Pilit kong pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko dahil ayaw kong makita niya 'yon sa mukha ko. Nakakahiya kaya!

"Okay lang siya, Ricci." nakangising sabi ni Shan. "She's kinikilig lang because of you." dagdag niya pa.

"Ha-ha. Funny." sabi ko.

Napatingin ako sa gawi ni Rasheed, "Uy, Sheedy! Nandiyan ka pa pala?"

He rolled his eyes at me, "Oo. Masiyado ka kasing busy sa katabi mo kaya hindi mo na ako napansin." nakangusong sabi niya na ikinatawa ko.

"Ang arte mo, ha." i said and punched his shoulders.

"Ricci."

Lumingon ako sa tumawag kay Ricci at nakita ko si Grace kasama ang mga alipores niya na masama ang tingin sakin.

"Grace," Ricci smiled and kissed her forehead. Grace smirked at me, paniguradong nagmamalaki.

"What are you doing here?" Grace.

"Ah, sinamahan ko lang si Rasheed. He's looking for Zoey kasi." he answered.

"You looking for me, Sheedy?" i asked and smiled sweetly.

He winked, "Yes, but you're busy earlier with someone, eh."

"Ehem!" Sandara.

"Lunch time is almost over, Zoey. Let's go?" aya ni Shan and I just nod.

Sinamahan kami ni Rasheed hanggang classroom namin. Hindi naman nagtaka ang mga kaklase ko dahil alam naman nilang close kami ni Rasheed. Pag si Ricci lang talaga ang kasama ko, doon lang nagkakaroon ng usapin at malisya.

Sa ilang oras na nagdaan ay nagpatuloy lang ang aming klase hanggang sa mag-uwian na.

"Una na 'ko." paalam ko sakanila nang makarating kami sa parking.

"Nagmamadali, 'te? Nagmamadali?" taas kilay na tanong ni Sandara.

Nakasimangot ko namang itinuro sakaniya ang paa ko.

"Ah, yeah, whatever." dismayadong sabi niya. "Take care, okay?" she and Shan kissed my cheeks bago sila naunang umalis.

Pasakay na ko sa kotse nang may lumapit sakin na dalawang babae. Looks familiar pero hindi ko alam kung saan ko sila nakita.

"Kumusta naman ang paa mo?" tanong ng isa sakanila saka tiningnan ang paa ko.

Hindi ko alam pero mabilis akong nakaramdam ng kaba para sa paa ko. Shit! What's this.. Who are they?

Mas lumapit sakin ang isang babae at walang sabi sabing sinipa ng malakas ang paa ko. Napasigaw ako sa sakit. Sa sobrang sakit.

Pati yung isang babae ay sinipa din ang paa ko, parehong paa dahilan para mapaupo ako at mapasandal sa kotse ko. Hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa sobrang sakit.

Hindi ko sila kilala at hindi ko alam kung anong dahilan ng galit nila. Malamang galit sila. Bakit naman nila gagawin sakin 'to kung hindi sila galit, diba?

"Zoey!" lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Rasheed, tumatakbo.

Mabilis na umalis ang dalawang babae bago pa man tuluyang makalapit si Rasheed.

"Hey, are you okay? Saan ang masakit? Anong ginawa nila sayo?" nag-aalalang tanong niya. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinantay ang tingin sakaniya.

Umiiyak kong itinuro ang paa ko.

"Fvck!"

Binuhat niya ako at pinaupo ako sa shotgun seat. Umikot naman siya at sumakay sa driver's seat.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now