Kabanata 20.0: Ang Matigas Na Bagay

20.1K 636 75
                                    


When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 20: Ang Matigas na Bagay
Written by: JoeyJMakathangIsip

HEAVEN
"When your legs don't work like they used to before and I can't sweep you off of your feet." I was silently singing Ed Sheeran's Thinking Out Loud Song habang naglalakad ng nakapamulsa at naglalakad sa may hallway ng university. Grabe, nae-LSS talaga ako sa kantang 'to. At infairness ha? Ang cute talaga ni Ed Sheeran, crush ko kaya 'yon.

"Ay! Bading!" Napatalon ako bigla nang may biglang umakbay sa'kin.

"Hi babyloves! Good morning! Pakiss nga!" She was about to kiss me in my cheeks kaso naunahan ko na siya. I stretch my right hand at itinulak ang mukha n'ya palayo sa'kin.

"Don't you ever steal a kiss from me again! Kasi kung hindi, tatanggalan talaga ng matres!" giit ko sa kanya na may halong pagbabanta. Nakakainis 'tong babaeng 'to, bigla-bigla na lang sumusulpot na parang kabute.

"Tatanggalan mo ako ng matres, talaga? Ha? Sige tanggalin mo? Ito oh! Hah! Yah!?" sabi tapos bigla niyang itinaas ang mini-skirt n'ya. Agad naman akong napatakip ng mata! Baliw ba 'tong babaeng 'to? Itinaas ba naman ang mini-skirt habang nasa harap niya ako? Pa'no 'pag may nakakita? Pa'no 'pag nakita ko 'yong repolyo niya? Letche!

"Ano ka ba! May shorts naman ako e! Tss! Ang OA mo! May patakip-takip ka pa ng mata! Alam ko namang gusto mong makita 'to e!" she said as she remove my hands na nakatakip sa mga mata ko. And wait? What did she say? Gusto ko daw makita 'yong--

"Bulaga!" Nang matanggal ko na ang mga kamay ko sa mga mata ko ay itinaas n'ya ulit ang mini-skirt nya. Kamuntikan akong mapatili. This girl is creepy. Buti na lang at may shorts s'ya kasi ayaw ko talagang makita ng blackhole at repolyo niya.

"Amoy isda," I bluntly complained as I start on walking again. 8:00 AMBpa ngayon. May meeting kasi ang department namin ngayon kaya medyo napaaga ang pagpasok namin. Meeting 'yon tungkol sa paparating na intramurals.

"Ansama mo!" she shouted me at my back. Nakakatawa 'tong babaeng 'to. Ang dami n'yang alam na kalokohan. Hindi ko inexpect 'yong ginawa n'ya kagabi. She threw some explosive things sa table kung saan ginagawa ang contract signing ni Mr. Zunaga at ng Daddy ko, then boom! Nagkagulo ang lahat ng tao roon at higit sa lahat ay hindi na natuloy ang contract signing. Thanks to her. I owe this girl a lot.

But on the other side, tama bang sabihin kong she's really creepy as hell? Kagabi habang nag-uusap kami sa daan matapos kaming tumakas sa party ay bigla na lang n'ya akong hinalikan... sa cheeks! Nakakainis 'yong ginawa n'ya. Langya talaga! Actually, dalawang beses n'yang ginawa 'yon at sobrang na-trauma ako sa dalawang halik n'yang 'yon.

Habang naglalakad ako ay pinagmasdan ko lang siya habang salita siya ng salita. Hindi ko siya pinapakinggan, pinagmamasdan ko lang siya. Yeah, I admit. Maganda siya. Pero totoo kaya 'yong sinabi ni Edison kagabi?

Habang naglalakad kami ni Choco Girl ay bigla akong nagbaliktanaw sa nangyari nang makauwi na ako sa condo ko matapos kong ihatid si Choco Girl sa bahay nila....

   "Surprise!" Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng condo ko ay agad na bumungad sa'kin ang isang malaking tarpaulin na may nakasulat na 'Happy Birthday Heaven' na hawak-hawak nina Kei, Darryle, Niko at Edison.

"Buysit ba etu uy! Panu ba eto paputuken!?" Hawak-hawak naman ni Lukrecia ang isang malaking party popper na hindi n'ya napaputok.

I was surprised sa ginawa nila lalo pa't wala akong kaalam-alam na may plano pala silang ganoon. Mayroon din silang macho-dancers na inimbita. At sa palagay ko, si Niko at Lukrecia lang ang nag-enjoy sa mga macho dancers na iyon. Si Kei at Darryle, ayun, enjoy na enjoy sila sa sarili nila. Like what you expect sa lovers na iyon? Ako naman, I was just watching my friends the whole time. Masaya na ako 'pag masaya sila.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now