Nang matapos ang first shot, nagpalit-palit sila ng mga posisyon. Nanatili lamang ako sa aking kinauupuan habang pinapanuod sila. Nang maramdaman kong may umupo sa aking tabi ay mabilis akong napalingon. Gulantang nang makita si Noah, he looked at me intensely at kasabay non ang pagflash ng cam. Nanlaki ang mga mata kong umiwas ng tingin sakanya. Hindi parin makapaniwala.

"Isa pa!"

Damn it!

"3, 2, 1-"

"Wacky, wacky!"

Kanya kanya silang ayos para sa wacky pose nang may bumulong sa kanang tenga ko, "It looks good on you."

Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa malamig na boses ni Noah! Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga habang napakalamig naman ng pagkakasambit niya! Pakiramdam ko pa'y dumikit na nga sa tenga ko ang lamig ng kanyang boses! Naging dahilan iyon upang muntikan nang sumabog ang puso ko sa kaba... at tuwa!

Naoalunk nalang ako't nagkunwaring walang narinig saka nag duck face habang naka peace sign, even though it send millions of chills to my system when his breath touched my ear! It's already enough to effin' kill me!

Nagsitayuan na sila matapos non at binigay naman saakin ni Mira ang cam, kanya kanya silang higa sa kama at hindi naman nagsiksikan dahil may 2 malalaking kama ang nasa kwarto na kasya ang 5 tao bawat kama.

"Paki-tag kami sa facebook ah!" Sigaw ni Carmi.

Mahina akong napangiti, "Sure."

Kumunot ang aking noo nang may napagtanto.

"I dont know your facebook accounts," dagdag ko.

"Si Noah nalang i-tag mo, total ay friends narin naman kayo." Mabilis akong napalingon kay Jeff. Totally dumbfounded.

"Ohhhh!" Ugong nilang sigaw. Bigla akong nailang at kinabahan.

Ngumiti si Jeff, "Share niyo nalang."

"Parang mga stupids!" Sigaw ni Emman, "Edi i-add niyo si Haisley!"

"As if." Mahinang bulong ni Miya. Hindi ko nalang siya nilingon saka napanguso.

"Oo nga!" Sigaw ni Elejane, "Ano facebook name mo, Hais?"

Biglang nanginig ang aking mga kamay. Ilang beses akong napakurap habang hinihintay nila ang aking tugon. Nang handa na sanang sumagot ay bigla namang sumingit si Carmi.

"Hala Ele, nasa Pilipinas na daw si Dahlia!8"

"Ha?!"

Napapikit ako ng mariin saka na idinungo ang aking ulo nang mabaling ang kanilang mga atensyon sa dating ex-girlfriend ni Elejane.

Pinanuod ko silang pagpyestahan ang mga bagong posts ng ex ni Ele, nakikichismis kung nasaan na siyang lupalop ng mundo. Nang makompirmang nasa Pilipinas na nga ito mula Brazil, wala sa sariling napasigaw si Ele, dinadamdam ang sakit.

"Pahingi nga ng alak!" Saka siya muling ngumawa't gumulong sa buong kama, naawa na ang buong barkada sakaniya.

Inabutan siya ng shot ni Jeff habang inooperate na ni Miya ang TV para sa papanuoring palabas, nang mabaling namana ng sakit ni Ele sa ibang bagay.

Wala akong balak matulog dito kaya sa lapag nalang ako umupo habang umiinom na rin ng alak. Nakapatay na ang ilaw at tanging ang TV at lampshade nalang ang nagbibigay ilaw sa kwarto. Kasalukuyan na silang nanunuod ng drama kaya natahimik sila't bagsak na rin si Clarence kaya wala nang maingay.

Pang pitong shots ko na at umiiyak na rin sila Miya dahil sa palabas, at Ele dahil sa ex niya nang bigla nalang tumunog ang cellphone ni Noah. Inis na inis naman syang pinagbababato ng mga babae ng unan dahil nasira ang mga moment nila kaya lumabas siya sa balcony.

Sinundan ko sya hanggang sa tuluyang magsira ang pinto ng balcony, hindi rin namin sya naririnig kaya muli akong lumagok ng alak. Paglapag ko sa baso ay eksakto naman syang lumabas, nagmamadali, "I need to go, inaatake nanaman si Amber."

Napatayo sila dahil sa gulat, "Huh?! How's she?!" alalang tanong ni Emman kaya kumunot na ang noo ko.

who is amber, really?

"Hindi ko pa alam but I'll let you know once she's okay." saka na sya naglakad papalabas habang sinusuot ang coat nya. Bago pa man niya madating ang pinto ay madadaanan niya muna ako kaya umusog ako para bigyan sya ng daan.

Laking gulat ko nang tumigil sya sa tapat ko't kinuha ang alak ng bote galing sa kamay ko, "Stop drinking." he said in a serious, dark tone saka na sya nagpatuloy ang paglalakad at lumabas na ng pinto dala ang wine at baso ko.

Napatitig ako sa nilabasan nyang pinto. Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko dahil sa patuloy nitong malakas na pintig, nakaawang parin ang bibig ko, while still staring at the door where he left.

Putangina.

why does he care, anyway?!

Napatigil ako nang may tumawag saakin, "Haisley." gulat kong nilingon si Jeff na nakaupo sa sofa, "Are you okay?"

"Hindi." At napatitig nalang ako sa kawalan, "'yong alak ko..."

"Lasinggera," natatawang dugtong ni Carmi.

Napanguso ako bigla sa mga naiisip. Binabagabag ako ng nangyari. Why was he so worried a while ago? Anong inatake? At

"Sino si amber?" nasapo ko ang bibig ko nang maisatinig ko ang iniisip ko!

Gulat akong napalingon sakanila, they are staring at me like I did some sort of crime infront of their eyes. Malungkot namang nakangiti si Dashiel saka ako tiningnan diretso sa mata dahilan para kabahan ako ng sobra.

Hindi ko naman sinasadya! Masama bang sabihin ang pangalan nung babae?!

"She's Noah's daughter."

──⋆⋅☆⋅⋆──

Dont foget to vote, comment and share!

She Wanted To EscapeWhere stories live. Discover now