Mabuti na lang talaga at nandoon din iyong may-ari ng lodging kaya naman hindi kami solo ni T1. True enough, masarap nga iyong pagkain. Mabuti na lang pala at tinawag niya ako! Magana akong kumain habang nakikipagkwentuhan sa mga may-ari nung bahay.

"Salamat po," sagot ko nang abutan ako ng baso. Wine daw 'to sa Batanes. I found it rude na tumanggi kaya naman uminom na ako. Nang abutan nila si T1 ng wine, mukhang nahiya rin kaya uminom din. Halos sampalin ko na naman ang sarili ko habang pinapanood ko iyong adam's apple niya na gumalaw habang iniinom niya iyong wine.

Lord, ano po ba ang balak niyo?!

Sobrang babait nung mga may-ari kaya ang hirap tumanggi. Nagkwento sila tungkol sa mga folklore at kung anu-anong interesting na bagay. Pero nang medyo lumalim na ang gabi, nagpaalam sila sa amin na mauuna na silang magpahinga dahil medyo matanda na sila.

"What?" I asked when I saw T1 looking at me.

"Seriously, may ginawa ba ako sa 'yo?"

"Wala nga," sagot ko habang sinasalinan ng wine iyong baso ko. May konti pa kasi na natira. Sayang naman.

"Sigurado ka?"

"Bakit? Guilty ka ba?"

He slightly cocked his head to one side as if he were thinking. Shit... Paka-gwapo naman ng isang 'to! San kaya siya nagreresidency? Sigurado ako kung nasa OBGYN 'to kilig na kilig 'yung mga babae! Baka magpa-pap smear for fun pa 'yung mga 'yun!

"I got nothing," sabi niya at saka umiling. "Wala akong ginagawa sa 'yo."

I scoffed.

"Seriously," he said because of me scoffing. "We still have 2 days here in Batanes. Ano ba'ng kinakagalit mo sa 'kin?"

'Di naman ako galit.

Ano ba 'yan.

Sabi na nga 'wag iinom, e. Nawawala iyong filter ng bibig ko. Baka kung ano masabi ko sa lalaking 'to bigla. Awkward pa naman kasi tama siya na may 2 days pa kami rito. Buti sana kung last night na namin, no. Kahit mag open forum pa kaming dalawa, game lang.

"Di nga ako galit," I said. "Di lang ako friendly, ganon."

I stood up and grabbed the bottle.

"Good night, T1," I said before I walked to my room.

"T1?" he asked.

My eyes widened a little.

Ayan na nga, e. Nawawala iyong filter kapag may alak sa sistema! Nyetang Freudian slip 'yan!

"Wala," I said, walking faster.

"Niles," he called behind me.

"Good night, Marcus—" I said as I tried to close the door to my room, pero mabilis niyang naharang iyong kamay niya kaya naman mabilis din akong natigilan. Baka surgeon siya—I wasn't that stupid para ipitin ang kamay niya dahil lang ayokong sabihin na naga-gwapuhan ako sa kanya.

"Gwapo ako?" he asked.

My forehead creased.

My eyes widened in panic.

What the fuck?! Did I just voice out my freaking thoughts?!

"Thanks for thinking about my fingers," sabi niya pa habang bahagyang naka-ngisi. "Balak ko pang maging neurosurgeon."

What the fuck, Nileen!

Bigla akong nanghina dahil sa mga katangahan ko sa buhay.

"Don't worry, it's fine," he said.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon