Chapter 3

444 17 1
                                    

"I hate you..." mahina kong sabi kay Glen while trying to push him away from me. Nakakainis naman kasi. Hindi ako prepared sa ganitong moment! Ang akala ko talaga, iindianin niya na naman ako. I was so used to that kind of scenario kaya hindi man lang pumasok sa utak ko na posible palang mag-e-effort talaga siya para makabawi sa akin.

'Yan kasi e. Ang bilis kong mag-judge. Pahiya pa tuloy ako.

But can he blame me though? Siya rin naman yung reason kung bakit iba na ang judgment ko sa kanya e. Sa ilang beses na nangako siyang babawi na siya, ngayon niya lang naisipang tumupad sa promise niya. Malay ko ba kung kapareho lang nung dati yung ngayon? 

"Did you really think that I would ditch you again?" tanong sa akin ni Glen tapos tiningnan niya akong maigi. Sinusubukan niyang hulihin yung mga mata ko pero iwas ako nang iwas ng tingin. Dyahe. Nakakahiya talaga 'tong ginawa ko. Ang lakas pa naman ng loob kong makipag-break talaga sa text.

Napabuntonghininga si Glen dahil hindi na ako sumagot sa tanong niya. Ang obvious naman kasi talaga, e. Sobrang giveaway na yung lack of response ko pati na rin yung reaction ko kanina.

"Sabi ko naman sa 'yo babawi ako, 'di ba? You don't need to keep on having second thoughts about everything that I would say from now on," sabi niya sa akin tapos niyakap niya ulit ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naiyak na ako tapos niyakap ko na rin siya. Kung ganito ba naman kasi ang treatment niya palagi sa akin, sinong hindi mapo-fall? 

Hay nako. This was what I liked about him before, e. Sobrang sweet tapos sobrang caring. Parang feeling ko nga noon, panaginip lang ang lahat. Kasi hello? Saan ka pa ba makakakita ng ganitong klase ng lalaki? Maalaga, sweet, gwapo, mayaman, matalino. Yung tipong nagpasabog si God ng pagiging perfect, nasa front row na agad siya. Sinalo na nga lahat kaya parang wala nang natira para sa iba.

Kaso ayon. As time passed by, bigla siyang naging distant. Hindi ko naman alam kung bakit. Hindi niya rin naman kasi ako sinasagot. Kaya nga ginusto ko nang makipag-break, e. Kasi parang wala na rin naman talaga kami. Tapos ngayon, ito na naman siya. Bumabalik na naman sa umpisa.

"'Wag ka ngang umiyak. Baka akalain nila, inaway kita."

"Kasalanan mo rin naman 'to, e!" sagot ko sa kanya tapos lalo akong naiyak. Si Glen, ayon. Pinagtatawanan ako habang sinusubukan akong patahanin.

Nung medyo kumalma na ako, pinasakay na niya ako sa kotse niya. True enough, nag-prepare nga talaga siya para sa breakfast namin ngayon. Dinala niya ako sa restaurant kung saan kami unang nag-date dati. In-order niya rin yung mga paborito ko. 

I can't help but wonder tuloy paano ba kami naging ganito.

Paanong biglang nawalan siya ng time sa akin? Tapos napabayaan niya yung relationship namin bigla. Hindi kasi ganito yung pagkakakilala ko sa kanya. Saka, he wouldn't dare to introduce me to his parents naman kung hindi siya seryoso sa akin, 'di ba? So bakit biglang naging ganito?

Sa dami ng mga tanong na tumatakbo sa isip ko, hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako at nakatingin lang sa mukha ni Glen.

"Itanong mo na," tipid na sabi niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil doon.

"Halatang may gusto kang itanong. Itanong mo na," sagot niya tapos ngumit siya sa akin. Shemay. 'Yan na naman 'yang ngiti niya na lumalabas yung dimples niya! Nyeta. Pa-fall talaga 'yang dimples niya na 'yan, e!

"Bakit ba tumagal ng ilang linggo bago tayo nagkita ulit? Tapos hindi mo ako kinakausap. Yung texts ko, halos hindi mo sinasagot. Alam mo ba na sa time na 'yon, feeling ko talaga, wala na akong boyfriend? Kaya nga nagdesisyon na akong makipag-break sa 'yo, e. Feeling ko kasi, doon din naman tayo babagsak," deretso kong sagot sa kanya. Ibinaba agad ni Glen yung hawak niyang menu tapos tiningnan niya ako nang deretso. Hinawakan niya yung kamay ko without breaking the eye contact.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moving Into His HeartWhere stories live. Discover now