"Pasok ka sis?"

Pag-aanyaya ko sa kaniya. Pero sana 'wag siyang pumayag dahil si Niko. Napacrossed finger ako sa naisip ko. Nagdiwang ako ng tahimik nang umiling siya.

"No. It's okay sis. Aalis na rin ako. I just really came here to see you"

Tingin niya sa akin sabay ngumiti.

"Birthday ni mom sa susunod na linggo ha. Pupunta ka! I will just text you the time. And please be safe, Liyah."

Banta niya sa akin. Tumawa ako dahil sa ginawa niya.

"Yes po mom. I love you po!"

"I love you too. Uuwi na ako ha? Keep safe always"

"Ikaw ang magkeep safe! Dahil iniwan ka niya!"

Tawa ko habang nakahawak ako sa nakaawang kong pinto.

"Sus. No need, iingatan naman ako ni Nikolai Mavero"

Nagflying kiss pa siya sa akin bago siya nagmartsa papunta sa elevator. Bumukas ang elevator at pumasok na siya.

Unti-unting napawi ang ngiti ko habang sinasarado ko ang pintuan.

Bakit? Sa kadami-dami pang lalaki, si Niko pa ang nakasama ko noong araw na 'yon? Kung pwede lang sana iba nalang.

Bakit din, sa kadami-daming lalaki. Si Niko pa, 'yong taong mahal ko at tatay ng anak ko ang napili ni Aloha?

Tinuloy ko ulit ang pagkakain ko sa ice cream habang nag-iisip.

Paano ko kaya ipapaliwanag sa kanilang dalawa?

Napansin kong naubos na 'yong ice cream ko at naisipan kung hugasan 'yong pinagkainan ko. Kumuha ako ng malamig na tubig.

Naisipan kung pumunta na sa taas para makapagpahinga na. Dahan-dahan kung binuksan ang pintuan para hindi magising si Niko.

Napansin kong mahimbing pa rin ang kaniyang tulog. Tumabi na ako sa kaniya nang naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa tiyan ko.

Tinignan ko ang mukha ni Niko at napangiti ako... hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako at nakita ko kaagad ang katirik-tirik na araw.

"Good morning wife, how's your sleep?"

Tanong ni Niko sa akin habang may ngiti sa kaniyang labi. Napansin kong sobra-sobra yata siyang ngumiti ngayon ah? May pataas-taas pa ng kilay niya.

Hmm. Tinignan ko ang sarili ko. At nanlaki ang mga mata ko.

"May ginawa ka na naman sigurong katarantaduhan 'no?"

Nanliit ang mga mata ko at niyakap-yakap ko ang aking sarili.

"I didn't do—"

Naputol ang pagsasalita niya nang binato ko siya ng mga unan.

"Manyak! Manyak ka talaga!"

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now