Loving Miss Clumsy

740 10 0
                                    

CHAPTER ONE

ABALA si Marxie sa pagbabasa ng mens magazine, samantalang si Vivee nilalaro ang alaga nitong tuta na si Pitpot. Si Vivee ang panganay na anak ni Mang Kiko na isang magsasaka at si Aling Salvacion na isang mananahi. Si Marxie ang bunso nila. Wala silang anak na lalaki.

Mahiyain si Vivee kumpara sa kapatid nitong si Marxie. Kadalasang napagkakamalang si Marxie ang panganay. Mailap sa tao si Vivee. Ipinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang anak bukod sa masisipag na, magaganda pa. Hindi nga ba't ilang bases ng nanalo sa beauty contest ang anak nilang si Marxie.

Gan'on din sana si Vivee, ang kaso mahiyain ito at walang hilig sa ganoong klase ng aktibidades. Mas gusto pa ni Vivee na makasama ang alagang hayop. Isa syang veterinarian pero mas nahihilig din syang magdisenyo ng mga damit.

"Ate Vivee, halika rito. Pagmasdan mo ang mga hunks dito sa magazine."

Tawag ni Marxie sa nakatatandang kapatid. Lumapit si Vivee sa duyan na kinahihigaan ng kapatid. Nakakabit iyon sa puno ng mangga sa likuran ng kanilang bahay.

"Si Señorito Vander ito 'di ba?" Itinuro nito ang isang lalaki na naka-swimming trunk. Group picture iyon ng mga hunks sa beach. Ang tinutukoy ng kapatid ay anak ng may malawak na lupain sa karatig bayan.

"Oo, sya nga 'yan." Walang ganang sagot nya. Binalikan muli ang alagang tuta na nagtatatakbong papalayo.

"Hay! Ang gwapo talaga nya." Kinikilig na sambit nito. Matagal na nitong crush ang lalaking iyon.

"Marxie, huwag mong pagpantasyahan 'yan. Puro bluff lang ang profile ng mga 'yan dyan sa MENCO magazine na 'yan." Mahinay na wika nya.

"Ate naman. Look at this, he's so-so gorgeous. Kaya pala hindi ko sya nakikita rito sa atin. Haay! Kailan ko kaya sya makikitang muli." Kinikilig na wika ni Marxie.

Sumulyap si Vivee sa kapatid. Bakit nga ba nandito si Marxie? Ang alam nya may pasok ito sa ospital sa bayan.

Tinatamad sigurong pumasok ang kanyang kapatid. Isang itong nurse. Maswerte sila dahil natulungan sila ng kanyang tiyahin na nasa United Kingdom. Iyon ang sumuporta sa kanilang pag-aaral.

Si Vivee, madalas na nasa bahay kaysa magpunta sa clinic. Inaasahan nya ang kanyang kaibigan roon. Ipinatatawag sya kung may emergency.

Nakarinig sila ng busina ng sasakyan. Sabay na nagkatinginan ang dalawa. Ang ama nila iyon. Dumating na buhat sa pagde-deliver ng mga inaning gulay.

Mabilis silang kumilos. Tumakbo papunta sa harap ng kanilang bahay. Nagkarera ang magkapatid na parang bata. Naunahan si Vivee ng kapatid. Muntik pang madapa si Vivee ng mapatid sa bato.

"Vivee, sinabi ko na huwag kang tatakbo." wika ng kanilang ama.

Sinisita na naman sya sa ginawang pagtakbo. May pagka-clumsy kasi sya kaya pinagbabawalan syang tumakbo. Tinawanan sya ng kapatid.

"Mano po." Pagbibigay-galang sa ama.

"Tay, wala ka yatang alalay ngayon." Puna ni Marxie ng hindi makita ang katulong ng ama. Mag-isa lang itong dumating dala ang kanilang jeep.

"Nagpaiwan sa bayan. Sya nga pala. Galing ako sa Mandayan. May kakilala ako roon at binigyan ako ng imbitasyon para sa inyong dalawa. Magkakaroon ng welcome party para sa anak ni Señor Amario sa kanilang hacienda." Iniabot sa kanya ang invitation card. Bigla iyong hinablot ni Marxie bago pa makarating sa kamay nya.

"Aba'y Marxie, nawawalan ka na ng galang. Maanong hintayin mo munang mahawakan ng ate mo." Sita ni Mang Niko sa anak.

"Pasensya ka na, Tay. Excited lang ako, eh." Nanlaki ang mata nito ng makita kung sino sa anak ni Señor Amario ang darating.

Loving Miss ClumsyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon