Prologue

18 0 0
                                    

Prologue

Kakatapos lang ng graduation para sa mga SHS nung nakaraang araw. Pumunta sila Mama,Papa pati na rin ang bunso kong kapatid na si Atlas para dun at umuwi rin nang araw na iyon dahil may aasikasuhin pa raw sila sa babuyan may bibili na raw kasi ng mga baboy na inaalagaan nila Mama at Papa.

Kaya ako eto ngayon nasa bus pauwi na ng pampanga para doon mag-bakasyon at para na rin mag-trabaho dahil puwede naman na dahil graduate na ako ng Senior High. Hays, ang tagal ko ring hindi na ka uwi sa probinsya namin, na-miss ko na ang mga pinsan ko doon.

By the way, kasama ko pala si Amber mag-babakasyon din siya at in the same time mag-tatrabaho katulad ko, buti nga at pinayagan nila Tita at Tito,e.

Maayos naman ang bahay namin doon gawa sa bato, kaya walang problema kung may bagyo hindi ma-tatangay ang bahay. Hindi mo naman kami ma-isasama sa poorest of the poor dahil kahit papaano ay maayos naman ang tinitirhan ko sa maynila at maayos ang bahay namin rito dahil sa negosyo na baboyan at pag-aani ng palay, mayroon kaming lupain sa likod ng bahay namin, hindi naman ito masyadong malawak, sakto lang. Dahil dun napa-ayos ang ngipin ko naka braces ako ngayon at nag-pa adjust narin bago umuwi kaya no problem.

Si Papa ay hindi kapampangan si Mama lang dahil si Papa ay sa maynila ipinanganak at dun rin lumaki, nag-kakilala raw silang dalawa ni Mama dahil sa pinag-tatrabauhan nilang dalawa dati, ayun ang sabi nila dati.

Kasalukayang ako'y naka-tingin sa bintana nang bus, tinatanaw ang mga nadadaanan. Malapit na pala kami sa Sm, natatanaw ko na ang malaking ferris wheel sa Sm San Fernando, ang ganda ganda niyan pag-gabi at marami ring namamasyal rito dahil mura lang ang entrance minsan may discount pa.

Apaka ingay nitong katabi kong tulog, ang lakas humilik, nakakaloka. Tinapik ko siya para magising ngunit walang epekto ang ginawa ko sa kaniya. Ano na naman kaya ang panaginip nito?

Ganyan siya kapag na nanaginip ang hirap gisingin, mag-kasama kami sa bahay dahil dun ako nakatira sa kanila, mag-kaibigan kasi ang nga magulang namin kaya ganoon. Tapik ako ng tapik sa kaniya ngunit wala talaga, isa nalang ang naiisip kong paraan ang pitikin ang kanyang noo, at ginawa ko.

"Uhm... ano ba?" Sabi niya sabay kusot sa dalawa niyang mata.

"Hoy gaga! Malapit na tayo sa San Fernando." pag-sisigaw ko sa kaniya. Agad naman siyang nabuhayan, aba excited na ata siya, excited siyang makita ang jowa niya, hindi niya ito unang beses dahil nung sinama ko rin siya rito ay agad niyang natipuhan ang kaibigan kong si Elijah at ayun naging mag-jowa sila, sana all.

Nang makarating na kami sa San Fernando, pumunta ito sa may Robinsons ang akala ko ay sa Sm ito pupunta ngunit sa Robinsons pala, baka dito na kami ibababa?

Nang maiihinto na ang bus bigla nang nag-bukas ang pinto nito at nag-sisi ayos na ng gamit ang nga bababang pasahero, nag-ayos na rin kaming dalawa ni Amber.

Tumayo na si Amber sa kaniyang pwesto at nag-lakad palabas ng bus, ganun din ang ginawa ko. Pag-labas ko ay nakita ko siyang naka upo malapit sa ministop agad ko naman siyang pinuntahan dun, naka-ramdam ako ng gutom.

"Amber, bili tayo sa ministop." pag-yaya ko sa kaniya dahil gutom na ko.

"Ikaw nalang, dito nalang ako" pag-tanggi niya, agad kong inilapag ang mga bit-bit ko sa tabi niya at nag-lakad papuntang ministop.

Ano kaya ang mabibili ko rito? Ayokong bumili ng may kanin dahil sigurado ako pag-dating namin sa bahay ay may mga pag-kaing naka handa, napag desisyonan ko na bumili nalang ng chillz.

Pumunta ako sa cashier para mag-bayad at ibigay na ni Ate ang basong pag-lalagyan ng chillz. Pag ka bayad ko ay iniabot niya na saakin ang cup nito at dali daling pumunta kung nasan ang chillz, pinili ko ang Cloud-9. Hindi ko pinuno ang cup dahil ayokong lagyan nang takip, pag ka tapos ay nag-libot muna ako doon at tinitignan ang mga puwede pang mabili.

When I Met You                                   (Gonzalez Series #1)Where stories live. Discover now