Kabanata 20.0: Ang Matigas Na Bagay

Start from the beginning
                                    

Dahil 18 na ako at debut ko na raw ay mayroon silang inihandang version ng 18 roses at 18 candles. Ang nangyari e 4 roses at 1 candle lang. Kinulang ng 14 ang roses at kinulang ng 17 ang candles. Si Kei, Darryle, Niko at Edison ang 4 roses at si Lukrecia naman ang kandila. Oo siya 'yong kandila, siya 'yong mismong sinindihan. Pinagtripan ni Darryle e.

"Alam n'ya ba?" tankng ni Edison patungkol kay Choco Girl. Pinag-uusapan kasi namin si Choco Girl at tinatanong ni Edison kung alam ba raw nito na bakla ako. Mula kasi sa aksidenteng naganap last week hanggang sa kahuli-hulihang detalye na magkasama kami ay nasabi ko lahat lahat kay Edison. Siya na lang kasi ang nasa matinong pag-iisip e. 'Yong iba, borlogs na! At isa pa, siya lang naman talaga ang pinakamatinong kausap sa kanilang apat. Yun nga lang, mauumay ka sa sobrang pagkaseryoso n'ya.

"Yeah. Alam n'ya na lahat ng tungkol sa'kin." Itinaas ko ang can ng beer at ininum ang natitirang laman nito. "She also said na gusto n'ya raw ako. She even stalked me on Facebook." I added as I place the empty can on the table. Yeah, as far as I remember, she did those things na sinabi ko.

"I'm tired and sleepy." Isinalampak ko bigla ang katawan ko sa sofa kung saan kami nakaupo ni Edison ngayon. Nasa may dulo siya kaya hindi ko siya nadaganan.

"So, what did you told her?" tanong ni Edison. Narinig ko naman ang pagkalampag ng mga yelo sa basong hawak n'ya. It's like he's shaking the alcohol para mawala ng kaonti ang effect nito.

"I told her na hindi kami talo," I said as I close my eyes.

   "Then?"

"Yet she insisted. Sabi niya, misteryoso raw ang pag-ibig, baka raw mainlove ako sa kanya at maging lalaki raw ako. Tss! Asa!" Naibato ko bigla ang unan sa mukha ko. It's my technique of drowning myself into sleep.

"Okay sabi mo e, but you said you like her," sabi Edison na may halong pang-aasar. Yeah, I have said kanina na I like her but...

"Yeah, I like her but not as what you're thinking! Ahh! Edison! Ano ba!? Let me sleep!" I said as I burried my face on the surface of the sofa.

"Bakit ba? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Mula sa pagkakabaon ko ng mukha ko sa sofa ay agad akong napaupo at ibinato kay Edison ang unan na kanina lang ay hawak-hawak ko. Nakita ko naman siyang nag-grin nang maiwasan n'ya ang unan na binato ko sa kanya. This is where Edison is good at. He likes to corner someone by his words, 'yong tipong magugulat ka na lang kasi, napapalabas niya ang gusto n'yang malaman sa isang tao sa pamamagitan lang ng pagsasalita.

"Yeah, I like her because of her personality. Kasi, sobrang bilis n'yang magpatawad. Siguro kung ako 'yong nasagasaan, hindi ko papatawarin 'yong nakasagasa sa'kin. Pero siya, in just as second e napatawad n'ya ako. And I admire her for that." After I said that ay bumalik ako sa pagkakahiga at matiim na ipinikit ang mga mata.

"Haha. That girl is really great, she made you admire her," he said! Tss! Ang kulit talaga ng lahi ni Edison e.

"Malay mo totoo ang sinabi n'ya." Narinig kong nilagyan ni Edison ng yelo ang baso n'ya at pagkatapos niyon ay nilagyan n'ya rin ito ng alak. "Love is mysterious and powerful that it could turn you into real prince charming," he seriously said as he drink a small amount of alcohol from the glass he is holding. "We're gays and we're attracted with men but it shouldn't stop us from falling in love with women. Magkaiba ang puso at ang sekswalidad. Always remember that."

Sa sinabing iyon ni Edison ay bigla kong naibukas ang mga mata ko. Para kasing natamaan ako e like what was that? I should not supposed to be hitted by this man's words pero anong nangyari? Bakit pakiramdam ko e, nabagsakan ako ng malaking bato sa sinabi n'ya? Kahit medyo nagugustuhan ko 'yong personality ni Choco Girl e hindi pa rin e. Malabo! Falling inlove with that girl is impossible. Impossible? Impossible nga ba talaga?

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now