"Po?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi mo ba napapansin ang pakikitungo niya sa iyo? Kahit sino ay magaakalang magkasintahan kayong dalawa. Iba ang mga kilos niya pagdating sa'yo."

Umiling ako at ngumiti kay Manang, "Ganyan po talaga si Bradley. Wala pong namamagitan sa amin. Parang magkapatid nga po kami, e."

"Ganoon ba? Sayang naman at bagay pa naman kayong dalawa." Nanlumong wika niya.

Tumawa ako ng konti at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan at inilagay ito sa lababo. Tumunog ang phone ko. Dali-dali akong naghugas ng kamay.


From: Bradley

I brought my car. Don't worry, ako na lang ang pupunta diyan. We don't have a class din this afternoon, may meeting ang mga teachers. Wait for me. Wear something comfortable, alright?

To: Bradley

Noted.


Exactly 12 noon, may bumusina sa labas ng bahay. Tumayo ako at naglakad palapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at nakita ang kotse ni Bradley sa labas.

Tinignan ko ang sarili sa salamin at inayos konti ang suot. Ang outfit ko for today ay light blue sleeveless croptop, denim highwaisted jeans, at white sneakers.

"Hi.." Wika ni Bradley habang papasok ako sa loob ng kotse niya. Napansin ko na hindi niya suot ang school uniform nila kaya sa tingin ko ay umuwi muna ito saglit sa kanyang condo. Suot niya ay isang maroon longsleeves na nakatupi hanggang siko, khaki shorts, at vans sneakers.

"Hey." Sagot ko naman sa kanya. Sinirado ko ang pinto't umupo ng maayos. Sinuot ko muna ang seatbelt bago nilingon ang direksyon ni Bradley at nagtanong.

"Where are we going?"

Pinaandar niya ang sasakyan bago ako sinagot. "Restaurant malapit sa mall. We're going to have our lunch there."

"Really? I haven't been there. Kakabukas lang no'n, right?"

Tumango siya, "Yeah. And I heard masarap daw ang mga dishes nila doon."

"That's great then." Sagot ko sa kanya. Makaraan ang ilang minuto ay walang nagsalita sa aming dalawa. It's a comfortable silence, not the awkward one. Lumingon ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga gusali't tao sa labas.

"How are you?" Binasag ni Bradley ang katahimikan.

Sumulyap ako saglit sa kanya at bumaling ulit sa labas, "I'm good. Next week, magfo-focus na lang kami sa mga practices. Thank God, I don't have to wake up early anymore." Reklamo ko at napanguso.

"Why? What time ba magsta-start ang practice niyo?" Natatawang tanong niya sa akin, nakatingin siya sa unahan pero pansin ko ang pagsulyap niya saglit sa akin.

"8:30 na. Unlike noon na 7:30 ang pasok. At least ngayon makakatulog pa ako ng ilang minuto bago bumangon." Nilingon ko siya at saktong sumulyap din siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti at kindat bago natatawang umiwas ng tingin. Rinig ko naman ang mahinang tawa niya.

"We're here." Ani Bradley. Bumagal ang takbo ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang exterior ng restaurant. Napamangha ako kasi ang ganda ng design. Naunang lumabas ng sasakyan si Bradley at pinagbuksan ako ng pinto.

"Ang ganda.." Manghang saad ko. Sinara ni Bradley ang pinto ng sasakyan bago inilock. Pagkatapos, sabay kaming dalawang naglakad papasok.


Love And AffectionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz