"Mukha ngang nakaka-enjoy iyong binabasa mo."

Biglang nag-init iyong mukha ko.

Tumingin ako sa kanya. Medyo naka-ngisi siya. What the hell? Tinutukso niya ba ako?!

Nanlaki ang mga mata ko.

Was he... flirting with me?

Itong lalaking may well-defined abs... nilalandi ako?!

Absent-mindedly, I slapped myself to check kung nananaginip ba ako... but as it turned out, hindi ako nananaginip dahil nakita ko kung paanong manlaki ang mga mata ni T1 nang makita niya akong sampalin ang sarili ko.

"Oh, shit," I said before I covered my face with my hands. Kung pwede lang talagang tumalon palabas nitong sasakyan, gagawin ko talaga! Sobrang nakaka-hiya!

"Okay ka lang?" he asked.

Hindi ako nagsalita.

"Bakit mo sinampal iyong sarili mo?" tanong niya pa.

Alangan namang sabihin ko na para i-check kung nananaginip ba ako o hindi?! Baka isipin ng isang 'to na may sira ako sa ulo! Gosh! Ang hirap talaga kapag wala kang experience sa love-love na 'yan! Kapag ganitong simpleng landi lang, inooverthink mo na!

"Niles, okay ka lang?" he asked again.

"Yeah," I replied para tumigil na siya.

Naka-takip lang ang mga kamay ko sa mukha ko hanggang sa maka-balik kami sa lodging. Hindi yata ako makaka-baba mamaya for dinner sa sobrang hiya! Ano ba 'yan!

"Nakaka-hiya ka, Niles," sabi ko sa sarili ko habang naka-tingin sa kisame. "Umayos ka nga. Akala mo 'di ka sanay maka-kita ng gwapo. Dami-daming gwapo sa ospital. Kumalma ka, please lang. 'Wag mong ipahiya ang sarili mo. Lalaki lang 'yan."

Mukha na siguro akong siraulo kung may makaka-rinig sa akin. Ilang minuto ko ring kinausap iyong sarili ko kaya naman halos atakihin ako sa puso nang may kumatok sa pinto.

"Niles."

Shit.

Bakit nandito na naman 'to?

Agad akong tumayo at saka binuksan iyong pinto. May manners naman ako. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Suot niya pa rin iyong kanina. Naka-white t-shirt pa rin siya at saka maroon shorts at saka black sliders. Saka napansin ko na may butas ng hikaw iyong tenga niya.

He's really out here defying the stereotypes, huh?

Bad boy na doctor.

"Dinner na raw," sabi niya.

"Hindi ako gutom," sabi ko.

Medyo kumunot ang noo niya. "Lunch pa huling kain natin."

Kinurot ko iyong palad ko. Lord naman. Bakit ang bilis kong kiligin sa lalaking 'to? Literal na tatlong araw ko pa lang siyang nakaka-sama. Ang rupok ko naman po.

"Ah... diet ako," sabi ko.

"What? Are you sure? Masarap 'yung pagkain sa baba."

Then my scandalous stomach growled again.

Shit.

"Gutom ka naman pala," he stated. "May... nagawa ba akong hindi mo gusto? I don't want to assume, but I feel like you're avoiding me."

My laughed sounded robotic and forced.

Shet.

Nakaka-hiya!

"Hala? Ano'ng sinasabi mo d'yan?" tumatawa na sabi ko habang lumalabas na sa pinto. "Tara na nga!" sabi ko pa at nauna akong pumunta sa kanya sa dining area.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang