Chapter 3

276 8 0
                                    

CHAPTER THREE

LUMANGHAP ng sariwang hangin si Trance. Wala pa ring pinagbago ang lugar. Marami pa ring puno sa paligid ng villa. Umaasa syang ganoon pa rin ang rancho. Matagal na syang hindi nakapagrerelax. Gusto nyang tingnan ang sitwasyon roon. Biglang bigla, gusto nyang sumakay ng kabayo at libutin ang buong racho.

"Bossing, ayos pala rito." Komento ng isa. Nasatisfy ito sa nakikita sa paligid. Sino ba namang hindi, tahimik at maaliwalas ang buong paligid.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ng isang iyon. Alam nyang magugustuhan pa nila kapag nakita na ang kabuuan ng rancho. Ipinagmamalaki iyon ng lolo nya.

"Kuya Trance!"

Isang dalagita ang masiglang yamakap sa kanya. Hindi nya agad namukhaan ang pinsan nyang si Lira. Ang natatandaan nya kasi hindi feminine ang kanyang pinsan. Nakikipagsapakan iyon sa mga kalarong lalaki.

"S-sino ka?" Nahampas sya ng dalagita sa braso.

"Nakakainis ka. Hindi ka kasi dumadalaw rito, eh. Nagpaghahalatang tumatanda ka na kaya ka nagiging ulyanin." Natatawang wika ng dalagita.

"Hindi ah, kasi ang pagkakaalam ko lalaki ang kasama rito ni Lolo hindi bakla. Ha-ha-ha!" Nakitawa rin ang kanyang alipores.

"Bakla pala, ha." Umigkas ang kamay nito. Naglanding iyon sa panga ni Trance.

"Anak ng―" Nasapo ni Trance ang kanyang panga. Hindi nya inaasahan ang ginawa ni Lira.

"Bossing, naisahan ka ng pinsan mo." Pang-aalaska ni Maki.

"Sinasabi ko na nga ba. Tama ang hinala ko. Nagtatago ka lang sa anyo ng babae." Naiiling sa saad ni Trance.

Sinimangutan sya ng kanyang pinsan. Nagpatiuna na iyong pumasok sa villa. Sumunod ang mga alipores nya. Pagpasok nila sa loob. Naroon ang kanilang abuelo. Nakatayo iyon, nakatanaw sa labas ng bintana. Halata sa anyo nito ang pagiging istrikto.

"Lo..."

Nagsukatan sila ng tingin. Wala pa ring ipinagbago ng matanda. Allergic pa rin sa mga Viltrega. Anong magagawa nito, mismong Viltrega ang ama ng apo. Kilala ang ama nya sa pagkuha ng bagay na nagugustuhan sa pamamagitan ng dahas. He used to treat people. Tulad ng ginagawa nya. Iyon ang ayaw ng kanyang abuelo.

"May naligaw na may mahabang sungay sa aking pamamahay at isa pang Viltrega." sarkastikong wika ng matanda.

Natawa ang kanyang mga alipores sa sinabi ng lolo nya. Ngayon lang nasaksihan na nawala ang kanyang katigasan. Soler lang ang katapat ng mga Viltrega.

"Arogante pa rin kayo." Komento ni Trance.

"Siraulo ka pa rin." Bwelta ng matanda.

"Kanino ba ako magmamana kundi sa inyo." Nakangising turan Trance. Hindi nagustuhan ng lolo nya ang ideyang iyon. For him, there's nothing worst than being a Viltrega. Kasumpa-sumpa ang pagkakasakop ng isang Soler sa haragang Viltrega.

"Ipasisipa kita palabas ng rancho oras na ulitin mo pa iyon." Banta ng matanda.

"Hay naku! Ngayon lang kayo nagkitang muli pero nagtatalo na naman kayo." Puna ni Lira. Ang lolo nila kasi masyadong hot. Hindi pa nga nakakaupo si Trance sa sofa binirahan na naman ng lolo nila. Mas malala kung ang ama mismo ni Trance ang dumadalaw roon, araw-araw nakakarinig ng pasaring mula sa matanda. Marahil kinasanayan na nitong punahin ang kilos ng manugang. Hindi nito tahasang ipinakikita ang bagay na iyon. Maluwag na tinanggap ng matanda ang katotohanan. Ngunit dahil sa pride, mas gusto pa nitong punahin ang kilos ng manugang.

Loving Miss ClumsyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon