa, kamahalan." sabi niya kaya tumango-tango naman ako.

Lumapit ako ng kaunti para makapamiling mabuti nang bigla akong hinitak palayo ni Nickolas at itinutok ang espada niya sa lalaki.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak palang kutsilyo ang lalaki. Mayroon pang sumabit ritong lilang tela. Nilingon ko ang likod ng damit ko. Geez, the back of my gown was torn.

Agad siyang hinawakan at pinatayo ng dalawang kawal na kasama namin. Tinutukan naman siya ng espada ng isa pa. Lumapit naman sa akin si Nickolas.

"I told you not to come near." asik niya. Napasimangot naman ako. Hindi man lang ako tinanong kung ayos lang ako. Hmp.

Liningon ko ang lalaki. He seems two years younger than me. Matalim na nakatitig sa akin ang mga itim niyang mata. I wonder why he seems to hate Victoria like that.

Then, a vision came visiting my mind.

Maingay ang paligid dahil sa boses ng mga tinderang tila ba nakikipag-ibabawan sa ingay ng palengke.

Agaw atensyon naman ang isang dalagang nakasuot ng isang magarbong lilang bestida habang napapalibutan ng tatlong kawal.

"Kamahalan," walang ganang nilingon ni Victoria ang lalaking tumawag. Tiningnan niya lang ito mula ulo hanggang paa.

"Nais niyo ho bang bumili sa mga paninda kong pinya?" magalang nitong tanong. Hindi naman nagbago ang walang ekspresyong mukha ng dalaga habang papalapit rito.

"Magkano?" maiksi ning tugon.

"Tatlong pilak lamang ang isang piraso, kamahalan."

Lumapit si Victoria at pinagmasdan ang mga paninda nito. Maraming pinya sa palasyo ngunit wala namang mawawala kung gagastos lamang siya ng tatlong pirasong pilak, hindi ba?

Habang abala ang dalaga, kinuha itong panahon ng lalaki upang umatake. Ngunit may malakas na pakiramdam si Victoria laya agad niya itong napigilan.

Lumapit ang dalawang kawal upang hawakan ang lalaki. Itinutok naman ng isa ang espada sa leeg nito.

"Lapastang ang iyong ginawa. Kamatayan ang nararapat sa'yo, binata!" sigaw ng kawal at gigilitan na sana ang lalaki nang pigilan siya ni Victoria.

"Hayaan mong ako na ang gumawa." saad nito ng may ngisi sa mga labi.

"Lapastang ang iyong ginawa. Kamatayan ang nararapat sa'yo, binata!"

"Hoy, teka!" pigil ko sa kawal pero hindi pa rin siya nagpatinag.

"Teka sabi eh!" dahil sa inis ko ay kinuha ko ang espada ni Nickolas at itinutok sa kanya.

Gulat silang napatingin sa akin. "K-Kamahalan," agad niyang inialis ang espada sa tapat ng leeg ng lalaki at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

Natauhan naman ako at agad ibinaba ang espada. "Wala kayong karapatang pumatay ng sinuman." saad ko sa kanila. Ibinaling ko naman ang tingin sa lalaking nagtangka sa akin.

"Hayaan mong ako na ang gumawa."

I mentally shook my head. Nahihibang ka na, Eerah. Hindi ka pumapatay.

"Anong pangalan mo?" baling ko sa lalaking hawak ngayon ng mga kawal.

"My name is Ram, your highness. " he emphasized that word with disgust.

"Bakit mo siya pinagtangkaan?" tanong naman ni Nickolas.

"Dahil isa siya sa mga makasariling maharlika na nagpapahirap sa pamilya ko." saad niya habang patalim na nakatingin sa akin ang mga mata.

"Teka nga, ano bang pinagsasasabi mo?"

"Prinsesa, sadya ngang wala kang alam sa mga nangyayari sa labas ng magarbo mong palasyo." sakrastiko niyang tugon.

"Pakawalan niyo ako at pinapangako kong hindi ka na muling gagambalain." napatawa naman ang mga kawal dahil sa sinabi niya.

"Hindi ka na talaga makakagambala pa dahil mabubura ka na sa mundong ito." sigaw ng isang kawal at itinutok ang espada sa leeg niya.

"Pakawalan niyo siya," gulat naman silang lahat na napatingin sa akin.

"Gawin niyo na," asik ko nang nakatulala lang sila. Bigla naman nilang itinulak palayo ang lalaki at nagtatakbo na ito.

Tuluyan na kaming tumungo kung saan man kami dapat talaga pupunta.

"Kamahalan, nahanap ko na po ang mga impormasyong pinapahanap ninyo." saad ng isang kawal tsaka nagbigay galang.

"Spill it."

"Ang ngalan po ng lalaking iyon ay Rameses Reyes. Mula siya sa timog na bahagi ng bayan ng Aspel. Malubha ang sakit ng kanyang ina kung kaya't napilitan siyang lumapit sa iba't-ibang kaharian ngunit dahil hindi nila nasasakupan sa Aspel ay isinasawalang-kibo nila ito." napatango-tango naman ako.

Hindi ko masisisi ang lalaking iyon kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa mga maharlika.

Pero sa dami rami ng mga maharlika bakit ako yung unang papatayin? AKO NA NAMAN!? Grabe, Eerah. Habulin ka ni kamatayan.

"Tara na," aya ko kay Nickolas.

"Teka, saan tayo pupunta?"

Pinagmamasdan ang kalahating guhit ng 5 sa itaas at kalahating 4 naman sa ibaba sa kanang pulso ko.

"The sixth mission isn't over yet,"

~ ~ ~

Ever AfterWhere stories live. Discover now