bente-tres

48 12 0
                                    

CHAPTER 23

"I will never gonna go back to that house! Hinding hindi na ulit ako magpapakita sakanila! Book me a flight papuntang Japan, now!" Malakas kong sigaw habang malakas na sinisipa ang mga nakikita ko pag-uwi ng bahay.

Bumuntong hininga si Gim saka hinilot ang sentido, "That's the original plan, ang magtungo ka ng Japan after 2 days kaya may ticket ka na."

After Dashiel answered my question ay nagulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Gim, saying that we're already leaving at nagpasalamat pa sya sa mga nandoon saka ako hinatak palabas at nagdrive na pauwi.

Mabilis akong nagtungo sa elevator upang makapagpahinga na sa kwarto habang ginakit naman ni Gim ang stairs upang makapunta na sa kaniyang kwarto.

I didnt know that Noah's already have a daughter, hindi ko rin naman pinangarap na maging kabit. Ang akin lang, bawiin kung ano talaga ang tunay na saakin.

But if that means that I'm going to ruined a child's happy family, even her whole childhood itself, then I'm willing to leave again and never comeback.

Kasi alam ko ang pakiramdam na hindi ka kayang mahalin at alagaan ng sarili mong mga magulang, at ayoko nang magkaroon pa ng ibang bata na makaranas sa pinagdaanan ko.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pag iisip pagdating sa kwarto. Ala una pa ng madaling araw nang makauwi kami't nag alburuto na kaagad ako. Batid ko ring may hang over pa si Gim pero ginusto niya pa ring umuwi kahit napaka-komportable na ng buhay nya sa kabilang guest room!

Nagising akong nasa gilid parin ng kama, it was already 2:45 in the afternoon nang tingnan ko ang oras sa digital clock kaya nagshower na ako.

Matapos ay nagtungo sa taas. Nakaupo si Gim sa kusina habang kumakain ng ice cream. Nasa tapat na ako ng pinto palabas nang magsalita sya.

"Your flight's tomorrow." Anunsyo niya.

Hindi ko siya pinansin saka na lumabas ng bahay. I got the keys from my pocket of my cargo pants saka na nagdrive paalis.

I don't even know where I'm heading to. I just realized that I'm going to the city, to Tagbilaran city.

Lutang ako habang nagdadrive at saka lang ako napabalik sa reyalidad nang may tumakbong bata sa kalsada! Malakas akong napapreno sabay ang pagbusina. Shit, muntik akong makasagasa!

The girl cried habang nakadapa sa kalsada, I got out of the jeep saka lumuhod upang magkalebel kaming dalawa.

The girl's I think 5 or 6 years old, maputi, hanggang balikat ang medyo wavy nitong buhok, color almond ang bilugang mga mata, mapupula ang nakangawa nitong bibig at naka dress pa ito above the knee at naka sandal.

"I'm sorry, are you hurt?" inalalayan ko syang makatayo saka pinunasan ang mga luha gamit ang daliri ko. Pinagpagan ko rin ang siko, tuhod at damit niya bago siya tingnan ulit. Umiling naman ito kahit gasgas ang siko at tuhod nya kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka ito pinunas doon, hindi naman sya nasugatan.

"What are you doing in the middle of the road? Paano kung 12 wheeler truck ang dumaan? Where the hell's your parents?" sunod sunod ko namang tanong habang sinusuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri ko.

"I hate them!" shock was written all over my face nang isigaw nya iyon. She maybe ran away? Tumayo na ako saka sya hinarap ulit, "Where do you live? I'll take--"

"No, please! Huwag mo pong ipapaalam sakanila! I dont wanna go home! They dont love me anymore!" inalo ko sya ulit nang magsimula nanaman syang umiyak.

Batid kong malapit na kami sa city kaya isinakay ko nalang sya sa passenger seat saka na bumalik sa pagdadrive, I'll just ask her along the way.

"What's your name?"

She Wanted To EscapeWhere stories live. Discover now